Skip to content

Category: Web Links

Hindi mabenta

Ang sagot ni Sen. Serge Osmeña sa bagong alok nina House Speaker Jose de Venecia ng Constitutional Convention nang makita nilang nanggalaiti na ang taumbayan sa galit sa ginawa nilang pagyurak sa Constitution noong isang linggo: “After the Dirty House rapes the nation, it now proposes marriage!” (Pagkatapos gahasain ang bayan, ngayon nag-aalok ng kasal!)

Nakita kaagad ni Senate President Manuel Villar ang patibong. “Wala silang karapatang magbigay ng deadline sa amin,” sabi ni Villar sa binigay ni De Venecia na 72 hours simula Lunes.

Natawa na lang si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel: “iIipin mo, ang commander ng talunan na army ay nagbibigay ng deadline at kundisyunes na ang mga nanalong taumbayan ay dapat mag surrender sa loob ng 72 oras!”

Nakakatawa, di ba?

Kapag umapaw ang salop

Mabuti naman at nagdesisyon ang ANC na i-broadcast live ang nangyayari sa House Of Representatives kagabi kung saan pinipilit ng majority na ipalusot ang resolution na masimulan ang iligal at immoral na Constituent Assembly.

Mabuti na makita ng taumbayan kung gaano ka-garapal ang kanilang naturingang “representatives”.

Ang nagulat ako sa lakas ng apog ay itong si Rep. Annie Susano ng pangalawang distrito ng Quezon City. Ipinagmalaki niyang nagbigay siya ng P4 million sa simbahan kaya lam niyang hindi magagalit ang mga pari sa kanyang pagbuto sa pagpalit ng House rules at pagbastos ng Constition. Tinawag pa niya si JDV na “Prime Minister JBC”.

Ang kalbaryo ng Pinay OFW

Pinadala sa akin ni Jjarencio na nasa Dubai ang balita sa Gulf News tungkol sa mag-kasamang Arabo na nakasuhan tungkol sa pang-aabuso sa isang Pilipinang katulong.

Ayon sa news item, katakot-takot na pananakit ang ginawa ng mag-kasama ( hindi malaman kung sila ay mag-asawa o magkasama lamang) na lalaking Iraqi at babaeng Kuwaiti sa isang Pinay na katulong na may initials na B.S.

Sabi ni minsan raw, lasing ang dalawa (akala ko ba bawal ang alcoholic drinks sa Moslem countries) tinawag siya sa kanilang kuwarto at habang hinahawakan ng lalaki ang kanyang dalawang kamay, hinubaran siya ng babae.

Philippine Idol

Natutuwa ako na sa finals si Gian Madangal at si Mau Marcelo ng Philippine Idol na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Sabado (Dec. 9), 9 p.m.

Mas gusto ko sana kung si Pow Chavez ang pangatlo kaya lang na –eliminate na siya dalawang linggo na ang nakaraan. Ang sarap pakinggan ng boses ni Pow at napaka natural ng kanyang personalidad.

Ngunit si Jan Nieto ang pangatlong finalist. Maraming mas magaling kay Jan kaya lang ganoon talaga ang reality contest. Sana lang huwag siya ang manalo na Philippine Idol dahil hindi naman talaga siya pang-international talent. Okay na lang yan na crush siya ni Pilita Corales.

Mabuti na lang at hindi pumasok si Miguel Mendoza na finalist. Dapat itong si Miguel ay gawin na lang hobby ang pagkanta. Tutal mukha namang may kaya, pwede siyang mag-produce ng mga kanta na bagay sa kanyang talent.

Pekeng Con-Ass

Nasisira na yata ang ulo nitong si Gloria Arroyo kung akala niyang makalusot itong ginagawa niyang paglapastangan sa Constitution para lamang siyang manatili sa kapangyarihan.

Kung sabagay matagal nang labag sa batas ang mga ginagawa ni Arroyo. Ngunit ang pinaka garapal na kanyang sinusulong ngayon ay ang sapilitan na pagpapalit ng Constitution sa susunod na linggo.

Napagkasunduan ng mga 60 na congressman at ni Arroyo sa Malacañang noong Lunes ng gabi magkaroon sila ng Constituent Assembly sa pangalawang linggo ng Disyembre at papa-abrubahan raw sa isang plebiscite ang ginawa nilang bagong Constitution bago mag Pebrero 12.

Ang baho ng pangalang Arroyo

May rason naman para magsaya ang oposisyon sa resulta ng pinakahuling survey ng Pulse Asia sa mga senatoriables sa May 2007 eleksyon.
Ang nasa top 12 ay mga personalidad na masasabing naka-linya sa oposisyon. Ito ang nangunguna sa senatorial race sa ngayon: Loren Legarda; Panfilo M. Lacson; Francis N. Pangilinan; Manuel B. Villar, Jr.; Alan Peter S. Cayetano Vicente C. Sotto III; Ralph G. Recto (28.7%); . Korina Sanchez; Aquilino Pimentel “Koko”III; Gregorio B. Honasan (24.1%); JV Ejercito-Estrada; Edgardo J. Angara;

Sabi ng Pulse Asia, hanggang no. 19, maari pang masabi na malakas ang posibilidad manalo. Ang pito pang sumusunod ay sina Benigno C.”Noynoy” Aquino III; Francis G. Escudero; John Henry Osmeña (17.8%); Rozzano Rufino B. Biazon (17.8%); Imee R. Marcos (17.6%); Joker P. Arroyo (17.0%); at Luisa “Loi” Estrada.

Patong- patong na kasalanan

Hindi pa kaya ni AFP Chief Gen. Hermogenes Esperon naisip ngayon na ang kasalanan ay hindi maa-aring takpan ng isa pang kasalanan?

Hindi pa kaya nasabi sa kanya ng kanyang spiritual adviser na ang isang kasalanan ay maaring mabura lamang kung ito ay iyong i-kumpisal at pagsisihan?

Alam natin kung ano ang ugat ng demoralisasyon ng mga sundalo. Iyon ay ang paggamit sa kanila sa mga bagay na salungat sa kanilang panata bilang sundalo katulad na pagdaraya sa eleksyon at pangungurakot ng kaban ng pamahalaan.

Pangsariling interes lang

Sinabi ni Pangulong Manuel L. Quezon, “My loyalty to my party ends, where my loyalty to my country begins. (Ang aking katapatan sa aking partido ay nagtatapos kung saan nasisimula ang ang aking katapatan sa aking bayan.)”

Hindi na uso ang ganoong panindigan ngayon. Hindi na iniisip ang partido at bayan. Sariling interes lang.

Tingnan nyo ang nangyari sa Pampanga.

Darating kaya si Gringo sa DOJ bukas?

Bukas ang pangalawang araw ng preliminary investigation ng Department of Justice sa 49 na taong sangkot kuno sa rebellion laban sa pekeng administrasyon ni Gloria Arroyo.

Kasama doon sa 49 si dating Sen. Gregorio “Gringo” Honasan na nahuli noong Miyerkoles sa Green Meadows sa Quezon City.

Pupunta kaya si Gringo sa DOJ bukas?

Alas-10 ang simula ng preliminary investigation. Noong Nov. 13, ng unang araw ng preliminary investigation. Mayroon pang pangatlo, sa susunod na Lunes, Nov. 27.