CBCP”s Pastoral statement: A time of pain, a time of grace (Full text is in Comments)
Ang pagtanggap ng mga Obispo ng mga sasakyan at pera galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office ay angkop sa kanilang baluktot na patakaran na okay lang tumanggap ng pera na galing sa sugal basta gagamitin lang sa pagtulong sa mga mahihirap.
Dismayado ako nang unang narinig ko itong patakaran sa yumaong Jaime Cardinal Sin. At noon, dahil mabango si Sin kay Pangulong Cory Aquino tahimik lang tayo.
Jueteng noon ang pinag-usapan. Kung okay lang tumanggap ng pera ng jueteng para itulong sa mga mahihirap, bakit natin ipahinto ang jueteng at ibang klaseng sugal?
Kung okay na tumanggap ng pera galing sa jueteng, anong masama kung galing sa pamahalaan kahit pa korap ang opisyal na nagbibigay?