Skip to content

Category: Web Links

Reklamo ng asawa ng pulis

Update: Nagpaliwanag si Police Senior Supt. Nicanor Bartolome, PNP spokesman sa reklamo ng isang sumulat na gumamit ng pangalan na Juana de la Cruz tungkol sa P7,000 na cash gift. Umaasa sana kasi si De la Cruz na mabigyan din ang mga active officers ng P3,000 na binigay sa mga retired officers.

Sabi ni Col. Bartolome, ang savings lang daw ng PNP ay kasya lang para sa mga retired na kawawa naman dahil mas matanda na sila. Kahit wala na sila sa serbisyo, pinapahalagaan naman ng PNP ang kanilang serbisyo.

Sabi ni Bartolome, 120,000 ang lahat na mga pulis at walang sapat na pera ang PNP para sa dagdag na cash gift.

Natanggap ko itong sulat mula sa isang nangangalang “Juana de la Cruz” at nagsasabing asawa raw siya ng isang pulis. Hindi ito ang kanyang totoong pangalan. Ang mahalaga ay ang isyu na kanyang tinatalakay.

Ito ang kanyang reklamo:

Patuloy ang laban para sa katotohanan

Buhay pa ba kayo pagkatapos ng Christmas sa Pilipinas?

Masaya na nakakapagod ang Christmas dito sa Pilipinas. Ngunit ang mahalaga ay buhay ang buod ng Pasko, magkasama-sama man o magkakalayo.

Ngayon ang ating haharapin ay ang bagong taon.

Lahat tayo ay umaasa na sana mas maayos ang 2009. Sa akin, magiging maayos lamang ang palakad ng ating bansa kung mahinto ang panloloko ng sambayanan. At hindi mahihinto ang panloloko ng sambayanan habang si Gloria Arroyo ang nagpapalakad ng bansa.

IT para sa katotohanan

Sa pagbilang ng dapat ipasalamat sa Panginoon, mataas sa aking listahan ang pagkakaroon ng blog.

Sa pamamagitan ng blog (www.ellentordesillas.com), nagkaroon ako ng sariling “publication” na mapatingkad ang ating demokrasya. At pasalamat ako na marami ang tumatangkilik.

Ang blog ay isa lamang sa modernong telecommunication technology kasama na ang cellphone, internet, fax, computers na talagang nagpapagaan ng pamumuhay. Basta gamitin lang sa maayos.

Ang buod ng Pasko

Kayo ba ay tapos na sa inyong Christmas shopping? Kung hindi pa, pareho tayo.

Hanggang ngayon, hilong-hilo na ako at marami pa akong hindi nabibili. Grabe ang traffic. Minsan nakakatulog na ako sa bus sa sobrang bagal ng biyahe.

Noong isang gabi, sa Makro sa Cubao kami pumunta para bumili ng pang-raffle sa Christmas party. Grabe ang haba sa cashier. Kung hindi pa kami nagreklamo, hindi nila dinagdagan ang cashier.

Ala-ala ni KC de Venecia

Noong Martes, pang-apat na anibersaryo ng pagkamatay KC de Venecia, ang dalagitang anak nina dating House Speaker Jose at Gina de Venecia. Namatay si KC nang masunog ang kanilang bahay sa Dasmariñas Village noong Dec. 16, 2004.

May misa sa Santuario de San Antonio at may almusal sa bagong bahay ng mga De Venecia sa Forbes Park.

Pangalawang taon ito na nagkaroon ng pagtitipon sa bahay nina JDV sa pagala-ala sa pagkamatay ni KC. Natuwa naman ako makita na naka-recover na ang mag-asawa lalo na si Manay Gina. Nang unang dalawang taon kasi, hirap na hirap si Gina. Siyempre mahirap tanggapin ang ganoong pagkamatay ni KC.

Binato ng sapatos

Nalaman ko na lang may nangyaring batuhan ng sapatos sa Baghdad nang mag-text ang isa kong kaibigan na dapat ang ginawang pagtapon ng sapatos kay U.S. President George Bush ay gagawin rin kay Gloria Arroyo.

Na sa Baghdad kasi si Bush noong Lunes sa kanyang farewell visit dahil bababa na siya sa pagka-presidente sa Enero 20. Sa oisang press conference, pinagyayabang niya mas mapayapa na raw ang mundo ngayon dahil sa paglusob nila ng Iraq noong 2003 nang may lumipad na sapatos sa direksyon niya. Pares ang itinapon sa kanya dahil sinundan pa ng isa bago inaresto ang nagtapon ng mga security ni Bush.

Ang nagtapon ng sapatos kinilalang si Muntadar al-Zeidi, reporter ng Al-Baghdadia television, isang TV station sa Cairo, Egypt na pag-aari ng isang Iraqi. “Ito ang farewell kiss, aso ka,” ang sigaw ni al-Zeidi ng tinatapon niya ang sapatos.

Hamon sa sambayanan

Nakakaloka itong si Congresswoman Juana Change.

Nag gate-crash si Congresswoman Juana Change (ginagampanan ng artistang si May Paner) sa anti cha-cha rally noong Biernes at nilait-lait ang mga rallyista. Inulit niya ang sinabi ni House Speaker Prospero Nograles na wala silang paki-alam sa mga rally rally dahil ang desisyon tungkol sa charter change ay sa kamay nila nakasalalay, hindi sa mga mamayan na nagra-rally.

Tamang-tama yun para pumanting ang tenga ng mga nagra-rally. Kaya kahit medyo mahinahon ang simula (siyempre naman inter-faith rally kaya puro dasal ang simula) uminit na rin.

Sinundan ni Harry Roque ng Concerned Citizens Movement na simple lang ang malakas na mensahe: “Ayaw namin ng Cha-Cha, Lalo na kay Gloria.”

Bakit absent yata si Mike Arroyo sa Las Vegas

Isa ako sa iilang Pilipino na hindi mahilig manood ng boxing.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang isang tao ay masasayahan makita na nagsasakitan ang dalawang nilalang. Parang laro ng mga sadista.

Kaya pasalamat ako na ang beauty parlor na aking pinuntahan noong Linggo ay hindi nagbukas sa televised na laban ni Manny Pacquiao at Oscar de la Hoya. Kung hindi maiinis lang ako sa mukha ng mga politiko na nandoon sa las Vegas, gastos ang pera ng taumbayan.

Masaganang Pasko sa media ni Arroyo

Mukhang walang financial crisis sa Malacañang.

Hindi lang pala sa mga kongresista na bumuto para patayin ang pang-apat na impeachment at susulong sa charter change sagana ang Pasko ngayon. Sa media rin pala.

Inireport kasi ng Mindanews noong Biyernes na nang pumunta si Gloria Arroyo at si Press Secretary Jesus Dureza sa Saranggani namigay siya ng mga regalo sa mga reporter.

Patuloy ang pagbobobo ng Pilipino

Pagkatapos ng labin-dalawang taon na pakikilaban para maituwid ang mga mali sa textbooks na ginagamit ng ating mga kabataan, sabi ni Antonio Calipjo-Go,pagod at hihinto na siya.

Nakakalungkot ngunit hindi ko masisisi si Go.

Kaya, sa mga magulang na hindi man lamang umimik at hindi sumuporta kay Go, magtiis na lang kayo kung sa halip na magiging marunong ang inyong anak, ay lalong magiging bobo. Ganyan ang mangyayari kung hindi kayo kikilos at hayaan ang mga ganid na mangingibabaw.