Malaki sigurong anomalya ang nakatago diyan sa pera sa OWWA (Overseas Workers Welfare Agency) kaya ayaw humarap ng mga opisyal sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado sa committee na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Richard Gordon tungkol sa paglikas ng ma namimiligro na Overseas Filipino Workers.
Ang alam natin, ilang milyon niyan ay ginamit para pambayad ng Philhealth cards na pinamudmud ni Gloria Arroyo noong 2004 elections. Mukhang may iba pang milagro kaya takot silang sumipot sa Senado. Baka nga naman mabuking.
Kasi kung wala silang kasalanan ay ginamit nila ng maayos ang pera, bakit takot humarap sa mga senador. Kung mayroon dyan mga senador na gusto lang mag-grandstanding, di supalpalin nila ng katotohanan. Ang problem lang ay kung marami ngang kababalaghan na nangyari sa P8 bilyon na pera ng mga OFW.