Mangyayari kaya dito sa Pilipinas ang nangyari kay Heather Co, ang anak ng chairman ng Korean Airlines na humingi ng tawad sa publiko sa ginawa niyang pagsuplada at pag-inarte sa sarili nilang airline?
Malabo.
Ito lang kay Police Chief Alan Purisima, inimbistiga ng Ombudsman ang tungkol sa ma-anomalya na pagbigay ng kontrata sa courier na magde-deliber ng mga lisensya ng baril. Napag-alaman na sabit si Purisima.
Sinuspindi. Sa halip na mag-fade away na lang, sinubukan pang ipahinto ang suspension.
Ang Pangulong Aquino naman, na binabandera ang kanyang “Tuwid na Daan”, depensa ng depensa kay Purisima. Kahit na nasuspindi na, pinipilit pa rin na pumirma lang naman daw si Purisima. Baka nalusutan lang daw.
“Nilalagay ko ang sarili ko sa lugar niya? Usisain ko ba lahat na papeles na dumadaan sa agin para pirmahan?” sabi ni Aquino.