Skip to content

Category: Web Links

Naka-ambang constitutional crisis

Mabuti naman at nanindigan ang Senado sa pambabastos ng Malacañang sa kanila.

Kapag pagpipilitan ng Malacañang na bastusin ang Senado sa kanilang pagi-imbistaga ng mga kaso na may relasyon sa kanilang ginagawang batas, hindi malayo na magkakaroon tayo ng constitutional crisis.

Simula pa lamang ang pag-aresto kahapon kay Chairman Camilo Sabio ng Presidential Commission on Good Government na nang na-isnab ng imbestigayon ng Senado kaugnay sa Philcomsat Holdings Corp.

Kahit anong kahig, walang matuka

Kaya gusto ko umuwi sa amin sa probinsiya ng Antique ay para na rin reminder sa sarili ko na hindi Pilipinas ang Manila.

Ang aming baryo, Guisijan, ay nasa bayan ng Laua-an. Katulad ng maraming baryo dito sa Pilipinas, hindi nararamdaman ng mga tao doon ang national government. Kayod lang sila ng kayod.

Ang kasabihan na “Isang kahig, isang tuka” ay tugmang-tugma sa uri ng pamumuhay doon sa amin. Para may hapunan, papalaot ang mga kalakihan para mangisda. Noong malilit kami, pagdating namin galing sa eskwela, takbo kaagad sa tabing dagat at tutulong maghila ng bitana (fish net).

Defensive si Defensor

Halatang nayanig si Mike Defensor sa exposé ni Sen. Aquilino Pimentel tungkol sa kanyang ginawang pakiki-alam laban sa kaso ng mga Filipino nurses sa New York at kampi sa Amerikano na hindi tumupad sa kontrata.

Ang reaksyon niya ay kailangan raw mag”sorry” sa kanya si Pimentel.

Nahihibang na itong si Defensor. Gayang-gaya siya sa kanyang dalawang amo, si Gloria at Mike Arroyo, na humihingi ng “sorry” kay Rep. Alan Peter Cayetano.

Ang kapangyarihan ni Arroyo

Malaking kahihiyan dapat para kay Gloria Arroyo ang mapasama sa listahan ng most powerful o pinakamakapangyarihan samantalang ang milyung-milyong Pilipino ay powerless sa kanilang kahirapan.

Para bang isang taong nagpatayo ng palasyo sa gitna ng squatter area.

Malaki sa dinadanas na kahirapan ng mga Filipino ngayon ay dahil na rin kay Arroyo na ginagamit ang kapangyarihan sa pansariling interes sa halip na sa kapakanan ng taumbayan.

Oposisyon daw si Kiko Pangilinan

Ang lumabas sa survey ng Pulse Asia na topnotcher ang mga oposisyon sa mga gusto na mga tao para senador sa susunod na eleksyon ay nagpapatunay lamang na galit na talaga ang taumbayan kay Gloria Arroyo at kasama na doon ang mga taong nakadikit sa kanya.

Ang nasa top 15 ay sina Loren Legarda, Francis Pangilinan, Ping Lacson, Manny Villar, Ralph Recto, Vicente Sotto, Aquilino “Koko” Pimentel III (anak ni Sen. Nene Pimentel);

Alan Peter Cayetano, Gringo Honasan, JV Ejercito-Estrada, Imee Marcos, John Henry Osmeña, Benigno “Noynoy” Aquino III, Loi Estrada, Joker Arroyo.

Patuloy and swerte ni Jocjoc

Talagang sinuswerte itong si Jocjoc Bolante.

Sabi ni Executve Secretary Eduardo Ermita at ng Department of Foreign Affairs, kailangan raw tulungan si Bolante at asikasuhin at kanyang hinihinging “humanitarian assistance.”

Humingi si Bolante, na ngayon ay nakakulong sa Kenosha, Wisconsin sa Philippine Embassy sa Washington D.C. na makipag-usap sa Amerika para raw mabigyan siya ng “medical assistance.”

Dentist ni Gloria

Dentist pala ni Gloria Arroyo itong si Leonor Tripon-Rosero, chair ng Professional Regulation Commission, na ngayon ay pinag-iinitan ng publiko dahil sa palpak na pamamalakad sa nursing board exam.

Kaya naman pala hindi magalaw ni Arroyo kahit nagkanda-lokoloko na ang nursing board exam.

Marami ngayon ang nagde-demand ng resignation ni Rosero dahil sa leak na nangyari sa June 2006 ng nursing at sa kawalan ng PRC ng aksyon. Ayaw ni Rosero na ipa-walang bisa ang resulta ng June 2006 exam at ipinasumpa pa niya ang ilan sa mga nakapasa kahit na alam niyang may naka-pending na kaso.

Mga pekeng nurses

Hands-off raw ang Malacañang sa isyu ng dayaan sa nursing exam noong Hunyo.

Siyempre naman. Ano naman ang karapatan o moral ascendancy ng numero unong mandaraya ang magbigay ng kaparusahan sa sumunod lamang sa kanyang ginawa.

Sabi siguro ng mga nursing students na nandaya, ay kung si Gloria Arroyo ay nakalusot sa kanyang pandaraya noong 2004 elections, at ngayon ay nasa Malacañang pa, bakit hindi namin pwedeng gawin yun.

Ang AFP at NPA

Hindi yata inisip ni Gen. Hermogenes Esperon, AFP Chief of Staff, na sa kanyang pagkukumpara ng military sa NPA ay ibinaba niya ang buong sandatahan ng Pilipinas.

Nagreklamo si Esperon sa report ng Amnesty International kung saan binatikos ang pamahalaang Arroyo sa maraming patayan lalo na sa hanay ng mga progresibong organisasyon.

Sabi ni Esperon, bias raw ang AI sa maka-kaliwa. Marami rin daw pinapatay ang mga NPA, ang army ng Communist Party of the Philippines.

Malaking papel ni Ebdane

Madaling paniwalaan ang pahayag ni Arsenio Rasalan tungkol sa papel ni dating PNP chief Hermogenes Ebdane na ngayon ay public works secretary, sa pandaraya noong 2004 elections para kay Gloria Arroyo.

Matagal nang usap-usapan yan. Wala lang gustong magkumpirma.

Ito ngayon si Rasalan na kasama sa post-election operation ni Ebdane at ni Atty. Roque Bello ang nagkwento ng buong detalye kung paano nila pinalitan ang mga election returns para mag-match sa mga dinayang COCs (certificate of canvass) na siyang ginamit ng Congress sa pag-proklama kay Arroyo na nanalo sa 2004 elections.