Skip to content

Category: Web Links

Sabwatang Gloria at Mike laban sa media

Dumistansya si Press Secretary Ignacio R. Bunye sa mga pulis na na pumunta sa Malacañang Press Working area para mag-aresto kay Mia Gonzales, reporter ng Business Mirror at correspondent ng Newsbreak Magazine noong Lunes.

Sabi ni Bunye na sana hindi nagkaroon ng kontrobersya ang pagpatupad ng batas tungkol sa warrant of arrest ni Gonzales kung nakipag-ugnayan ng maayos ang mga pulis sa kanyang opisina.

Ang opisina ni Bunye ay sa third floor ng New Executive building sa Malacañang compound. Ang press working area ay sa ground floor.

Ang mga pagbabayaran ni Atong Ang

Halatang ni-nerbyus si Charlie “Atong” sa kanyang pagbalik sa Pilipinas noong Biyernes. Nakapusas siya, naka bullet-proof vest at guwardiyado ng mga armadong kalakihan.

Sa interview sinabi ni Atong na nagsisi raw siya na nakihalo siya sa pulitika na siyang sinisisi niya sa kanyang kinalalagyan ngayon. Paano yun ay pulitika rin ang paggamit sa kanya nina Gloria Arroyo at Ilocos Sur Governor Chavit Singson para idiin si dating Pangulong Estrada.

Ang away nina Erap, Chavit at Atong ay parang Mafia war o away ng mga gangster.

Maling panindigan ni Erap

Ang isa sa dahilan kung bakit nanatili si Gloria Arroyo sa Malacañang kahit marami ang galit sa kanya ay dahil palpak naman ang oposisyon. Lalo na itong si dating Pangulong Joseph Estrada.

Noong isang linggo, nagpalabas ang kanyang abogado na si Rufus Rodriguez ng listahan mga senatorial candidates na susuportahan ni Estrada sa eleksyon sa Mayo 2007. Kasama doon sa listahan niya sina Manny Villar, Francis “Kiko” Pangilinan at Ralph Recto.

Hindi pa naman nakalimutan ng madla na si Villar ang nag-short cut ng impeachment process laban kay Estrada noong 2000 nang siya ay speaker ng House of Representatives.

Mahilig sumingit

Siguro matagal na dito sa Pilipinas ‘yung Koreano na sumingit sa pila sa immigration sa NAIA na ikinagalit ni Luli Arroyo.

(Ang paliwanag ni Edgar Padlan, mahuhuli na sa kanyang flight ang Koreano at may policy yata sila na sa mga ganyang sitwasyon, uunahin ang namimiligro maiwan ng flight. )

Uso kasi ang singitan dito sa Pilipinas. Hindi marunong sumunod ang Pilipino sa pila.

Kailangan magtatago sa dilim

Naintindihan ko na ang pagka-sekreto ay mahalaga sa military. Ngunit alam ko rin na bawal sa military ang paglabag ng karapatang pantao. Kahit pa sa mga nakakulong.

Ano kaya ang kinatatakutan ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na sinigurado niyang walang media na makakita ng paglipat ng anim na Marine colonels, kasama si Col. Ariel Querubin, sa Cavite noong Lunes.

Ang lima pang opisyal ay sina Col. Orlando de Leon, Lt. Col. Armando Bañez (birthday niya noong Martes), Lt. Col. Custodio Parcon,Lt. Col. Achilles Segumalian, at Col. Januario Caringal.

Nag-iisahan ang mga tuso

Maraming haka-haka tungkol sa hidwaan sa Malacañang sa isyu ng People’s Initiative.

Usap-usapan ang paghihiwalay raw ng law firm na Villaraza& Angangco kay Arroyo. Ang Vllaraza& Angangco ay dating Carpio Villaraza &Cruz na siyang tumulong sa kandidatura ni Arroyo noon pang 1998 nang nagtangka siyang tumakbo sa pagka-presidente. (Hindi siya natuloy at nagging bise-presidente kay Jose de Venecia.)

Si Antonio Carpio ay hinirang ni Arroyo sa Supreme Court at si Avelino Cruz naman ay naging defense secretary.

Secretary Duque explains

In reply to my Oct. 26 column in Abante on the death of nine infants at the Rizal Medical Center, Health Secretary Francisco Duque wrote the following explanation:

Greetings.

Please allow me to reiterate that the Department of Health (DOH) has not absolved the hospital authorities now facing charges for the alleged neonatal sepsis deaths of nine babies who were among those born last October 4 at the state-run Rizal Medical Center (RMC). A more thorough investigation is now under way to really see whether the neonatal deaths can be linked to a breakdown in infection control standards at RMC.

This developed as some sectors continued to regard the DOH Fact Finding Committee (FFC) and the National Epidemiology Center (NEC) investigation results as a whitewash to cover the alleged misdeeds of the said hospital.

Ang buhay mahirap

Kawawa naman ang nangyari sa pamilya ng mga namatayan ng sanggol sa Rizal Medical Center.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Department of Health ang mga nanay pa ang may kasalanan ng pagkamatay ng kanilang mga anak.

Pambihira naman buhay ito. Nanganak ka sa ospital. Kahit sabihin mong government hospital yun, gumastos ka pa rin. Namatay ang anak mo dahil sa “neonatal sepsis” na sa pagkaintindi ko ay infection sa dugo. Tapos ikaw pa ngayon ang sinabing nagbigay nag infection sa anak mo at hindi ang maduming gamit sa ospital.

Takot sa katotohanan

Binigyan ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) ng X rating and pelikula ni dating Pangulong Estrada ng X rating. Ibig sabihin noon hindi mapanood ng publiko.

Ngunit hindi sinabi ng MTRCB na bawal panoorin sa loob ng bahay mo.

Mas matindi pala ang interpretasyon ng military dahil ipamigay mo lang ang CD ni Erap, kulong ka na.

Bayad utang sa mga heneral

Wala na bang ibang pwesto na maibigay si Gloria Arroyo kay retired AFP Chief Generoso Senga at ilalagay siya bilang chairman ng Channel 4?
senga.gif
Sabi nga ni Sen. Rodolfo Biazon, “Bakit hindi ambassador?” Si Vidal Querol, dating national capital region commander ng Philippine National Police ay ginawa niyang ambassador sa Indonesia.

Dati si dating AFP Chief Efren Abu ang sinasabing ipadala sa Indonesia dahil classmate niya and Indonesian President. Baka may ibang pwestong nakalaan kay Abu.

Lahat kasi na nagre-retire na opisyal ng military at PNP ay binibigyan ni Arroyo ng trabaho dahil malaki ang utang na loob niya sa kanila sa kanyang pagpanatili sa kanpagyarihan kahit siya ay hindi naman hinalal ng sambayanang Pilipino at siya ang pinakakainisan ng pangulo sa buong kasaysayan ng Pilipinas.