Skip to content

Category: Web Links

Madyik na balota na naman sa 2010

Kaduda-duda daw ang appointment ni retired General Tirso Danga bilang hepe ng National Printing , sabi ni Sen. Mar Roxas.

Si Danga kasi ang hepe ng ISAFP (Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines) nang mangyari ang pag-tape ng usapan ni Gloria Arroyo at Comelec Commissioner Virgilio Garcillano. Ngunit nang mag-imbistigas ang Senado, hindi sumipot si Danga.

“Hindi pa nga nasasagot ni Admiral Danga ang mga tanong sa kanyang naging papel sa kaso ng Hello Garci ay eto at siya pa ang ilalagay sa ahensyang gagawa ng mga balota para sa eleksyon. Talagang garapalan na ang ginagawa ng Malacañang,” sabi ni Mar.

Nawawalang trabaho

Noong isang buwan, nang unang bumulaga ang krisis pinansyal sa Amerika na kumalat na sa ibang parte ng mundo, sinabi ni Gloria Arroyo hindi raw masyadong apektado ang Pilipinas dahil malakas daw ang pundasyon ng ating ekonomiya.

“Fundametals are strong”, yan lang palagi ang kanyang pinagyayabang. At yan daw dahil magaling daw siyang ekonomista kahit na garapalan ang kurakutan sa kanyang administrasyon.

Anong “strong fundamentals” ang pinagsasabi niya samantalang alam naman natin lahat na ang bumubuhay lang sa ekonomiya ng Pilipinas ay ang mga dolyares na pinapadala ng mga Overseas Filipino Workers na hindi bababa sa sampung milyon sa lahat na parte ng mundo, kahit sa kasulok-sulokan ng Alaska at Africa.

Sige, Raul G, magkalat ka pa

raul-g-ang-gma

Natawa ako sa reaction ni Rep. Roilo Golez sa rekomendasyon ng Integrated Bar of the Philippines na suspindihin ang justice secretary ni Gloria Arroyo na si Raul Gonzalez.

Sabi ni Golez, dahil sa rekomendasyon ng IBP, dapat ng mag-resign si Gonzalez dahil yan ay galing sa kapwa niya abogado. Hindi lang magiging mababa ang paningin sa knayna gpagkatao, pati na rin ang posisyon.

Inulit ni Golez, na kababayan ni Gonzalez (pareho silang Ilonggo), ang kanyang panawagan na ang natira na lamang na marangal na alternatibo para sa kanya ay mag-resign.

Si Obama sa buhay ng mga Pilipino

Excited ngayon ang mga Amerikano para sa inauguration ni Barack Obama bilang 44th na presidente ng United States of America.

Live mamayang hatinggabi o baka abutin na ng ala-una ng umaga ang Obama inauguration.Makasaysayan ang pagka-presidente ni Obama. Siya ang unang itim na presidente ng America kung saan maraming dekada ang nakaraan, hindi makaboto ang mga itim. Hindi nga sila makakain sa restaurant na kinakainan ng mga puti. Kahit sa pag-ihi, hindi sila maaring gumamit ng palikuran na gamit rin ng mga puti.

Kung isipin mo ang sitwasyon ng mga itim noong unang panahon, talagang hindi kapani-paniwala na ang manunumpa ngayon ay isang batang itim na presidente. Talagang makasaysayan ang araw na ito para sa Amerika.

Paghahanap ng bayani

Paborito ko ang eksena sa stage play na “Galileo” na sinulat ng German playwright na si Bertolt Brecht kung saan sinabi ng isang dismayadong karakter (pangalan ay Andrea), “Kawawa naman ang bayan na walang bayani.”

Sagot ni Galileo, “Hindi Andrea, kawawa ang bayan na nangangailangan ng bayani.”

Totoo yun. Ang bayani ay lumalabas sa pakikipaglaban para masugpo ang katiwalian, ang pagmamalabis ng nasa kapangyarihan, at para magkaroon ng hustisya.

Anak ng droga

Ang pagtatalaga ni Gloria Arroyo sa sarili bilang anti-drugs czar, o pangkalahatang hepe sa laban sa ilegal na droga ay nagpapakita ng pagka-inutil ng kanyang administrasyon.

Halata namang gimik lang para maniobra nila at mawala ang isyu sa media at sa isipan ng mga tao. Wala sa priority ni Gloria na masugpo ang ilegal na droga na sumisira ng buhay ng maraming Filipino, karamihan ay mga kabataan. Ang priority ni Arroyo ngayon ay hindi malaglag sa kanyang nakaw na trono.

Ano ang kanyang utos bilang anti-drug czar? Tumigil sa pagsasalita sa media ang mga opisyal ng Department of Justice sa pangunguna ni Justice Secretary Raul Gonzalez at ang mga taga Philippine Drug Enforcement Agency sa pangunguna ni Director General Dionisio Santiago at Maj. Ferdinand Marcelino, hepe ng Special Enforcement Service ng PDEA.

Operasyon laban kay Puno at Yano

Related stories:

Supreme Court watchdog keeps eye on move to oust Puno

Matagal nang umu-ugong na gusto ng Malacañang tanggalin si Supreme Court Chief Justice Reynato Puno dahil hindi sila sigurado na kakampi sa kanilang mga pinaplano,

Akala natin tsismis lang ito. Ngunit mukhang totoo. Lumabas ang balitang nakakasa na ang impeachment complaint laban kay Puno dahil sa isang kasong pagdisqualify kay Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong.

Ang beneficiary sa pagdisqualify kay Limkaichong (citizenship ang isyu laban sa kanya) ay si Olivia Paras, asawa ng dating kongresman na si Jacinto Paras, na kilala sa Congress sa galing pumuwesto kung saan may pagkakitaan. Si Paras ay miyembro ngayon ng Kampi, ang partido ni Gloria Arroyo.

Takipan at takutan

Natakatawa itong mga prosecutors sa Department of Justice. Nananakot na mag-resign daw sila at low morale na raw.

Sinisisi nila ang Philippine Drug Enforcement Agency, lalo na si Marine Major Ferdinand Marcelino na siyang nag-expose na may lagayan sa Department of Justice para ma-dismis ang kaso laban kina Richard Brodett, Jorge Joseph, at Joseph Tecson na nahulihan ng marijuana at cocaine noong Septyembe 2008.

Sinong tinatakot nila? Hindi naman siguro ang taumbayan na pesteng-peste sa kanila. Hindi naman siguro ang PDEA.

Ang kalakaran sa DOJ

Sa paglilibre ni Justice Secretary Raul Gonzalez ang sarili sa kaso nitong “Alabang Boys”, kailangan niya ilalaglag ang kanyang mga tauhan.

Kunwari pina-imbistigahan niya ang napabalitang suhulan sa pagpalaya sa mga “Alabang boys” na sina Richard Brodett, Jorge Joseph and Joseph Tecson. Ngunit binira rin niya ang Philippine Drug Enforcement Agency lalo pa si Maj. Ferdinand Marcelino kung bakit raw hindi hinuli ang nagtangkang sumuhol sa kanila.

Si Marcelino pa ang may kasalanan. Pambihirang buhay naman ito.

Sinabi ni Marcelino na binigay niya ang ibang detalya ng tangkang panunuhol sa executive session ng committee ay iyon ay confidential. Sinasabi ni Marcelino na madali lang sabihin na “bakit hindi mo hinuli, bakit hindi kayo ng entrapment operation” ngunit hindi madali yun.

Looking for Aiko

I read this in the Facebook wall of my friend Jojo Terencio. I called up the number listed in the entry and talked with Aiko’s mother, Amie. She said Aiko, 24, works at Techno Park.

He was supposed to meet someone at about 3:30 p.m of Dec. 4 at a corner not far away from their house. He rode on his motorcycle. That was the last time they saw him. She talked with the person he was to meet and found out that, that person decided not to come that day.

They found Aiko’s motorcycle but not him.

Amie suspects that “napag-tripan” by some gangs.

She is appealing to those who might be able to help them find Aiko. This is Aiko’s picture.
small-aiko-ludovico-copy

Following is the family’s appeal:

December 28, 2008

For everyone,

It’s been so hard for all of us losing our brother Obet, but what made it worst is losing our nephew Aiko. He’s been missing since Dec. 4, 2008 and until now we have no leads or news. His motorcycle was found in one of the corner street near to our place. Our youngest brother Allan tried to call Aiko on his cell phone but no answer. Our family were working with proper authorities to investigate this very serious matter.

Aiko is a very good son and not into drugs or involved in any criminal wrong doings.

This is not a joke and yet there are some very cruel people of texting my brother making a prankster joke, trying to get some money or sending text that really for us is like a mental and emotional torture. Why do we have to go through these, why can’t other people instead of sending nasty text to send supportive text messages like will pray for Aiko’s safety and for the family.