Skip to content

Category: Web Links

Talo ang media, talo ang bayan

Hindi ako nagtataka na si Rep. Monico Puentebella ay nagsusulong ng bill na labag sa Constitution. Alam naman nating ang suporta ni Puentebella sa isang presidente peke.

Kung kaya mong ipikit ang mata mo sa pandaraya at pagnanakaw ni Gloria Arroyo, ibig sabihin noon hindi mo alam ang diperensya ng tama at ng mali.Kaya hindi ako nagtataka sa kanyang House Bill 3306 na nagu-utos sa media na kapag may sinulat laban sa kanila, ang sagot nila ay dapat ilalabas sa parehong lugar at parehong haba sa lob ng tatlong araw.

Kapag hindi ito ginawa ng diyaryo, reporter or columnist, may kaukulang parusa. Nandyan ang magbabayad ng P50,000 hanggang P200,000. Nandyan rin ang pagkakulong.

Hinto na ang parada ng suspek

Mabuti naman at pinagpatuloy ng bagong chief ng Philippine National Police na si Police Director Jesus Verzosa ang sinimulan ni dating PNP Chief Avelino Razon na pag-ban sa pagparada ng mga suspek sa krime sa media. Tinututulan ito ng Commission on Human Rights.

Hindi naman nakakatulong yan sa pagsugpo ng krimen.Ang trabaho ng pulis ay ang pigilan ang krimen, hindi yung magpasikat kapag nangyari na ang krimen ngunit hindi pa nakumpleto ang proseso ng hustisya.Kung palpak pa na katulad ng ginawa ni Gloria Arroyo kay Acza Ramirez, malaking paglabag pa yan sa karapatan pangtao. Krimen rin maparusahan ka ng wala kang kasalanan. At dapat parusahan din ang may kagagawan nun.

Nabuhayan ng pag-asa

Kung kailan parang wala na tayong maasahan na hustisya sa ating mga korte dumating itong desisyon ng 7th division ng Court of Appeals na laban sa petisyon ni Mike Arroyo na i-dismiss ang kaso ng mga journalist na kanyang pinirwisyo sa pamamagitan ng pag-file ng libel suits kaliwa’t-kanan.

Mabuti naman. Parang sinag ng araw pagkatapos ng madilim na ulap. Sana tuluy-tuluy na.

Noong isang buwan, nagmistulang bulag at bingi ang Court of Appeals sa kanilang desisyon ng idinismis ang petisyon ni NBN/ZTE star witness Rodolfo “Jun” Lozada laban sa mga tauhan ng Philippine National Police na nagtangkang kumidnap sa kanya sa airport nang dumating siya galing Hongkong.Pagkatapos lumabas ang eskandalo tungkol sa Meralco at GSIS, hindi nakapagtataka ang ganoong desisyon.

Kasakiman

Kung titingnan natin ang dahilan ng financial crisis sa Amerika at ang eskandalo sa nakakalason na gatas sa China na yumayanig ngayon sa buong mundo, ang puno’t dulo ay kasakiman. Ang walang kabusugan na pagnanasa ng ilang tao sa pera.

Hindi ko masyado alam ang pasikot-sikot sa mga bagay na financial (kaya hindi talaga ako yayaman) ngunit ang pagka-intindi ko sa nangyari sa Amerika ay ang malalaking mga investment firms katulad ng Lehman Brothers ay pera sa mga sinasabi nilang “subprimes” o mga negosyo na hindi masyadong establisado ngunit malaki ang tubo. Yan ang magic word: malaki ang tubo.

Dito sa mundo, lahat may kapalit. Kung gusto mo sigurado, wala masyadong risk, maliit lang ang tubo. Kung gusto mo malaking tubo sa maigsing panahon, sumali ka sa mahilig sumugal. Kapag tsumamba, jackpot. Kapag minalas naman, bagsak. Ganun ang nangyari ngayon sa Amerika.

Swerteng malas

Nasa balita na ang isang lotto winner ay pinatay ng kanyang asawa. Iyan ang sinasabing swerteng malas. Nanalo nga ng milyon-milyon na pera, patay ang lalaki, nasa kulungan naman ang babae. Ano ngayon ang mangyari sa kanilang mga anak? Mabuti pa hindi na lang nanalo.

Ayun sa Caloocan City Police, natagpuang patay si Eleuterio Pamo, 39 taong-gulang, na may tama sa batok. Nasa tabi niya ang baril na nakarehistro sa kanyang pangalan.

Noong una ang sabi ng asawa na si Rosemarie ay suicide. Kaya lang medyo duda ang mga pulis. Sa batok, suicide? Parang Ninoy Aquino yan a. Sa batok ang tama pero ang linya ng military ni Marcos, binaril siya habang bumababa sa hagdanan ni Galman na sa ground.

Sa kuko ng panganib

Nabanggit sa The Dawn newspaper sa Pakistan na isa sa sobra 40 ka tao na nasawi sa suicide attack sa Marriott Hotel noong Sabado ng gabi sa Islamabad ay Filipino

Hindi sinabi kong turista o nagtatatrabaho sa hotel ang Filipino na namatay. Hindi pa rin natin alam kung nag-iisa lang ang Filipino na nasawi. Wala pang report ang Department of Foreign of Foreign Affairs.

Isang truck na puno ng bomba ang umararo sa harap ng Marriott Hotel, na paboritong lugar ng mga dayuhan. Ang suspetsa sa may kagagawan ng kahindik-hindik ng pangyayari ay Al Qaeda o Taliban. Warning raw sa mga bagong pinuno ng Pakistan na mukhang maka-Amerikano mas malagim pa ang mangyayari kung hayaan nilang mag-operate ang military ng U.S sa loob ng Pakistan.

Toxic na gatas

Sinabi una ng Food and Drug Agency na wala dito sa Pilipinas ang kontaminado na gatas na galing sa China. Mali pala.

Nadiskubre ng GMA News na ang gatas na “Monmilk” ay galing sa China at gawa ng Mengniu Dairy Group Co. and Yili Industrial Group Co, dalawa sa kumpanyang nadiskubre na ang kanilang gatas ay may melanine, isang toxic na kemikal na nagre-resulta na pagbubu-o ng bato sa kidney.

Bumili ang GMA News team ng tetrapak ng “Monmilk” na kanilang binili sa malls sa Quezon City at Divisoria.

Salot

Noong Biyernes, namatay si Leopoldo Odulio, 60 na taong gulang, nang mabunggo sila ng army truck na may sakay na mga aso para sa security ni Gloria Arroyo sa Nueva Ecija.

Nakasakay si Odulio sa motorsiklo na menamaniho ni Ronel Tecson, na nasa ospital hanggang ngayon. Si Odulio at Tecson ay ahente ng mga appliances at motorsiklo at kung ano-ano pa para lang mabuhay.

Tatlong araw bago nangyari yun, nabundol naman ng sasakyan ng presidential security group sa Bayombong Nueva Viscaya ang isang tricyle at nabundol ang 19 taong gulang na si Lynnete Laoste. Bali raw ang kanyang balakang. Dinala raw ng helicopter si Laoeste sa AFP Medical Center sa Quezon City

Hindi nakapagtataka

Talaga namang nakakadismaya ang pagbasura ng Court of Appeals ng petisyon ni Rodolfo Noel “Jun” Lozada, ang star witness sa NBN/ZTE deal, na mabigyan ng lunas ang kanayng seguridad na nanganib at patuloy na naganganib nang siya at tangkain na kidnapin ng mga galamay ng pmahalaan noog Feb. 5.

Hindi naman daw kinidnap si Lozada, sabi ni Justice Celia Librea-Leagogo na sinang-ayunan ni Justices Regalado Maambong at Sixto Marella, Jr.

Ngunit hindi nasorpresa si Lozada. Kami rin hindi nasopresa. Ang eskandalo na nangyari sa Court of Appeals tungkol sa GSIS at Meralco kung saan naglabasan ng baho ang ilan sa mga justices sa kasong bilyon-bilyon ang nakasalalay, ay katiting lang yun sa katiwalian na nagyayari sa ating hustisya.

Leksyon sa nangyari sa Thailand

Noong una nainggit ako mga taga-Thailand na napa-talsik nila ang kanilang bagong prime minister na si Samak Sundaravej na ang kasalanan lamang ay tumanggap siya ng bayad sa kanyang televised cooking show habang siya’y prime minister.

Sinabi ng Constitutional Court ng Thailand na lumabag si Samak ng batas na nagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan na tumanggap ng pera sa pribadong kumpanya. Wow! Ganoon sila ka istrikto.
Kung dito sa Pilipinas yan baka wala ni isang opisyal ang matira sa gobyerno.

Si Justice Jose Sabio Jr. umamin na tumanggap ng P300,000 kay Francis de Borja bilang pasalamat sa isang kasong nadesisyunan niya pabor sa pamilya ni de Borja, hindi tinangal.