Habang sinusulat ko itong kolum, Lunes ng umaga, ang balita ay tuloy pa rin ang plano ni Gloria Arroyo na dadalo raw libing ni dating Pangulong Cory Aquino.
Ang kapal talaga ng mukha, ano.
Ipinagdadasal ko na makapagtimpi ang mga tao na dadalo sa misa at sa libing ni Cory dahil alam ko sa ngayon marami ang nagpupuyos ang damdamin sa kasamaan nitong pekeng presidente.