Skip to content

Tag: Divisoria

Divisoria shopping

Pumunta kami ng aking pamangkin kahapon sa Divisoria para bumili ng mga barong at kimona na bilin ng aking sister-in-law sa Amerika.

Tuwing Pasko daw kasi sa U.S, sa party ng Filipino community, Filipiniana ang kanilang theme. Tiningnan ko sa mga department store and presyo ng mga barong at kimona at nadismaya naman ako sa mahal. Ang pinakamura na barong ay P1,700. Ang mga magaganda halos P3,000. Ang kimona naman, ang pinakamura P800.

First time ko pumunta sa Divisoria para mag-shopping dahil hindi naman ako masyado nagsa-shopping. Tuwang-tuwa ako dahil ang laki talaga ng diperensya ng presyo, Ang nakuha kung mga magagandang barong ay P700 at P800 lang. Ang kimona naman P350. Medyo mahal (P900) ang isa kung napili dahil handmade daw ang burda.

Namili na rin kami ng mga ibang regalo. Kaya, ang dami naming bitbit ng pamangkin ko. Medyo ma-trapik lang.