Skip to content

Category: Web Links

Pabor kay Binay

Maganda ang text ni Rep. Roilo Golez sa nangyayari ngayon sa Makati: “Kung patuloy na hindi maayos ang pagtrato kay Mayor Binay, katulad ng pag-aapi at paninikil na ginagawa sa kanya ngayon, baka si Binay ay magiging rallying point ng opposition at kandidato para presidente sa 2010.

“Why not Binay for President? Meron siyang kakayahan bilang lider, may talino mass appeal at tibay ng loob (guts).

“Many times in the history of mankind, it’s one rare defining moment that catapults a person to the highest post. Mandela. Mao. Magsaysay. John F. Kennedy (PT 109) and FVR (Edsa I)”

Garbage in, garbage out

Galit si Sen. Richard Gordon kay Comelec Chairman Benjmain Abalos na kaagad sinabi na huli na para mag-computerize para sa May 2007 elections.

“Alam ko hindi siya interesado dito (poll automation bill) dahil gusto pa rin niyang gamitin ang kanilang lumang mga computer,” sabi ni Gordon na nagpapatungkol sa P1.3 billion na mga computer na binili ng Comelec sa Mega Pacific ngunit ngayon ay nabubulok lamang dahil sinabi ng Supreme Court na ilegal ang transaksyon .

Ipinasa ang ng Senado noong Huwebes ang poll automation bill sa pagpupurisge ni Gordon, chairman ng Senate committee on constitutional amendments. Inaasahan ni Gordon na ipasa na rin ng House of Representatives sa pangunguna ni Rep. Teddy Locsin ng kanilang bersyon para mapag-isa nila at mapirmahan sa susunod na buwan.

Kahanga-hanga si Quisumbing

Nakakahanga itong si Chairman Purification Quisumbing ng Commission on Human Rights.

Pquisumbing.jpgIpinamukha ni Quisumbing sa Melo Commission kung ano talaga sila: tuta ng Malacañang.

Sa panahon ngayon na lahat ay sumisipsip o takot sa Malacañang, nanindigan si Quisumbing at ibinasura and subpoena ng Melo Commission para siya ay humarap sa kanilang imbestigasyon sa napakaraming extra-judicial killings o pagpapatay na hindi dumaan sa hustisya sa ilalim ng administrasyon ni Arroyo.

Sa pagsisirko ni Gutierrez, nahubaran siya

Maganda ang sinabi ni Rep. Peter Alan Cayetano tungkol sa nangyayari ngayon sa Enchanted Kingdom ni Gloria Arroyo pagkatapos nilabas ni Ombudsman Merceditas Gutierrez and kanilang garapal na desisyon na ipa-walang sala ang Comelec sa P1.3 billion na ma-anomalyang kontrata sa Mega Pacific.

Sabi ni Cayetano, “Nuong eleksyon,may dayaan pero wala naman raw nandaya. Sa fertilizer scam, may overpricing pero wala naman daw nag-overprice. Ngayon naman, may kaso pero walang criminal.”

Sabi nga niya, dapat isali na ito ng gobyerno sa “Ripley’s believe it or not.”

Inutil

Anim na araw makalipas ang pananalasa ng “Milenyo” wala pa rin kaming kuryente sa Iris st., Moonwalk, Las Piñas, Metro Manila.

Dito nakikita ang pagka-inutil ng pamahalaan sa pagbigay na malahagang serbisyo sa mamamayan.

Ang isa ring inutil sa serbisyo ay itong Meralco.

Bastusan Republic

(Isinumite ko itong column sa Abante ng umaga. Nang hapon na confirm ang promosyon ni Esperon hindi lang sa pagka three- star general. Pati na rin sa pagka four-star. Express ang nangyari.Ganyan ang buhay dito sa Enchanted Kingdom ni Gloria Arroyo.) esperon confirmation.jpg

Itong title ay galing kay Anna, isang Filipina na naninirahan sa Brussels.

Galit na galit si Anna sa bastusan na ginawa ni Gloria Arroyo sa pag-promote kay AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon sa ranggong four-star general kahit hindi pa naku-confirm ang kanyang promotion sa pagka-three star general.

Supalpal ang Singaw ng Bayan

Nakikita pa ba ninyo ang advertisement ng Singaw ng Bayan tungkol sa coup?

Mukha hindi ko na nakikita. Malamang pina-alis na nila.

Dapat naman. Buking sila doon na nanloloko sila ng taumbayan.

Doon sa advertisement na yun, pinakita nila ang mga images noong mga nakaraang coup o people power. Mayroon din mga images ni Navy Lt.sg Antonio Trillanes noon Oakwood mutiny.Sabi doon sa adverstisement, “Tama na. Nakakapagod na. Charter Change.”

Ang dapat paghandaan ni Esperon

Medyo mahina talaga pa lang umintindi itong mga opisyal ng militar na nasa pwesto.

Sabi ni Lt. Col. Bartolome Bacarro, spokesman ng Armed Forces of the Philippines, na pagkatapos batuhin siya ng itlog at putik sa University of the Philippines noong Biyernes, sinabi raw ni AFP Chief Hermogenes Esperon, “Siguro yung mga nambato galit sa akin dahil hindi ako nagku-coup at ang AFP.”

Hindi ba niya narinig ang sigaw ng mga estudyante na “Pasistang militar, singilin, singilin!?” O nagbibingi-bingihan lang siya.

No deal

Nanginginig na siguro ang tumbong nitong si Gloria at Mike Arroyo sa alok ni Jocjoc Bolante na “kumanta” basta ibalik lang ang kanyang U.S. visa.

Natatakot na rin siguro ang mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga kampon ni Gloria Arroyo na may warrant of arrest sa Senado dahil sa nangyayari ngayon kay Bolante.

Katulad nitong mga opisyal ng PCGG (Presidential Commission on Good Government). Hindi sila makapagtrabaho dahil ayaw nila mahuli ng mga security officers ng Senado. Tago sila ng tago. Anong klaseng buhay yan?

Pagwawaldas ng assets ng taumbayan

Nakakatawa itong si Ricardo Abcede, commissioner ng Presidential Commission on Good Government , na ngayon ay nagtatago dahil katulad ni dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante, takot siyang humarap sa Senado.

Ini-imbistigahan ng Senate Committee on Government Corporations and Public Enterprises na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon ang napabalitang pagwawaldas ng mga assets ng Philippine Communication Satellite Corporation.

Malaki kasi sa mga shares ng Philcomsat ay sequestered dahil ang suspetsa ay pag-aari raw ni dating Pangulong Marcos. Kaya ilan sa mga director doon ay nominee ng Malacañang katulad ng pinsan ni Mike Arroyo na si Benito “Bomboy”Araneta.