Skip to content

Category: Web Links

Kultura ng pandaraya

Akala ng marami sa atin na maari nang pasensyahan ang pandaraya ni Gloria Arroyo noong 2004 eleksyon at hindi ito maka-epekto sa araw-araw nating pamumuhay.

Mali.

Ang eskandalo sa leak sa June 2006 nursing board licensure examination ay isa lamang sa simptomas ng kultura ng pandaraya na laganap sa ating lipunan.

Pagkupkup ng nangangailangan

Sana ituloy ni Justice Secretary Raul Gonzalez na kasuhan si Bishop Antonio Tobias ng Novaliches sa kanyang pagkupkup kay Lt. Lawrence San Juan nang ang tenyente ay tumakas sa kanilang pagkakulong noong Enero nitong taon.

Sabi ni Gonzales at ni Executive Secretary Eduardo Ermita imbestigahan raw si Bishop Tobias sa kanyang ginawa at maari pang sampahan ng kaso sa pagtago ng isang taong hinahabol ng pulis at military. tobias3.jpg

Si San Juan ay miyembro ng Magdalo na nag-alsa laban kay Arroyo noong 2002 na ngayon ay tinatawag nating Oakwood mutiny. Tumakas siyang noong Enero at nahuli siya pagkatapos ng isang buwan. Noong isang linggo, ipineresenta siya ng military na bumaligtad na raw at nakipag-cooperate na raw sa kanila.

Ang mga Pilipino sa Lebanon

Nang mabasa ko ang banatan na naman ngayon sa Lebanon, naala-ala ko ang anak ng aming kapitbahay sa Antique.

Ang pangalan niya ay Rizalina at mga 20 anyos siguro. Namasukan bilang katulong sa Iloilo at sa Maynila. Katulad ng maraming mga Pilipino na ang ambisyon ay mag-abroad, nabalitaan niya na may nanganga-ilangan ng katulong sa Lebanon. Nag-apply siya at nakuha naman.

Nang sinabi niya sa akin yun noong isang taon, na pupunta siya sa Lebanon, sinabi ko sa kanyan, “Naku, may giyera sa Lebanon!” Parang wala lang sa kanya at excited siya mag-abroad.

Ang mura naman

Ang cheap naman nitong mga obispo.Magbebenta lang naman ng sarili, hindi man lamang nagpapresyo ng kaunti.

Inamin ng ilang obispo na noong isang linggo, bago sila nagkulong sa Pope Pius XII Catholic Center para sa isang plenary assembly, marami sa kanila ang tumanggap ng sobre galing sa Malacañang na may laman na P15,000. Ang namigay raw ay si Fatima Valdez, undersecretary for religious affairs.

Inamin ito mismo ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, presidente ng Catholic Bishops Conference of the Philippines. Sabi ni Lagdameo, sinauli niya ang binigay sa kanya ngunit wala siyang kontrol sa ibang obispo.

Anomalya sa nursing schools

Noong isang linggo nag-resign ang lahat na miyembro ng Technical Committee in Nursing Education (TCNE) ng Commission on Higher Education dahil nadismaya sa pagpawalang halaga ng pamunuan ng CHED kalidad ng nursing education.

Sabi ng mga nag-bitiw, mas mahalaga raw para sa pamunuan ng CHED ang negosyo at pulitika.

Ito ang mga pangalan ng mga nag-resign na board members ng TCNE. Dapat suportahan natin sila dahil naninindigan sila sa kanilang prinsipyo at pinapahalagahan nila ang kapakanan ng bayan.

Walang tiwala na sa mga congressman

Ang baba na talaga ng tingin ng taumbayan sa mga kongresista. Ito ang dating ng pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa kanilang posisyon sa impeachment.

Sabi ng CBCP: “We are undoubtedly for the search for truth. Therefore, in all sincerity, we respect the position of individuals or groups that wish to continue using the impeachment process to arrive at the truth. (Kami ay nagkakaisa sa mga naghahanap ng katotohanan. Buong sinceridad na iginagalang namin ang posisyon ng mga indibidwal o mga grupo na naghahangad na gamitin ang proseso ng impeachment sa paghahanap ng katotohanan.)

“But as Bishops reflecting and acting together as a body in plenary assembly, in the light of previous circumstances, we are not inclined at the present moment to favor the impeachment process as the means for establishing the truth. (Ngunit bilang mga obispo na nagdasal at kumilos bilang isa sa isang pagtitipon-tipon, sa dahilang nangyari noong isang taon, hindi kami pabor sa proseso ng impeachment bilang paraan sa paghahanap ng katotohahan.)

Lahat biktima

Kahapon ay isang taon ng pagkalas ng tinaguriang Hyatt 10, ang sampung miyembro ng cabinet ni Gloria Arroyo, na nag-resign at nanawagan kay Arroyo na mag-resign rin.

Noong July 8, 2005, mga alas 10 ng umaga, nag-press conference sa Hyatt Hotel sa Roxas Boulevard sina Social Services Dinky Soliman; Finance Secretary Cesar Purisima; Trade Secretary and Industry Secretary Juan Santos; Education Secretary Florencio Abad; Budget and Management Secretary Emilia Boncodin; Peace Adviser Ging Deles; Agrarian Reform Secretary Rene Villa; Imelda Nicolas, National Anti-Poverty Commission; Alberto Lina ng Bureau of Customs; at Guillermo Parayno ng Bureau of Internal Revenue.

Ito ay isang buwan pagkatapos lumabas ang “Hello Garci” tapes na winagayway ni “I- have- two- discs” Ignacio Bunye”.

Ang mas malaking kasalanan

Tuwang-tuwa ang Malacañang sa nilabas ng ABS-CBN na video tape kung saan nakikita si Brig. Gen. Danny Lim na nagwi-withdraw ng support sa pamahalaan ni Gloria Arroyo.

Ito ay kuha daw ng Feb. 23, 2006 at dapat ngang ipinalabas kung natuloy ang pag-martsa ng mga sundalo palabas sa kanilang kampo kasalubong ng mga sibilyan na mga lider sa Edsa.

Sabi ni Justice Secretary Raul Gonzales ito raw ang smoking gun na ebidensya na magdidiin kina Lim. Sabi naman ni Presidential chief of staff Mike Defensor ang video raw ay nagpapatunay na tama ang ginawa ni Arroyo na magdeklara ng Proclamation 1017, manghuli ng mga kritiko at magbusal ng media.

Caregiver ng mundo

Ipinagmamalaki ni Gloria Arroyo na ang isang achievement ng kanyang biyahe sa Vatican, Italy at Spain noong isang linggo ay ang pirmahan ng kontrata para makapasok and 100,000 na Filipino health workers sa Espanya.

Sinabi ni Labor Secretary Patricia Sto. Tomas na siyang pumirma ng kontrata kasama ni Spanish Minister for Labor and Immigration Jose Caldera na dumating na ang 40 na caregiver sa Madrid at mga 60 pa ang darating sa Septiembre.

Marami raw ng mga Filipino ang makikinabang sa kontrata dahil marami nga ang gusto mag-apply noon pa kaya lang mahigpit ang Espanya at mga domestic helper lang noon ang pinapayagan.