Maayos naman ang mga reaksyun ng dating hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency na si Dionisio Santiago at ni Marine Major Ferdinand Marcelino ng dating hepe ng PDEA Special Enforcement Service sa pagpawalang sala sa dalawa sa tatlong akusado sa grupong tinagurian ng media na “Alabang Boys.”
Pinalaya na sina Jorge Joseph at Richard Brodett , kabilang sa mga mayayaman na pamilya,pagkatapos ma- absuwelto ng Muntinlupa Regional Trial Court Judge Juanita Guerrero ng paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ng 2002.
Maala-ala na nahuli sila sa isang buy-bust operation na nagbe-benta ng shabu sa ahente ng PDEA noong Septyembre 20, 2008 sa Ayala Alabang, tirahang eksklusibo para sa mga mayayaman. Ang isa pa nilang kasama na si Joseph Tecson ay nahuli sa magkaibang operasyun sa Quezon City. Naghihintay na rin ng desisyun ng korte si Tecson.