Skip to content

Category: Web Links

Security ni Bolante ang nagpagulo sa airport

Ang Undas ay okasyon para natin gunitain ang ating mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Sa mga Kristiyano kasi naniniwala tayo na panibagong buhay pagkatapos ng ating buhay dito sa mundo.

Ang undas ay pagpa-alala rin sa atin na ang buhay natin dito sa mundo ay temporario lang. Dumadaan lang tayo. Lahat tayo ay mamamatay.

Paala-ala rin sa atin na walang kabuluhan ang pagnanakaw at panloloko ng kapwa tao dahil hindi natin madala ang mga kayamanan sa kabilang buhay.

Kanino natatakot si Bolante?


ABS-CBN photo of Bolante upon arrival at the NAIA1 Oct. 28, 2008

Click here for more of Bolante photos and ABS-CBN’s account of Bolante’s arrival

Click here for Inquirer’s account on Bolante’s arrival

GMA-7’s report

Maintriga ang mga tanong ng abogadong si Harry Roque kung bakit ayaw na ayaw ni Joc-joc Bolante, dating undersecretary ng agriculture, na umuwi dito sa Pilipinas.

Biruin mong minabuti niyang magpakulong sa Amerika kaysa umuwi dito sa Pilipinas samantalang kaibigan naman niya ang mga nakaupo sa Malacañang. Sabi ni Harry, na siya talagang nagpursige na maibalik si Bolante sito sa Pilipinas, kung tungkol sa paggamit ng P728 million sa kampanya ni Arroyo noong 2004 na eleksyon na dapat ay pambili ng abono na gagamiting ng mga magsasaka sa patanim ng palay, alam naman ng lahat yan.

Kung si dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano nga hindi nagalaw dahil sa lakas ng prutekta ng Malacañang, hindi ba kampante si Bolante na prutektahan din siya ng kanyang mga kaibigan sa Malacañang? Bakit takot siya umuwi dito? Kung hindi pa siya idiniport ng Amerika, ayqaw niya talaga bumalik sa Pilipinas.

Paano kung kumanta si De la Paz?

Sa hearing tungkol sa Euro generals na isinagawa ng Senate Committee on Foreign Affairs na pinangungunahan ni Sen. Miriam Santiago, maraming binanggit na batas at order ni Gloria Arroyo na nilabag raw ng Philippine National Police sa kanilang delegasyon sa Interpol conference sa Russia.

Isa na doon ang order ni Arroyo na tigilan na ang pagaaral, training of pagdalo sa mga conference sa ibang bansa maliban lamang kung ito ay hindi gastos ng pamahalaan.

Sa 77th Interpol conference sa Russia 17 ang dumalo galing sa Pilipinas. Tatlo galing sa Bureu of Immigration, lima galing sa National Bureau of Investigation, at siyam ang galing sa PNP. Gastos lahat ng sambayanang Pilipino.

Dolyar ang tinitingnan

Sa Taiwan, si Nemecia Armia, 39 -na-taong gulang na titser, ay naghihintay sa bilangguan ng kanyang kamatayan.

Si Armia ay nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng baril noong Sept. 12, 2007 sa salang pagpatay sa isang Chiu Maiyun sa pamamagitan ng pagsaksak. Itinanggi ni Armia na siya ang pumatay. Na frame up lang daw siya kahit na inamin niyang ginamit niya ang ATM ng biktima sa pag-withdraw ng cash at may knalaman siya sa pagtapon ng katawan.

Sabi niya ang pumatay talaga ay nangangalang Mr. Chang at Mr. Wu. Tinakot daw sila ng kanyang boyfriend na si David Fillion kaya sinunod ang kanilang utos na magwithdraw sa ATM gamit ang card ng namatay at ang pagtapon ng katawan noon. Wal;ong buwan pagtapos nangyari ang krimen, bumalis sa Amerika ang boyfriend ni Armia at nagpakamatay.

Nasilaw ang Ombudsman sa Cebu lamppost

Nagpapatawa itong Ombudsman.

Imbestigahan daw nila itong mga Euro generals lalo pa si Gen. Eliseo de la Paz na nahulihan sa Moscow na may dalang 105,000 euros (P6.9 million), lampas sa limit na pwedeng dalhin (mga 7,300 euros o $10,000) palabas ng bawat taong umaalis papuntang ibang bayan.

Sabi ni Assistant Ombudsman Mark Jalandoni, aalamin daw nila kung pera ng gobyerno o sariling pera ni De la Paz. Kung sarili raw pera ni De la Paz, imbestigahan raw kung saan galing ang ganyang napakalaking pera.

Lalong nababaon sa kasinungalingan

Habang nagpapaliwang itong mga opisyal ng Phililippine National Police at Department of Interior and Local Government tungkol sa kahihiyan na nangyari sa kanilang mga opisyal sa Moscow, lalong lumalabas na hindi sila nagsasabi ng totoo.

Kaya kawawa naman si Chief Supt. Nicanor Bartolome, ang spokesman ng PNP. Mukhang siyang matino na opisyal. Napipilitan siyang mag-depensa sa mga opisyal na palpak.

Sabi ni Interior Secretary Ronaldo Puno, legal daw ang dala na ni Gen. Eliseo de la Paz na 105,000 euros (P6.9 milyon) na bitbit ng kanyang asawang si Maria Fe nang paalis na sila sa Moscow pagkatapos dumalo ng 77th Interpol Conference kasama ng pito pang opisyal kasama ang ilang mga asawa.

Hindi nakakasiguro si Arroyo

Dapat lang mag-alala si Gloria Arroyo kapag tingnan niya ang botohan ng Supreme Court sa MOA-AD.

Hindi dahil natalo ang Malacañang dahil sabi nga ni Press Secretary Jesus Dureza, ibinasura na nila yun na nahalata nilang nabuking sila sa kanilang pambabastos ng Constitution. Kungdi, lumalabas na ang mga taong akala niya hawak niya ay minsan nagkakaroon ng konsyensya at darating ang oras na hindi niya mapagawa ng kanyang kagustuhan.Habang palapit na ang kanyang pagkawala sa kapangyarihan, hihina na rin ang hawak niya sa kanila.

Sa mahigpit na botohan (8-7), sinabi ng Supreme Court na labag sa batas ang Memorandum of Agreement on Ancestral Domain sa pamamagitan ng pamahalaang Pilipinas at ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Malaking pera ang kailangan ni Arroyo

Inquirer editorial: Judas’ followers

Sinasabi ng Malacañang na walang mangyari sa panibagong impeachment complaint na isinampa kahapon nina Joey de Venecia at iba pang mga Filipino na nagmamalasakit sa bayan kasi hawak nila ang House of Representatives.

Yun pala eh. Bakit biglang lumipad sa Switzerland si Marilyn Yap, secretary general ng House of Representatives, at hindi man lamang nag-iwan kahit clerk para tumanggap ng impeachment complaint? Dahil ba may tina-trabaho pa ang Malacañang na makuha para mag-file rin katulad ng ginawa nila kay Oliver Lozano at kay Ruel Pulido noong mga nakaraan taon?

Maraming nagtatanong, bakit naman kasi Sabado at walang opisina ng ganoong oras. Oct. 11 kasi ang isang taon ng huling impeachment complaint na na-isampa. Sa Constitution natin kasi, isang impeachment complaint lang ang maaring tanggapin laban sa isang impeachable na opisyal sa isang taon.

Iba talaga sa Tagalog

Sa bentahan ng mga dyaryo, talong-talo ng mga tabloid ang mga broadsheets.

Mas malakas ang number one sa tabloid (Abante) sa pinakamalakas sa broadsheets (pinagaawayan ito ng Inquirer at Philippine Star). Ito ay nagpapakita lamang na mas kuha ng mga tabloid ang gusto ng masa.

Ang mga tabloid ay Tagalog. Hindi yung malalim na Tagalog sa paaralan kungdi ang Tagalog na salita ng Pilipino sa pangaraw-araw nilang pamumuhay.

Tagapagtanggol ng mga kriminal

Pinapalabas nina Justice Secretary Raul Gonzalez at Executive Secretary Eduardo Ermita na nagbayad na sina Claudio Teehankee, Jr. at Rolito Go, mga kilalang kriminal, sa pamilya ng kanilang mga pinatay kaya pwede na silang pakawalan.

Mali! Kaya nang-gagalaiti sa galit ang pamilyang Hultman, mga magulang ni Maureen Hultman, na pinatay ni Teehankee noong 1991, kasama ang kanyang kaibigan na si Roland Chapman. Ganoon din si Grace Maguan, kapatid ni Eldon, na pinatay ni Rolito Go dahil sa alitan sa traffic noong 1991.

Pinakawalan si Teehankee noong Biyernes na walang konsultasyon sa kanyang mga biktima. Sinabi pa ni Ermita na hindi naman daw humarang sina Hultman sa pagbigay ng clemency kay Teehankee. Yun daw ang basehan ng desisyon ni Gloria Arroyo.