Skip to content

Category: Web Links

Pera-pera lang

Galit na galit si Sen. Rodolfo Biazon sa panukala ni Secretary Ronaldo Puno ng Interior and Local Government na magbibigay sila ng P25 milyon sa Moro Islamic Liberation Front kung isu-surender nila sina Ameril Ombra kato, Abdulla Macapaar alias Kumander Bravo at Aleem Sulaiman.

“Hindi ako papayag na pagsinurender yung dalawang commander binigyan pa natin ng P25 milyon yung MILF. Ibibili nila ng bala at baril yan,” sabi ni Biazon.

Ang P25 milyon at para sa talong kumander. Noong isang linggo kasi, dinoble ang patong sa ulo nina Kumander Ombra kato at Bravo ng tig-P10 milyon. P5 milyon naman ang patong sa ulo ni Kumander Sulaiman.

Hindi naleksyon si Pacquiao

Noong nakaraang senatorial campaign, tinanong ko kay Mike Defensor, kandidato para senador ng Team Unity ng administrasyong Arroyo kung bakit nila ginuguyo si Manny Pacquiao pumasok sa politika samantalang alam naman nilang walang alam sa pagpatakbo ng isang organisasyon.

Hindi pa noon nakadesisyon si Pacquiao kung siya ay tatakbo na vice mayor ni Ali Atienza sa Manila o congressman sa first district ng South Cotabato laban sa incumbent na si Darlene Custodio. Alam na natin ang nangyari, hindi siya qualified sa Manila dahil hindi siya nakapag-establish ng kinakailangang panahon ng paninirahan kaya sa South Cotabato na lang. Na-knock out siya ni Darlene.

Balik tayo sa pag-uusap namin ni Defensor.

Dapat Biyernes ng hapon pa

Ini-imbistigahan daw ang limang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group na umaresto kay Jake Macasaet, publisher ng Ang Pahayagang Malaya m noong Huwebes habang siya ay kumakain ng tanghalian sa Century Park.

Ayan na naman. Palpak kasi ang dating kaya naghanap na naman ng sangkalan. Ang kawawa ang mga maliliit na sumusunog lang sa laro nitong mga nasa taas.

Walang natuwa sa pag-aresto kay Macasaet at nagdagdag ng impression na may masamang binabalak itong pamahalaang Arroyo para mapagtakpan ang kanilang malaking palpak na ang MOA-AD (Memorandum of Agreemenet – Ancestral Domain) sa Moro Islamic Liberation Front. Binatikos pa sila kaliwa’t -kanan ng mga organisasyon ng media.

Panggagago sa taumbayan

Erased na raw ang peace panel na nakikipag-usap sa Moro Islamic Liberation Front, sabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita.

Ganoon lang ba yun? Paano na lang ang mga namatay at ang mga nawalan ng bahay na umaabot sa 250,000 dahil sa kanilang pinaggagawa sa Mindanao?

Ito ang statement ni Ermita:“President Gloria Macapagal-Arroyo has directed a new paradigm in the peace process by mandating that peace negotiations be refocused from one centered on dialogue with rebels to one of authentic dialogue.”

Hindi ko ma-translate sa tagalog dahil hindi ko maintindihan ang ibig sabihin. Ang nakukuha ko lang ay mas uunhain daw ang pakikig-usap sa mga taong apektado kaysa mga rebelde. Ngayon lang nila alam yan?

Piggery naging cemetery

Ang panibagong report ng VERA Files ay tungkol sa Quedan and Rural Credit Guarantee Corp. (Quedancor) na sinasabing bangko ng mahihirap.

Kaya talagang nakaka-ngitngit madiskubre na ginagatasan pala ito ng mga tauhan ni Gloria Arroyo. Talagang walang patawad. Isusubo na lang ng mahihirap, aagawin pa.

Ang isang kaso na ginawang showcase ng Verafiles ay yung kay Aura Drew Escanlar ng Iloilo City na ginamit ang kanyang pera para sa kanyang review sa nursing board examinations noong December of 2004 sa pagpatayo ng piggery o babuyan.

Responsibilidad ni Arroyo

Kahapon ng umaga, inambus and tropa ng 11th Marine Batallion Landing Team sa Patikul, Sulu. Apat ang namatay at sampu ang nasugatan.

Sabi ni Marine Commandant Ben Dolorfino, mga bandidong Abu Sayyaf daw ang may kagagawan.

Sabi ni Navy Spokesman Edgardo Arevalo, papunta ang mga Marines sa Mt. Bayug sa Talipao ng paputukan sila ng mga armadong grupo. Pagkatapos ng barilan ng mga sampung minuto, umatras na rin ang mga armadong grupo.

Wala ng delikadesa

Nakakalungkot itong pinaka-latest na pangyayari sa gulo sa Court of Appeals sa away ng Government Service Insurance System (GSIS) at Manila Electric Company (Meralco).

Hindi ako nagtataka sa report ng mga suholan sa mataas na korte. Ngunit nalulungkot ako sa garapalan at kawalang delikadesa. At ang mga taong sangkot ay edukado at galing sa matitinong pamilya. Hindi naman nagugutom ngunit mukhang iba ang kanilang ideya ng mali at tama.

Nong Martes, nagbigay ng kanyang testimony si Camilo Sabio, chairman ng Presidential Commission on Good Government sa panel na binuo ng Supreme Court pa mag-imbestiga sa expose ng kanyang kapatid na si CA Justice Jose Sabio, Jr na inalok siya ng isang abogadong malapit sa pamilyang Lopez ng P10 million para paboran ang Meralco.

Matinong artista, may katuturang palabas

Noong isang linggo napanood ko na umiiyak si Pokwang sa “Wowowie” ng ABS-CBN. Dinedepensahan siya ni Willie Revillame sa panlalait na ginawa sa kanya ni Joey de Leon sa “Eat Bulaga” ng GMA-7.

Sinabi ni Willie na sa isang show raw ng “Eat Bulaga” sa United States, tinawag ni Joey si Pokwang na “aswang”.

Kahit naman sinong tao, hindi dapat tawagin na aswang. Lalo pa si Pokwang na isang magaling at kagalang-galang na entertainer. Ikinuwento ni Willie na may namatay na anak si Pokwang at ngayon ay may isa siyang anak na yan ang rason kaya talagang kayod si Pokwang.

Fiesta ng katotohanan

Masaya ang Truth Festival na ginanap sa Raha Sulayman Park sa Roxas Boulevard, sa Baywalk, noong Biyernes ng gabi.

Pasensya na po sa mga naperwisyo sa heavy traffic dahil isinara ang Roxas Blvd simula ng mga 3 p.m. Mga bandang 7 p.m na binuksan ang kalahati ng Roxas Blvd.

Ako na-traffic din mula Vito Cruz ngunit nakarating din mga bandang 6 p.m. na. Dahil kasama ang mga Catholic schools sa mga organizers, ang daming mga estudyante. Ito ang pinakamalaking rally mula noong Feb. 29 sa Makati. Si Jun Lozada, kasama ang mga civil society groups, ang tumulong magbuo nito.

Maganda at masaya. Mabuti naman at maganda ang panahon kaya rally kasama na rin pasyal ang ginawa ng mga tao. Iba talaga kapag kaalyado ang mayor. Nandoon ang mga pulis para magprotekta, hindi para mangharang. Nagsalita si Mayor Fred Lim.

Ang pagtataray ni Gloria Arroyo

Napanood nyo siguro sa ABS-CBN ang pagtataray ni Gloria Arroyo noong Lunes nang nagtaping siya ng kanyang mensahe tungkol sa pag-atake ng Moro Islamic Liberation Front sa Lanao del Norte?

Gloriang-gloria. Nag nagtitili siya na “But they are not here! But they are not here!” Lumabas ang kanyang pagka- spoiled brat.

Maririnig mo pa na may natapon. Mukha ngang nagtapon pa siya. Maririnig ang sabi ng isang Malacañang staff, “Mukhang tinapon ang laptop.”

Sabi ni Joe Capadocia sa Office of the Press Secretary hindi raw laptop ang tinapon ng kanyang pekeng presidente. Siguro nga, baka cellphone. O baka ash tray.