Skip to content

Category: Web Links

May paki-alam ang taumbayan

Dapat pasalamatan ni Alan Peter Cayetano si Mike Arroyo.

Dahil sa pambabastos ni Arroyo kay Alan, lalong lumalakas ang kanyang kandidatura sa pagka-senador. Sa galit ng mga tao sa kayabangan ni Arroyo kasama ang kanyang anak at kapatid, pati na rin ang kaniyang abogado, marami ang boboto kay Alan. .

Sa hearing ng House Ethics Committee, tinanong ni Alan si Mike Arroyo kung totoo na siya ay classified na Triple A client ng Morgan Stanley, isang investment firm. Kapag Triple Aclient ka, ibig sabihin noon malaki , siguro hindi lang milyon kun di bilyon ang iyong pinahawakan na pera sa kanila para i-invest sa iba’t ibang mapagkaperahan.

Ang sagot ng mayabang na asawa ni Gloria Arroyo, “It’s none of your business.” (Wala kang paki-alam.)

Habang maaga, magka-alaman na

Hindi ako magugulat kung sa kahuli-hulihan, si Ralph Recto ay sasama sa administration tiket.

Di ba sabi niya “neutral” siya? Kaya ang pag-usapan lang ay kung ano ang magandanag package para sa kanya. Nayari na nila si Armand Sanchez, ang gubernador na kanila rin. Ang balita ay inaayos rin ang kanyang kapatid na si Ricky para congressman.

Wala namang naniniwala na kaya tinanggal si Sanchez ay dahil sa bali-balitang jueteng lord. Alam naman nila ang kanyang balita kay Sanchez bago nila ginawang kandidato noong 2004 na eleksyon.

Dirty tricks laban kay Alan Cayetano

May kasabihan tayo na wala namang magtitiyaga magpukol na bato sa isang puno na hindi hitik ng bunga.

‘Yan ngayon ang nangyayari kay Rep. Alan Peter Cayetano ng Taguig-Pateros na kasama sa senatorial tiket ng United Opposition.

Itong mga nakaraang linggo, dalawang mga pekeng isyu ang ibinalibag kay Alan. Isa ay ang kanyang pagsolicit raw ng kontribusyon . Noong isang araw naman, may napadala ng pekeng fax message sa mga diyaryo na nagwi-withdraw na raw niya ang kanyang kandidatura sa pagka-senador dahil dadayain lang naman daw siya.

Dream senatorial tiket ni GMA

Kailangan ng administrasyon manalo ang anim nilang kandidato para senador para magkakaroon na sila ng siyam na haharang kung sakaling makarating ang impeachment sa Senado.

Nandoon na kasi si Lito Lapid, Bong Revilla at Miriam Santiago na maaasahan ni Arroyo na magpu-protekta sa kanya.

May anim na raw na mukhang sigurado sa tiket ng administrasyon. Sila ay sina Mike Defensor, Prospero Pichay, Chavit Singson, Edu Manzano, Miguel Zubiri at Gina de Venecia.

Kung sabagay itong si Gina, mas mabuti namang di hamak kaysa kanyang asawang si Joe de Venecia. Si Gina ay grasyosa, mabait at talagang matulungin. Ang problema niya ang image ng pagka-trapo na pinairal ng asawa niya at nakakabit ang tiket niya sa mabahong pangalan ni Gloria Arroyo.

Family affair sa senado

Nagpahayag si dating Senador Francisco Tatad ng kanyang hindi pagsang-ayon sa kandidatura nina JV Ejercito, Koko Pimentel, at Alan Peter Cayetano sa pagka-senador.

Sabi ni Tatad, kung mananalo ang tatlo, na mukha namang malaki ang tsansa, parang family affair na ang Senado. Magkakaroon na ng mag-ama (Sen. Aquilino “Nene” Pimentel at Aquilino “Koko” Pimentel), magkapatid (Pia at Alan Cayetano) at magkapatid sa ama (Jinggoy at JV).

Sabi pa niya, 24 lang naman ang miyembro ng senado tapos ganyan ang sitwasyon, hindi nakakatulong sa maayos na talakayan at labag sa prisipyo ng good governance o pamamalakad ng pamahalaan na ang kapangyarihan ay dapat nakakalat sa mga Pilipino na manggaling sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Takbo, Chavit, takbo para senador

Nasa balita kahapon na gusto raw ni Chavit Singson, gubernador ng Ilocos Sur, na tumakbong senador.

Sabi ni Singson, pini-presenta niya ang kanyang sarili sa administrasyon ngunit kung puno na ang tiket, balik na lang siya sa Ilocos Sur. Pwede pa naman siya magpa-reelect para gubernador.

Sige, Chavit, takbo para senador. At nang makita mo kung gaano ang pagkamuhi sa iyo ng taumbayan.

Trillanes para senador

Bakit kaya hindi nasasama si Navy Ltsg Antonio Trillanes sa ginagawa ng oposisyon na senatorial tiket?

Malaki ang sakripisyo na napuhunan ni Trillanes, lider ng Magdalo na umalsa laban sa kurakutan sa military noong 2003. Oakwood mutiny ang tawag sa pangyayring yun.

Ang mga ibinunyag nina Trillanes na kurakutan sa military ay napatunayan sa maraing expose na lumabas katulad ng kaso ni Gen. Calos Garcia.

Namamangka sa dalawang ilog

Mula ngayon hanggang Feb. 12, deadline ng pag-file ng certificate of candidacy sa mga kandidato parasa sa national positions, marami pang pagbabago ang mangyayari sa mga listahan ng administrasyon at oposisyon.

Katulad na lamang ng grupo nina Senate President Manny Villar na nasa listahan ng parehong administrasyon at oposisyon.

Ang grupo ni Villar ay kinabibilangan ng kapwa niyang re-electionist na mga senador na sina Kiko Pangilinan, Ralph Recto, Joker Arroyo at ang dalawang batang congressman na sina Alan Peter Cayetano at Gilbert Remulla.

Magbabaha ang pera

Gusto ko yata ang binubuo na senatorial line-up ng administrasyong Arroyo.

Ang mga nabanggit na mga pangalan ay sina Mike Defensor, Robert Ace Barbers, Juan Miguel Zubiri, Prospero Pichay, Prospero Nograles, Ace Durano, Angelo Reyes, Rolando Andaya, Margarito Teves, Francisco Duque.

Gusto ko ang line-up ng administrasyon dahil mukhang magpipyesta ang mga botante sa Mayo. Sa lahat na survey, Social Weather Station at Pulse Asia, si Mike Defensor lamang ang lumulutang. Kahit pa ganun, hindi pa rin siya pasok sa magic 12 , katulad nina Alan Peter Cayetano at Chiz Escudero.

Si Gloria Arroyo na ang isyu

Ang isyu na ngayon ay hindi lamang rape ng Amerikanong si Lance Corporal Daniel Smith sa 23-taong gulang na Pilipina na alam sa media sa pangalang “Nicole”.

Ito ay nagiging isyu na ng paggalang sa batas at pagpahalaga ng “sovereignty” o kataas-taasang kapangyarihan ng Pilipinas sa sarili niyang teritoryo.
Ito ay isyu na ng integridad.

Ito ay isyu ng obligasyon ng isang lider ng Pilipinas na pangalagaan ang kapakanan ng bawat Pilipino.