Kahit na pangit ang nangyayari ngayon sa Senado, mabuti na rin dahil lumalabas ang tunay na kulay ng marami sa kanila.
Kung hindi sila nagbabangayan, di hindi sana natin nalaman ang mga behind the scenes na ginawa ni Sen. Manny Villar katulad ng pakiki-usap kay Senate President Juan Ponce-Enrile na parang ang dating daw ay nag-aalok ng tulong kapalit ang favorable na report tungkol sa C-5 road extension na proyekto.
Nalulungkot lang ako sa nangyari kay Sen. Aquilino Pimentel, Jr. na malaki rin naman ang kontribusyon sa ating demokrasya sa kanyang paglaban sa diktaturang Marcos.