Skip to content

Category: Web Links

Ibasura ang cha-cha, kasama si Gloria

Maliban sa mga dikit kay Gloria Arroyo na takot mawala ang kanilang tinatamasang nakaw na kapangyarihan at kayamanan, karamihan sa mga Filipino ay ayaw palitan ang Constitution ngayon dahil magagamit yan ni Arroyo upang hindi umalis sa Malacañang.

Kaya ang sigaw ngayon ay “Ayaw ko ng Cha-Cha, lalo na si Gloria.”

Sangayon ako diyan. Ngunit ang tanong: kung mapigilan ang cha-cha, ano ang susunod?

Tama na, kumilos na

Matindi ang kahulugan ng “Araw ng mga Bayani” ngayon dahil nakikita natin kung paano binabastos ni Gloria Arroyo at ng kanyang asawa at kanilang mga alagad ang saligang batas na nagbubuo ng diwa ng ating sambayanan.

Maraming buhay ang nabuwis para maitaguyod natin ang ating demokrasya at ito ay bastas-basta na lang niyuyurakan ni Arroyo para lamang patuloy isyang manaitli sa kanyang ninakaw na kapangyarihan.

Noong Huwebes, naglabas ng mensahe si Brig. Gen. Danilo Lim na ngayon ay nakakulong dahil nanindigan siya ng ilang beses laban sa mga katiwalian ni Arroyo. Tawag nga ni Lim kay Arroyo ay “pekeng presidente.”

Malala na talaga

Palala na palala na ito. Hindi lang pala kinakausap ng Panginoon si Gloria Arroyo. Kasing liga na niya ang Panginoon.

Noong Martes, sa hearing ng Committee on Justice sa kongreso ng pang-apat na impeachment laban kay Gloria Arroyo,na kanilang pinatay kahapon, nainis si Rep. Pablo Garcia (ama ni GSIS chairman Winston Garcia at Cebu Gov. Gwendolyn Garcia) na isinama ang survey na karamihan sa mga Pilipino ay naniniwala na nandaya si Arroyo noong 2004 na eleksyon.

Sabi ni Garcia si hindi lang naman daw si Arroyo ang hindi popular. Si Hesukristo rin daw.

Cigarette widow

Pumayag si Boots Anson-Roa na “cigarette widow” ang itawag sa kanya.

Si Barbara Dacanay ng Gulf News ang nakaisip nito sa seminar ng “Women, Media & Tobacco” na inurganisa ng Women’s Media Circle na ginanap sa Boracay.

Mga 25 na kababaihan, karamihan nagta-trabaho sa media, ang nag-uusap kung paano makatulong ang mga kababaihan sa mga bills na tinatalakay ngayon sa kongreso na mapigilan ang paglaganap ng paninigarilyo na alam naman ng lahat na walang kabutihang nabibigay sa buhay.

Blessing in disguise

Hindi ginusto ni Manny Villar na matanggal sa pagka- senate president ngunit maaring makakabuti pa sa kanyang political career itong nangyari.

Alam naman natin lahat na may plano si Villar na tumakbo para presidente sa 2008. Kaya nga siya kinukuyog ng ibang may ambisyon rin kasi bilang senate president, may lamang siya. Hindi lamang sa budget ng senado kung di na rin sa media mileage dahil lahat na nangyayari sa senado, dumadaan sa kanya. Nababanggit ang pangalan palagi.

Ngayon na hindi na siya senate president, hindi na masasabi ng iba pang presidentiables – Senators Ping Lacson, Mar Roxas at Loren Legarda – na lamang sa kanila si Villar.

Proteksyun raket

Habang sinusulat ko itong kolum, nanood ako ng hearing ng mga “Euro generals”, ang tawag sa mga opisyal ng Philippine National Police na pumunta sa Moscow noong isang buwan at ang isa ay nahulihan na may perang dala sobra sa legal na limit sa pagdala ng pera sa Europe.

Lalong nagkandabuhol-buhol ang kuwento kung saan galing ang 105,000 euros (P6.9 milyon) na nahuli ng Russian customs kay Maria Fe de la Paz, asawa ni Police Director Eliseo de la Paz, nang paalis na sila sa Moscow papuntang Poland pagkatapos nila dumalo sa isang InterPol conference.

Lumabas na 150,000 euros pala ang dala ni de la Paz dahil may isang negosyante na nagpadala ng 45,000 euros sa kanya pambili ng relo. Grabe namang mahal na relo yun.

Binay: Obama ng Pilipinas?

Marami ang nagulat sa pormal na deklarasyon ni Makati Mayor Jejomar Binay bilang kandidato sa pagka-presidente.

Okay ang timing. Idinikit pa ng kanyang mga promoters sa panalo ni Barack Obama sa pagka-presidente sa Amerika.

Sinakyan nila ang biro na kung may Barack Obama ang Amerika, ang una-unang itim (African-American) na presidente, mgkakaroon din ang Pilipinas. Little black president pa.

Bakit praning si Gloria?

Napadalas yata ang biyahe ni Gloria Arroyo sa Amerika, ah.

Noong Septiembre nandoon din siya kahit na katakot-takot na batikos ang nakuha niya sa biyahe niya doon noong Hunyo sa gitna ng bagyong “Frank”.

Kagabi umalis na naman siya papuntang New York para raw dumalo sa Interfaith conference. Nakahanap lang siya ng rason para pumunta ulit sa Amerika.

Multuhin sana sila ni Marlene Esperat

marlene-esperat Ito ang nasabi ng abogadong si Harry Roque nang malaman niya na ibinasura ng Ombudsman ang kasong isinampa ni Marlene Esperat laban kina Agriculture Sec. Arthur Yap, dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, sa salang ilegal na paggamit ng pondo ng bayan.

Ito ang kasong kaugnay sa P728 milyon para sa abono ng mahihirap na magsasaka na ginamit para pambili ng boto para kay Gloria Arroyo noong eleksyon ng 2004.

Ang resolusyon ay inaprubahan ni Overall Deputy Ombudsman Orlando Casimiro at Assistant Ombudsman Jose de Jesus Jr base sa rekomendasyon ni Director Elvira Chua ng Preliminary Investigation, Administrative Adjudication and Monitoring Bureau ng Ombudsman.

Siyempre lahat yun aprubado ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na kaklase at matalik na kaibigan ni Mike Arroyo.

Wala ang Amerika sa galing ng Pinoy sa eleksyon

May kumakalat na text joke na nasa Amerika na raw si Garcillano. Siyempre naman naala-ala nyo pa si Virgilio Garcillano, yung phone pal ni Gloria Arroyo sa “Hello Garci” tapes.

Sinasabi sa joke, inimport raw ni John Mc Cain ng Republican party si Garcillano dahil lahat na surveys lumalabas, lamang si Barack Obama ng Democrats. Kayang-kaya ayusin yan ni Garcillano.

Kaya kapag manalo si Mc Cain sa eleksyon na gaganapin ngayong araw, alam nyo na kung sino ang may kagagawan.