Sa mga nangyayari ngayon sa bansa na garapalan na ang kurakutan at kasinungalingan, marami ang nagtatanong, may natitira pa bang matino?
Maganda ang ganoong tanong kasi ibig sabihin nun, hindi ka kasama sa mga sinungaling at magnanakaw. Ibig sabihin nun umiiral pa ang itinuro sa ‘yo ng inyong mga magulang na mamuhay ng maayos, huwag manloko at hindi nakakasakit ar perwisyo sa kapwa tao.
Sa nakikita natin na kapal ng mukha ng mga magnanakaw, palagi natin naitatanong sa ating sarili, may magagawa ba tayo? Pumunta kayo sa http://www.samahangmagdalo.org/site.
Alam natin na ang Magdalo ay unang lumabas nang nanindigan ang mga 300 na sundalo, karamihan mga batang opisyal, laban sa panloloko ni Gloria Arroyo sa mamamayang Pilipino noong July 27, 2003. Pumunta sila sa dating Oakwood Hotel sa Glorietta, Makati at doon nila ipinahayag ang kanilang pag-withdraw ng suporta sa pamahalaan ni Arroyo.