Sana ituloy ni Justice Secretary Raul Gonzalez na kasuhan si Bishop Antonio Tobias ng Novaliches sa kanyang pagkupkup kay Lt. Lawrence San Juan nang ang tenyente ay tumakas sa kanilang pagkakulong noong Enero nitong taon.
Sabi ni Gonzales at ni Executive Secretary Eduardo Ermita imbestigahan raw si Bishop Tobias sa kanyang ginawa at maari pang sampahan ng kaso sa pagtago ng isang taong hinahabol ng pulis at military.
Si San Juan ay miyembro ng Magdalo na nag-alsa laban kay Arroyo noong 2002 na ngayon ay tinatawag nating Oakwood mutiny. Tumakas siyang noong Enero at nahuli siya pagkatapos ng isang buwan. Noong isang linggo, ipineresenta siya ng military na bumaligtad na raw at nakipag-cooperate na raw sa kanila.