Skip to content

Category: Web Links

Ang Kapatiran

Sa panahon ngayon na para ka magiging senador ay kailangan kang gumastos ng P250 milyon (pinakamababa) hanggang P500 milyon para manalo, mayroon din namang mga kandidato na hindi sumusunod sa ganitong malaking kahibangan.

Dapat naman talaga ganun. Kasi naman common sense lang, bakit ka naman gagastos ng ganyan kalaking pera sa kampanya lang para magiging senador na ang sueldo lang ay P40,000 a month lang yata.

Ang malaking gastos sa kampanya ay siyang ugat ng talamak na kurakutan sa pamahalaan. Kasi naman, saan ba naman babawiin ng mga kandidato na yan an ang kanilang gastos, di sa kaban ng bayan?

Nasa ibang mundo

Mukhang wala na sa sarili itong mag-asawang Gloria at Mike Arroyo.
Pagkatapos lumabas ang survey ng Social Weather Station na mas dumarami ang mga pamilyang Pilipino na nagugutom (isa sa bawa’t limang pamilya), sinisi ni Gloria Arroyo ang mga mahihirap dahil sa kanilang pagkagutom.

Hindi naman raw talaga sila mahirap dahil di ba pinipilit niya na gumanda na ang buhay sa Pilipinas dahil sa galing niyang ekonomista? Kung nagugutom man raw sila, dahilan yun sa ginagastos nila ang kanilang pera sa cellphone load at sa sigarilyo.

Talagang hiwalay na itong si Gloria sa realidad. Hindi niya alam kung gaano kasadlak sa kahirapan ang maraming Pilipino. Hindi niya alam dahil ayaw nilang alamin. Dahil kapag inalam niya, sampal sa mukha niya ang tunay na kalagayan ng maraming Pilipino.

Mga baka ni Gloria

Ipinagyayabang ng mga miyembro ng Team GMA na organisado raw sila at pinagtatawanan nila ang Genuine Opposition na magulo raw ang schedule ng mga rally.

Nabalita kasi na sa mga inaayos na rally ng GO, minsan hindi sabay-sabay dumarating ang mga kandidato at minsan nga hindi sumisipot ang ilan.

Maganda ang paliwanag ni GO candidate John Osmeña: “Paano sila hindi sabay-sabay ay para silang herded cows. Mga baka. Hindi aso or pusa. Baka.”

Tumatandang paurong

Tumatandang paurong itong si AFP Chief Hermogenes Esperon.

Sinabi niya sa kanyang talumpati sa Manila Overseas Press Club noong Huwebes na kinakailangan ibalik ang Anti-subsersion law na ipinawalang bisa noong 1992.

Ipinakikita ni Esperon kung gaano kakitid ang kanyang pag-iisip. Utak-pulbura talaga.

Lalong tumitibay ang akusasyon na ang military sa ilalim ni Esperon ang may kagagawan ng patayan ng mga miyembro ng progresibong organisasyon at mga journalists na bumabatikos kay Gloria Arroyo.

Ang palaka

Nakakagalit ang ginawa ng administrasyong Arroyo na pagpapatay sa mga sinususpetsahan nilang kalaban nila.

Ganoon din ang pagpakalat ng military sa mga lugar ng mahihirap at sa mga paaralan sa Metro Manila.

Ngunit ang nakakabahala ay ang parang pagsawalang kibo ng karamihan sa atin. Mas nakakabahala pa ang pagtanggap kuno ng ilang residente ng pagkalat ng ma military sa kanilang kapaligiran.

Ang P200 milyong pangako kay Cesar Montano

Update:Malaya’s report on Montano’s problem.

Ang tunay na dahilan kung bakit medyo nanlalamig si Cesar Montano sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa ilalim ng team GMA ay hindi pala nabibigay ang P200 milyon na ipinangako ng Malacañang sa kanya hanggang ngayon.

Ito ay nanggaling sa isang malapit na tao kay Montano.

Itong mga nakaraang araw, napabalita na hindi sumisipot si Montano sa mga rally ng Team GMA at umu-ugong na baka mag-withdraw siya. Siyempre ang press relase ni Gabby Claudio, ang political operator ni Glori Arroyo, ay nag-aadjust pa raw si Montano sa kultura ng pulitika.

“Pilipino” ni Capt. Faeldon

Kahanga-hanga itong si Capt. Nick Faeldon.

Kahit siya ay nakakulong, hindi nababawasan ang kanyang paniniwala sa sambayanang Pilipino at patuloy na umaasa na magising sa ating matagal ng pagkahimbing.

Isa si Faeldon sa mga sundalong Magdalo na sangkot sa tinatawag natin ngayon na Oakwood mutiny noong 2003 kung saan binulgar nila ang kurakutan at kapabayaan ng mga matataas na opisyal ng military.

Pikon sa katotohanan

Bakit kaya galit ang kampo ni Mike Arroyo sa political ad ni Alan Cayetano, kandidato para senador ng Genuine Opposition, na pinapakita ang kanyang ginawa noong hearing sa kongreso sa kasong kanyang isinampa laban kay Alan?

Hindi naman niretoke ang kanyang mukha at kanyang sinabi. Talagang makatotohanan.

Ang galing nitong ad ni Alan. Pinapakita ang video clip ni Arroyo na buong yabang na nagsabi, “It’s none of your business” (Wala kang paki-alam).

Debate ng mga kandidato para senador

Naghamon ang Malacañanang ng debate tungkol sa ekonomiya nang magpalabas ang Genuine Opposition ng isang advertisement sa mga diyaryo ng tunay na kalagayan ng ekonomiya.

“Call,” sabi ng GO. Ngunit ang pag-usapan ay hindi lang ekonomiya. Lahat na isyu.

Oo nga naman. Lahat ay magka-kabitkabit. Ang nangyayari sa pulitika ay may epekto sa ekonomiya. Ang pandaraya ni Gloria Arroyo sa eleksyon ay dahilan ng sinasabi niyang “instability” sa bansa. Kaya maraming pinapatay na mga aktibista at manunulat dahil maraming tinatago si Arroyo. Kapag walang tiwala ang mamamayan sa hustisya at batas, nakakaroon ng kaguluhan. Kapag may kaguluhan, bagsak ang ekonomiya.

Ang naninindigan

Kapag nagku-cover ako ng hearings ng mga opisyal na nasangkot sa naudlot na withdrawal of support kay Gloria Arroyo noong Pebrero 2006, lalong tumitibay ang aking paniniwala sa Pilipino.

Meron pang Pilipino na naninindigan at handang magtiis at magsakripisyo para sa kanilang panindigan. Nandiyan ang 28 na mga opisyal na nakakulong dahil sa naudlot na withdrawal of support sa pekeng presidente noong isang taon at ang 68 na mga sundalong Magdalo nagbulgar ng kurakutan at mga kabalbalan sa Armed Forces.

Sa 28 na opisyal na sangkot sa Feb. 2006 na aktibidad, dalawa sa kanilang ang nabigyan ng Medal of Valor, ang pinakamataas na medalya na binbigay sa isang sundalo dahil sa pinakitang katapangan sa pagdepensa ng siguridad ng bayan. Sila ay sina Col. Ariel Querubin at Lt. Col. Custodio Parcon.