Kaya gusto ko umuwi sa amin sa probinsiya ng Antique ay para na rin reminder sa sarili ko na hindi Pilipinas ang Manila.
Ang aming baryo, Guisijan, ay nasa bayan ng Laua-an. Katulad ng maraming baryo dito sa Pilipinas, hindi nararamdaman ng mga tao doon ang national government. Kayod lang sila ng kayod.
Ang kasabihan na “Isang kahig, isang tuka” ay tugmang-tugma sa uri ng pamumuhay doon sa amin. Para may hapunan, papalaot ang mga kalakihan para mangisda. Noong malilit kami, pagdating namin galing sa eskwela, takbo kaagad sa tabing dagat at tutulong maghila ng bitana (fish net).