(Isinumite ko itong column sa Abante ng umaga. Nang hapon na confirm ang promosyon ni Esperon hindi lang sa pagka three- star general. Pati na rin sa pagka four-star. Express ang nangyari.Ganyan ang buhay dito sa Enchanted Kingdom ni Gloria Arroyo.)
Itong title ay galing kay Anna, isang Filipina na naninirahan sa Brussels.
Galit na galit si Anna sa bastusan na ginawa ni Gloria Arroyo sa pag-promote kay AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon sa ranggong four-star general kahit hindi pa naku-confirm ang kanyang promotion sa pagka-three star general.