Skip to content

Tag: Con-Ass

Convergence of anti-Con Ass voices

sarah-and-bibeth harry-and-his-students militant-even-before-born

1) Bibeth Orteza and daughter,Sara 2) Harry Roque and his Constitutionbal Law students (UP) 3. UP Law student Michelle Chua-Puyo takes a stand against Con-Ass with her baby in her womb .

contra-con-ass-manileno plm fred-llim-leads-march

1) Manileño contingent 2) Pamantasan ng Lungsod ng Maynila against Con-Ass 3) Among those leading the march: Mayor Fred Lim, PLM President Adel Tamano, Rodolfo “Jun” Lozada, Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, Kabataan Party Rep. Mon Palatino.

arriving-with-torches young-boy precy-lopez-gina-dev-harry-roque1

1) Protest march became a torch parade when darkness started to set in 2) This young boy asked me to take his picture 3) Precy Lopez-Psinakis, Gina de Venecia, Harry Roque and other members of the Concerned Citizens Movement

Cha-Cha protesters start countdown

by JP Lopez
Malaya

STUDENTS and young professionals led by the Movement of the Youth for Empowerment, Reform, Advocacy and Progress (myERAP), a group aligned with President Joseph Estrada, yesterday served a symbolic “notice of eviction” to President Arroyo near Malacañang.

Sana

Sa Martes, magkakaroon ng martsang protesta kontra Con-Ass sa Manila.

Sa halip na matagalang rally sa isang lugar, martsa naman ang gagawin ng mga lumalaban sa balak ni Arroyo na pagpalawig ng kanyang panatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng illegal na Constituent Assembly.

Ang martsa ay manggagaling sa dalawang parte ng Metro Manila alas-kuatro ng hapon. Mayroong magsisimula sa Quezon City welcome Rotonda and meron din na manggagaling sa Vito Cruz, Manila. Magkikita-kita sa Liwasang Bonifacio mga alas-sais ng hapon. Magkakaroon ng maigsing konsyerto ng mga makabayang awitin.

Walang paki-alam si Arroyo

Kung walang masama na binabalak si Gloria Arroyo, madali naman niyang sabihin na pagdating ng Hunyo 30,2010 bababa na siya sa Malacañang dahil yun naman talaga ang nakasaad sa Constitution.

Sa totoo lang, sa bawat minuto na nasa Malacañang si Arroyo ay paglapastangan sa batas at Constitution dahil hindi naman talaga siya binoto, kailan man, ng sambayanang Pilipino. Inagaw niya ang pagka-presidente noong Enero 2001 at nandaya siya noong May 20004. ‘Yan ang sinasabi ni Susan Roces na, “You stole the presidency not once but twice.”

Kaya lang sa sobrang kabaitan ng Pilipino, parang nagiging doormat na tayo. Tinatapakan na hindi pa rin uma-alma. Ayaw kasi nating ng gulo. Kahit harap-harapan na tayo niloloko, okay lang basta walang gulo. Hindi natin naiisip ang mas malaking gulong idinudulot ng isang ilegal na administrasyon.

Mag-ingat sa tuso

Kayo ba ay naniniwala na talagang tatakbo si Gloria Arroyo bilang kongresista ng Pampanga sa 2010 eleksyon?

Malakas ang kutob ko na isa na namang pakulo niya ito at meron talaga siyang ibang maitim na balak. Suspetsa ko diversionary tactic lang ito.

Nakakapagtaka kasi sila mismo ang nagpapalutang. Si Arroyo mismo. Sinabi nya sa kanyang talumpati, “anong malay nyo, baka tumakbo akong kongresista sa Pampanga.” Ito ay sinundan ng mga pahayag ng kanyang deputy spokesperson na si Lorelei Fajardo na wala namang batas na nagbabawal na tumakbong kongresista.

SC junks petition vs constituent assembly

Breaking news:

by Tetch Torres
Inquirer.net

The Supreme Court has dismissed the petition filed by two lawyers seeking to nullify House Resolution 1109 which seeks to convene lawmakers into a constituent assembly, even without the approval of the Senate.

In its ruling, the high court said the issue on the constituent assembly was premature and lacked a justiciable issue.

The petitioners – lawyer Oliver Lozano and his daughter, lawyer Evangeline Lozano – said HR 1109 was railroaded by the House of Representatives to extend the term of President Gloria Macapagal-Arroyo beyond 2010.

AFP studying charges vs. Lim on Cha-Cha call

by Victor Reyes
Malaya

Military lawyers are determining whether detained Brig. Gen. Danilo Lim could be charged again for violating the Articles of War.

The former Scout Rangers chief on Wednesday asked soldiers to make a stand on the moves of Palace allies to amend the Constitution, and not to allow themselves to be used.

The call was contained in a message read during the multi-sectoral, anti-Charter change mass action in Makati City.

Huwag sumunod sa ilegal na order

Sa Strictly Politics na hosted ni Pia Hontiveros sa ANC, may dalawang panawagan si dating Defense Secretary Avelino “Nonong” Cruz.

Ang unang panawagan niya ay sa taumbayan na tutulan ang Con-Ass na sinusulong ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon. Sabi niya kailangan mapayapa. Huwag bigyan si Arroyo ng rason na magdeklara ng state of emergency.

Ang state of emergency kasi ay parang martial law na rin yun. Mawawala na ang marami nating kalayaan at dictatorship na ang kalalabasan natin. Si Arroyo na ang batas. Kapag sinabi niyang hulihin mo itong isang tao dahil hindi ko gusto ang kanyang pagmumukha, huhulihin yan at itapon sa kung saan nya gusto.

BGen Lim: For what is right, for what is true, for what is just

Message of Brig. Gen. Danilo Lim delivered by Mrs. Aloi Lim at the Stop Con-Ass rally in Makati, June 10, 2009

Aloy Lim
Aloy Lim
Ang Hukbong Sandatahan ay instrumento ng taong bayan.
Protektor ito ng mamamayan at ng estado.
Hindi nito obligasyon ang sang-ayunan ang katiwalian ng administrasyon.

Hindi trabaho ng AFP ang mandaya sa eleksyon.
Hindi dapat binibigyan ng premyo ang mga heneral na mahilig magbenta ng serbisyo sa mga politico.

At lalong hindi gawain ng sundalo ang pumatay sa mga aktibista, mga mamamahayag at mga taong walang kasalanan at walang kalaban laban.

Nuong isang linggo, nag issue ako ng statement at sinabi ko duon, “I, therefore, call on every officer and enlisted man to follow your conscience and do what is right – PROTECT THE PEOPLE AND THE STATE!”

Papayag ba tayo?

Bukas, magkita-kita tayo sa Ayala ng ika-lima ng hapon.

Ipakita natin ang ating pagtutol sa panloloko na ginagawa ni Gloria Arroyo sa pamamagitan ng Con-Ass na kanyang isinusulong pra siya manatili sa kapangyarihan habambuhay.

Sabi ni Rep. Mauricio Domogan, isa sa may-akda ng nakakadiri na House Resolution 1109, na kahit mag-ngangawa ang mga tao sa kalsada, wala silang paki-alam. Itutuloy nila ang kanilang ilegal na gawain.