Pangalawang kaso ng graft laban kay dating Comelec Chairman Benjamin Abalos kaugnay sa ma-anomalyang NBN/ZTE ang isinampa sa kanyan ng Ombudsman kasama si Gloria Arroyo.
Una ay yung isinampa ng Akbayan noong 2007. Paglabag din ng Republic Act 3019, ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Hindi isinama ng Ombudsman na si Merceditas Gutierrez noon si Arroyo.
Sa kasong isinampa ng bagong Ombudsman, Conchita Carpio-Morales kaugnay ng anomalya tungkol sa NBN/ZTE bago matapos ang 2011 laban kay Arroyo, kasama din si Abalos.
Sabi ni Ombudsman Spokesman Asryman Rafanan ibang bahagi daw R.A. 3019 ang tinumbok ng bagong kaso laban kay Abalos.
Nakakulong si Abalos ngayon kaugnay sa kasong electoral sabotage noong 2007 na eleksyun na isinampa ng Comelec.