Update: Comelec backtracks on celebrity endorsers
Aba, magkasundo ngayon si Noynoy Aquino, kandidato para presidente ng Liberal Party at si Manny Villar, kandidato ng Nacionalista Party sa isang isyu: hindi maaaring pagbawalan na magpatuloy sa kanilang trabaho bilang entertainers ang mga artista na nage-endorso sa kanilang kandidatura.
Sinabi nila sa magka-ibang statement na kung kinakailangan, pupunta sila sa Supreme Court para ipaglaban ang karapatan ng mga artisitang tumutulong sa kanila. Sabi ni Villar,”Artista ka man o hindi, karapatan ng isang Pilipino ang magpahayag ng kanyang saloobin tungkol sa pulitika at hindi siya dapat parusahan.”
Ngayon na opisyal na na campaign period, ipinaala-ala ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at ng Commission on Election na nakasaad sa Fair Election Act na kailangan daw mag-bakasyon muna sa kanyang trabaho ang sino mang artista or reporter na magkakandidato o magta-trabaho para sa kampanya ng isang kandidato.