Ang pagtatalaga ni Gloria Arroyo sa sarili bilang anti-drugs czar, o pangkalahatang hepe sa laban sa ilegal na droga ay nagpapakita ng pagka-inutil ng kanyang administrasyon.
Halata namang gimik lang para maniobra nila at mawala ang isyu sa media at sa isipan ng mga tao. Wala sa priority ni Gloria na masugpo ang ilegal na droga na sumisira ng buhay ng maraming Filipino, karamihan ay mga kabataan. Ang priority ni Arroyo ngayon ay hindi malaglag sa kanyang nakaw na trono.
Ano ang kanyang utos bilang anti-drug czar? Tumigil sa pagsasalita sa media ang mga opisyal ng Department of Justice sa pangunguna ni Justice Secretary Raul Gonzalez at ang mga taga Philippine Drug Enforcement Agency sa pangunguna ni Director General Dionisio Santiago at Maj. Ferdinand Marcelino, hepe ng Special Enforcement Service ng PDEA.