Skip to content

Tag: Baby Arenas

Nag-aaway,pinag-aaway

Hindi bago ang nag-aaway na mga grupo sa isang organisasyun. Bawa’t isa sa atin ay magkaiba ang ugali.

Noong panahon ni Pangulong Estrada, iba-ibang bloke rin. Sinabi ni Estrada na “Hayaan mo silang mag-aaway-away. Mabuti yan para magbabantayan. Basta ako lang ang boss nila.”

Ito rin kaya ang stratehiya ni Panguloy Aquino? Sa Manila Economic and Cultural Office, ang nagtatayong embassy ng Pilipinas sa Taiwan, inilagay ni PNoy si dating senador Leticia Shahani na miyembro ng board. Ngunit pinatili rin niya si Rosemay “Baby” Arenas, ang napabalitang “special friend” ni dating Pangulong Ramos.

Ang MECO ay isang opisianang tinatawag na gatasan dahil nag laki ng kinikita dyan ng mieymbro ng board. Daang-daang libong piso ang kinukulekta ng mga miyembro ng board dyan.

Hindi nakakapagtaka si Shahani dahil ang alam ng marami na nagsuporta siya sa kandidatura ni PNoy. Napaka-aktibo ng anak niyang si Lila sa kampanya. At ang pamilyang Ramos ay talagang malapit sa Taiwan. Ang ama nina Shahani, si Narciso Ramos, ay dating ambassador sa Taiwan nang hindi pa tayo “One-China” policy.