Skip to content

Category: Web Links

Supalpal

Supalpal si Gloria Arroyo ng Amnesty International, isang pribadong organisasyon na nagmu-monitor ng paglabag sa karapatang panta-o.

Sa report na nilalabas ng AI noong Martes, sinabi nila na lalong dumarami ang insidente ng pagpatay sa taong ito kahit pa na sinabi ni Arroyo na kinukondena niya ang pagpatay.

Pinansin ng AI na karamihan sa pinapatay ay mga binabansagan na “kaliwa” o mga miyembro ng progresibong organisasyon o mga kahit ng Communist Party of the Philippines.

Terorismo sa Nueva Ecija

Grabe ang sitwasyon ngayon sa Nueva Ecija kung saan ang paboritong heneral ni Gloria Arroyo, si Maj. General Jovito Palparan, ang naghahari-harian.
.palparan.jpg
Inurder ni Palparan na lahat na tao ay dapat may cedula. Ito ang kanyang paraan para mapuksa ang mga komunista.

Parang bumalik tayo sa panahon ng Hapon na kailangan may ipakita kang cedula o identification card na kanilang ini-isyu. Siyempre bago ka isyuhan ng cedula or card kailangan siguraduhin kang kakampi nila. Ang walang cedula, pinapatay.

May report ang Philippine Daily Inquirer sa reign of terror ni Palparan. May isang vegetable vendor raw na ang kanyang cedula ay 2005 pa. Pinakain sa kanya.. Pati raw barangay captain na hindi nakakuha ng bagong cedula, pinakain rin sa kanya ang papel.

Para sa ligtas na biyahe

Sana sa panibagong security measures na ginagawa sa mga airport, hindi nila papayagan mag-handcarry ng cellphone. Dapat naka check-in.

Kasi maraminng matigas na ulo na Pilipinong pasahero. Kahit sinasabi ng nakaka-gulo ng communication lines ng eroplano ang paggamit ng cellphone habang nasa loob ng eroplano, gamit pa rin ng gamit ng cellphone kahit ang pinag-uusapan naman ay hindi importante.

Dahil sa nadiskubre ng mga British authorities ng panibagong plano ng mga terorista ng pagpapasabog ng sampung eroplano noong Huwebes, mas istrikto ngayon ang biyahe lalo na sa eroplano.

Wasak na demokrasya

Hindi naman nakapagtataka ang nangyari sa House of Representatives noong Martes kung saan binasura na kaagad ng Committee on Justice ang pitong impeachment complaints laban kay Gloria Arroyo.

Sabi ng mga nakakaraming kampon ni Arroyo, hindi pa raw isang taon nang sinampa ang pitong binasurang impeachment complaint. Isa na lang ang natira, yung isinampa ng Black and White Movement noong July 27.

Mabuti na lang at naniguro ang mga complainants kaya marami silang isinampa, iba-ibang date. Pare-parehong complaint naman yan kaya wala naman masyadong epekto ang pagbasura ng pito.

Iwas cervical cancer

Sa Muntinlupa, may mobile clinic na umiikot sa mga barangay para magbigay ng serbisyo pangkalusugan. Ito ay proyekto ni Congressman Ruffy Biazon na pinasinayan sa Asian Hospital noong Sabado.
ruffybcecap.JPG
Ang Mobile Clinic ay may facilities para sa dental services. Pwedeng magpalinis at magpabunot ng ngipin. Mayroon din X-ray at Ultrasound equipment. Kaya maraming klaseng medical services ang magagawa nitong mobile clinic ni Rep. Biazon. Kasama na rin dito ang information campaign.

Ang zero casualty ni Gloria

Kinakarma na talaga itong si Gloria Arroyo. Ang nakakalungkot lang, taumbayan naman ang nasasakrispisyo.
gloriatawalebanon.jpg
Noong Huwebes, inu-utos niya na pauwiin raw ang lahat-lahat na natirang sobra 30,000 na Pilipino sa Lebanon. Kailan raw kasi “zero casualty” . Ibig sabihin, dapat walang Pilipinong mamatay doon sa Lebanon.

Habang pinaglandakan niya ang zero casualty, pumasok ang balita na dalawang Pilipina ang namatay dahil tumalon sa building para makatakas dahil ayaw sila payagan ng kanilang mga among Lebanese na umuwi kahit nagkaka-giyera na doon.

May tinatagong kababalaghan

Malaki sigurong anomalya ang nakatago diyan sa pera sa OWWA (Overseas Workers Welfare Agency) kaya ayaw humarap ng mga opisyal sa imbestigasyon na ginagawa ng Senado sa committee na pinamumunuan ni Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Richard Gordon tungkol sa paglikas ng ma namimiligro na Overseas Filipino Workers.

Ang alam natin, ilang milyon niyan ay ginamit para pambayad ng Philhealth cards na pinamudmud ni Gloria Arroyo noong 2004 elections. Mukhang may iba pang milagro kaya takot silang sumipot sa Senado. Baka nga naman mabuking.

Kasi kung wala silang kasalanan ay ginamit nila ng maayos ang pera, bakit takot humarap sa mga senador. Kung mayroon dyan mga senador na gusto lang mag-grandstanding, di supalpalin nila ng katotohanan. Ang problem lang ay kung marami ngang kababalaghan na nangyari sa P8 bilyon na pera ng mga OFW.

Bawal magsabi ng totoo

Pinaggalitan si Ambassador Francis Al Bichara ng Department of Foreign Affairs dahil sinabi niya na kaya mabagal ang evacuation ng mga OFW mula Lebanon dahil kinukulang sila ng pera.

Siyempre magagalit talaga ang DFA at Malacañang dahil sinabi ito ni Bichara, isang araw matapos magyabang si Gloria Arroyo sa kanyang state-of-the nation address na “May pera na… may pera tayo”.

Itong pagmamayagpag ni Arroyo na “May pera tayo” ay kasama sa kanyang propaganda na magaling siyang pangulo kaya raw “may pera na tayo.”

BABALA SA TUKO

Itong tula ay gawa ni Bienvenido Lumbera, National Artist .

Binasa niya ito sa rally sa labas ng Batasan Pambansa habang ginu-glorya ni Gloria Arroyo ang taumbayan na pinalakpakan naman ng mga tsonggo sa Kongreso.

Tunay na National Artist si Bien dahil dama niya ang naramdaman ng taumbayan at hindi siya nangingiming ilabas sa pamamagitan ng kanyang pagsusulat. Siya ay isa sa mga nagsampa ng panglawang impeachment complaint laban kay Arroyo.

TNT sa NPA

Takot raw si Joc-joc Bolante, dating undersecretary ng agriculture at matalik na kaibigan ni Mike Arroyo, sa New People’s Army kaya siya humihingi ngayon ng asylum sa Amerika.bolanteRI.jpg

Ang asylum ay binibigay ng isang bayan sa national ng ibang bansa na namimiligro ang buhay sa kanyang bansa dahil sa kalupitan ng ginagawa sa kanya.

Dapat matuwa ang NPA at epektibo pala sila sa mga taong nang-abuso ng kanilang kapangyarihan nang sila ay nasa poder. Si Bolante ay nakaharap sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa sobra P3 bilyon na pera para sa magsasaka na kanyang ginamit para sa kampanya ni Gloria Arroyo noong 2004. Kasama doon ang P728 milyon na pambili ng abono ng mga mahirap na magsasaka.