Sa totoo lang, kaya naman nag-resign si Migs Zubiri sa Senado dahil alam niyang sa bagong composisyun ng Senate Electoral Tribunal, wala na siyang pag-asa. Wala na kasi ang kanyang mentor at tagapagtanggol, si Sen. Edgardo Angara.
Ang malas pa niya, ang pumalit kay Angara ay si Sen. Antonio Trillanes IV, na kung maala-ala natin mula-mula pa noong 2007, naniwala na hindi naman talaga nanalo si Zubiri. Kaya minus one na si Zubiri sa bilang niya sa SET at plus one si Pimentel.
Ang SET, na siyang dumidinig ng protesta sa Senado, ay kinabibilangan ng tatlong Supreme Court justices (Antonio Carpio, Arturo Brion, at Teresita de Castro) at anim na senador na ngayon ay maliban kay Trillanes, sina Pia Cayetano, Francis “Kiko” Pangilinan, Lito Lapid, Ramon “Bong” Revilla, Jr., Gregorio Honasan.