Skip to content

Category: Web Links

Astang siga si Mike Arroyo

Newsbreak has a more detailed account of this morning’s hearing complete with background of the case. Click here.

Isinalang si Mike Arroyo kahapon sa witness stand sa kasong libel na kanyang isinampa laban kay Jake Macasaet, publisher ng Malaya at business editor Rosario Galang.

“Ang yabang ng dating,” sabi ng isang reporter na nandun sa hearing. Tatlo at kalahating oras sa witness stand si Arroyo.

Nagsisimula pa lang ang hearing, mainit na ang ulo ni Arroyo at may pagka-siga ang sagot sa mga tanong ng abogado ni Macasaet na si Atty. Paul Arias. Nakipagdebate sa abogado kaya sinabi sa kanya ni Arias, “Sagutin mo ang aking tanong. Hindi ka dapat nakiki-pagdebate sa counsel.”

Lalong nabubuhay kapag habang pilit pinapatay

Nagsampa na naman ng panibagong kaso si Mike Arroyo sa Inquirer.

Ito ay kaugnay sa artikulong “Mike A didn’t go to Marawi? Tell that to the Marines” na sinulat ni Fe Zamora noong March 2, 2006.

Kaya pang-46th na si Fe Zamora sa listahan ng mga journalists na sinampahan ni Arroyo ng kasong libel. Ang ibang mga kasama niya ay dati ng nasampahan ni Arroyo ng libel suit tungkol naman sa sinulat ni Ramon Tulfo tungkol sa smuggling ng isang babae na malapit raw sa nakatira sa Malacañang.

Pagnanakaw sa taumbayan

Sa interview ni Cesar Montano kay Nini Valera sinabi niya na Malacañang ang aako ng lahat na gastos niya sa kampanya. Sinabi rin ni Montano na marami rin raw na kaibigan ang magaabuloy sa kanyang kumpanya.

Ang ibig sabihin lang nito ay wala siyang sariling gagastusin. Manalo man o matalo, wala siyang lugi.

Kaya ang sinabi nilang P30 milyon na mga TV roles at commercials na mawawala kay Montano ay mababawi niya sa ibibigay ng Malacañang. Kung wise siya, kikita pa siya.

Patugtugin ang “Hello Garci”

Maganda ang ideya ng GO (Genuine Opposition) na ipatugtugin nila ang “Hello Garci” sa kanilang mga kampanya.

Mabuti yun para maala-ala ng taumbayan ang krimen ni Gloria Arroyo na pinipilit niyang ibaon. Kung ang ordinaryong pickpocket, pinaparusahan, bakit si Glroia Arroyo patuloy na nage-enjoy sa kanyang nakaw na kapangyarihan?

Sa mga probinsya na hindi pa masyado narinig at naintindihan ng mga tao ang “Hello Garci”, itong eleksyon ay magiging seminar tungkol sa krimen na ginawa ni Gloria Arroyo sa taumbayan.

Arroyo nga talaga

Ito naman si Joker Arroyo. Talaga namang kampi kay Gloria at kay Mike Arroyo noon pa. At gusto lang naman kumandidato na wala siyang gastos, kung ano-ano pa ang sinasabi.

Sinabi ni Arroyo sa interview sa ANC na kaya raw ayaw siya sumama sa ticket ng oposisyon dahil kasama raw si Sonny Trillanes na nagtangkang patalsikin si Gloria Arroyo noong July 2003.

Ito yung Oakwood mutiny. Dahil doon nakakulong si Trillanes hanggang ngayon.

Lamang sa kalidad ang tiket ng oposisyon

Walang-wala ang tiket ni Gloria Arroyo sa kalidad ng nasa oposisyon na ngayon ay tinatawag na Grand Coalition.

Kahit na may ilan na hindi ko gusto (ganyan lang talaga ang buhay, hindi perpekto), sa kabuuan makikita natin na talagang maingat na pinag-isipan ng mga lider ng oposisyon na sina dating Pangulong Estrada, Makati Mayor Jojo Binay, dating Senate President Ernesto Maceda, Malaya columnist Lito Banayo, Rufus Rodriguez at iba ang tiket.

Bayan o bayad

Masarap pala ang kumandidato sa tiket ni Gloria Arroyo.

Sinasabi ng isang kasama sa Wednesday group na inaalok raw sila ng libreng eroplano at helicopter na gagamitin sa kampanya. May panggastos pa na milyun-milyon.

Kaya sana umu-o na si Ralph Recto at si Joker Arroyo sa tiket ng administrasyon at ng makapasok na si Sonny Trillanes sa United Opposition.

Pinay maids ayaw mag-Supermaid

Nagwawala ang mga Pinay maids sa Hongkong, Singapore, Malaysia, at Taiwan dahil sa bagong requirement na nilabas ng POEA (Philippine Overseas Employment Administration) para maka-trabaho sa labas ng bansa bilang katulong.

Ang bagong requirements ay 1) bawal ang placement fees na pinapabayaran sa mga maid; pinapa sa ibang lugar; 2) mas mataas na simula ng sweldo. Magiging $400 na sa halip na $200; 3)mas mataas ang edad. Dapat 25 taong gulang. Dati pwede na ang 21 taong gulang; 4) dapat nakapag-training sa TESDA (Technical Education and Skills Development Authority.

Ang mga napabalitang nagpu-protesta ay ang sa Southeast Asian countries. Ngunit apektado lahat na Pinay maids kasama na ang nasa Middle East dahil sa lahat naman na sulok na mundo ngayon mayroong Filipina na maid.