Skip to content

Category: Web Links

Ang may hawak kay Arroyo

Sabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita, hindi raw alam ni Gloria Arroyo ang patagong paglipat kay Lance Corporal Daniel Smith sa U.S. Embassy noong Biyernes nang magha-hating gabi.

Sabi ni Ermita ang nagdesisyon raw ay ang National Security Council na pinamumunuan ni Norberto Gonzales. Nasa Baguio raw kasi si Arroyo kaya minabuti na raw nila na hindi na sasabihin.

Kung totoo ang sinasabi ni Ermita (panay sinungaling kasi sila kaya hindi mo malaman kung alin sa sinasabi ang totoo), ang lumalabas nito ay tau-tauhan na lamang nila pala si Arroyo.

Kampon ng kadiliman

Talagang mahilig itong si Gloria Arroyo at ang kanyang mga alagad gumawa ng kababalaghan habang tulog ang sambayanang Pilipino.

Nagulat ako kahapon ng mabasa ko sa internet na nilipat pala noong Biyernes ng magha- hatinggabi si Lance Corporal Daniel Smith sa US embassy kahit na ang desisyon ng Makati Regional Trial Court at Court of Appeals ay dapat manatitli siya sa Makati jail.

Maala-ala natin noong 2004 nang ipinuklama ng mga congressman at senador si Gloria Arroyo na winner ng 2004 election madaling araw, habang tulog ang lahat na tao. Ginawa nila ito kahit maraming kaso ng dayaan ang inirereklamo ng oposisyon na sina Sen. Tessie Aquino-Oreta, Sen. Nene Pimentel, Sen. Serge Osmeña at Rep. Dilanggalen.

Maling leksyon ang natutunan

Maraming pangyayari ang dumarating sa ating buhay ng sa ganun ay nagkakaroon tayo ng leksyon. Lahat naman tayo ay makasalanan ngunit ang mga masamang pangyayari , madalas ay panggising o “wake up call” para tayo matuto ay ayusin natin ang ating buhay.

Para kasing binibigyan tayo ng Panginoon ng pagkakataon pa na tumino bago tayo kunin.

Alam na natin ang sakuna na nangyari kay House Speaker Jose de Venecia nang masunog ang kanyang bahay bago ang Pasko. Kamuntik rin madisgrasya ang eroplano niyang sinasakyan noong isang biyahe niya sa Iloilo.

Kahapon napabalita ang nawalan ng preno ang maliit na eroplano ng Philippine Air Force na sakay an tatlong matataas na opisyal ng Philippine Army na nina Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino; Col. Cesar Yano ng Operation at pinuno ng court martial trial laban sa 28 na opisyal na sangkot sa February 2006 coup; Col. Ramon Cabal ng Logistics; Capt. Louie Dimaala, at Chief M/Sgt Fidel Alegre.

Makabuluhang Pasko para sa lahat!

Gusto kong ibahagi sa inyo itong kuwento ng aking kaibigan na si Ching Suva, dating press undersecretary at ngayon ay vice president for public affairs ng Manila Hotel at Manila Bulletin.

Noong isang biyahe ni Pangulong Ramos sa Amerika, nawala ang isang maleta ni Ching na puno ng mga damit at pinamili niyang pasalubong sa mga kamag-anak at kaibigan.

Pumunta si Ching sa simbahan para humingi ng tulong sa Panginoon na makita ang kanyang maleta. Nang nandoon siya sa simbahan, nakatabi niya ang isang ale na halos mangiyak-ngiyak na sa kanyang pagdadasal. Sabi ni Ching, siguro ang laki ng problema ng aleng ito.

Marine faces court martial over distribution of Erap biopic

There is now a new crime in the Philippines: distributing DVD copies of movies Gloria Arroyo does not like.

Following is the report of Malaya’s Victor Reyes on the trial by court martial of first Lt. Artemio Raymundo for,believe it or not, sharing with fellow marines DVD copies of former President Joseph Estrada’s biographical movie.

And we are supposed to be a democracy!

THE staff judge advocate of the Marine Corps has recommended the trial by court martial of a junior officer for distributing copies of the former President Estrada’s biopic in videodisc.

Ang Christmas wish ni Val Querubin

Sa kakatutok ko sa isyu ng Cha-Cha at Con-Ass hindi ko napansin na magpa-Pasko na pala at hindi pa ko nakahanda ng aking mga pang-regalo.

Noong nanood nga kami ng concert ni Otoniel Gonzaga at Dulce sa Philamlife noong Dec. 9, doon ko na-realize na nagsimula na pala ang Christmas season dahil marami sa kanilang kinanta ay Christmas songs.

Ang aking pamangkin ay dumadalo sa simbang gabi kaya kapag almusal nakikita kong may sapin-sapin at kutsenta. Sabi ko sa kanya bumili ng puto bumbong at bibingka ngunit ang haba raw ng pila sa ganoong kakanin.

Huwag umasa sa simbahan

Habang sinusulat ko ito, mga alas tres ng hapon,may mga nagra-rally sa Makati sa harap ng Ninoy Aquino monument sa panulukan ng Ayala Avenue at Paseo de Roxas.

Sabi ng Malaya reporter, mga 5,000 raw ang mga tao. Nandoon sina Bishop Yniquez at Makati Rep. Butz Aquino. Nakita ko sa TV na maraming nawawagayway na bandila. Karamihan ay pula.

Sa rally sa Luneta noong Linggo, medyo napag-usapan na ito ng mga naii-inis sa nangyari doon na hindi man lamang sila makawagayway ng kanilang bandila o magdala ng streamers na magpapahiwatig ng kanilang saloobin laban sa administrasyong Arroyo.

Ngtatalunan na sa palubog na barko ni Gloria

Magkita-kita tayo mamaya sa rally sa Luneta.

Itong rally sa Luneta, maliban sa sabay-sabay nating pagdarasal sa tunay na kapayapaan at pasalamat sa naunsyaming pagyurak sa Saligang Batas nina Gloria Arroyo, Joe de Venecia at ang kanilang mga kasamahan, ay pagpapakita na gising na ang sambayanang Pilipino.

Marami ang nagtatanong, kung ano ang mangyayari pagkatapos ng rally. Sa akin kung tuloy-tuloy ito at mauwi sa political rally katulad ng “People Power” noong February 1986 at January 2001, okay lang. Kung hindi naman, hindi ibig sabihin noon ligtas na si Gloria Arroyo.

Balimbingan na

Sa “Strictly Politics” ni Pia Hontiveros sa ANC noong Martes ng gabi, sinabi ni Ronald Llamas, secretary general ng Akbayan na may natanggap silan “feelers” mula sa ilang kapi kay Gloria Arroyo na gusto nilang sumali sa rally sa linggo na inu-organize ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.

Sinabi rin ni Ronald na may nagsabi rin na gusto raw sumali ni Gloria Arroyo.

Tinanong ni Pia si Ramon “Boy Blue” del Rosario, Jr. , chairman ng Makati Business Club, na nagsabing pupunta rin sila sa Luneta rally, kung gusto nila makasama doon si GMA, sabi ni Boy Blue, “I don’t think it’s prudent” (Hindi siguro maganda at ligtas).

Nabaon sa sariling hukay

Nakakatawa panoorin itong zarzuela nina Gloria Arroyo at JDV .

Dapat kahapon nag-miting ang mga majority congressman at sinabi ni House Assistant Majority Leader Abraham “Baham” Mitra na sasabihin daw nila kay House Speaker Jose de Venecia na hindi pwedeng isulong ang Charter Change na wala ang Senado.

Bakit ngayon lang naiisip yan ni Mitra? Bakit hindi niya naiisip yan ng dalawang gabing magdamagan pinaglaban ng mga iilang minority congressman ang Constitution?