Skip to content

Category: Web Links

Pinaka-grabeng campus masaker sa Amerika

Grabe itong nangyari sa Blacksburg, Virginia noong Martes kung saan nag-amok ang isang Koreano estudyante. Nakapatay siya ng 32 na tao bago niya binaril ang kanyang sarili. Labing siyam ang sugatan at malubha sa pinakamadugong masaker na nangyari sa eskwelahan.

Nangyari ito sa Virginia Polytechnic Institute at State University noong Martes.Nakilala ang kriminal sa pangalang Cho Seung-Hui, isang Koreano na nag-immigrate
sa Amerika noong 1992. English major siya.

Nagdadalamhati ngayon ang Amerika sa nangyari. Maraming mga lider ng ibang bansa, kasama si Pope Benedict XVI ang nagpa-abot ng kanilang condolence sa pamilya at sa bansang Amerika.

Ang kalbaryo ni Ruben Dionisio

Naala-ala nyo si Ruben Dionisio, ang isa sa limang supporters ni dating Pangulong Estrada na kini$nap ng mga intelligence agent ng military (ISAFP) at tinurture noong isang taon?

Hinuli na naman si Dionisio noong Sabado sa kasong rebellion daw. Mga ahente naman ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police ang dumapot sa kanya noong Sabado.

Nakakulong siya ngayon sa Camp Karingal sa Quezon City. Hindi maa-aring magpiyansa sa rebellion. Kaya mukhang plano ng pamahalaan pabulukin si Dionisio sa kulungan.

Anomalya sa DepEd computers

Mabuti lang nabulgar ng Inquirer ang bagong anomalya sa Department of Education tungkol sa overpriced computers. Kung hindi may gagamitin na naman sana ang mga kandidato ni Gloria Arroyo sa Bicol, kasama na ang kanyang anak na si Dato, sa pamimili ng boto sa eleksyon.

Panibagong version ng fertilizer scam sana ang nangyari.

Ito ay isa na namang ehemplo kung paano ginagamit ng mga walang pusong pulitiko ang kalamidad para sa kanilang pansariling interest.

Nanindigan ang magkambal na Langkit

May puso at konsyensa ba itong si Gen. Hermogenes Esperon, AFP chief of staff?

Lumabas na ngayon ang gusto niyang mangyari sa kanyang pag-bartolina kay Capt. Dante Langkit ng sampung buwan. At ito ay para mapilitan ang batang opisyal na mag-traidor sa kanyang mga kasamahan, lalo na kay Brig. Gen. Danilo Lim.

Sinabi noong Martes ni Danzel Langkit, kambal ni Capt. Langkit, pinasabi ni Esperon na papayagan si Dante makalaya para magkandidato kung mag-state witness siya. Ibig sabihin, idiin ni Dante ang kanyang mga kapwa akusadong opisyal sa kanilang bintang na mutinyo pag-alsa laban kay Gloria Arroyo.

Hustisya para sa marangal

Nitong mga nakaraang Semana Santa, pinalabas ni Benigno “Noynoy” Aquino III, ang sulat sa kanya ng kanyang tatay na si Ninoy mula sa kulungan sa Fort Bonifacio.

Ang petsa ay August 25, 1973. Umiiral noon ang Martial Law. Inakusahan ni Marcos si Ninoy ng possession of illegal firearms at paglabag ng anti-subversion law na kamatayan ang parusa.

Nagdesisyon si Ninoy na hindi lumahok sa hearing na alam niya ang moro-moro lamang dahil kung ano ang gusto ni Marcos, yun ang mangyayari. Sabi niya sa sulat kay Noynoy, “Ito ay aking protesta sa kawalang hustisya na pinapairal ngayon. Maliit man itong aking aksyon, ito ang pinakahuli kung paglaban sa paniniil at diktatorya.”

Makinarya ng dayaan

Ipinagyayabang ni Gloria Arroyo at ng kanyang political adviser na si Gabriel Claudio na mananalo raw ang kanilang mga kandidato kasama na doon ang mga kandidato sa pagka-senador kahit na kulelat ang karamihan sa kanila sa surveys dahil raw sa kanilang makinarya.

Sabi pa ni Arroyo, naamoy na raw niya ang kanilang panalo.

Bakit handa na ba ang operasyon ni Comelec Chairman Benjamin Abalos para gawin ang ginawa ni Virgilio Garcillano noong 2004?

Supalpal

Supalpal ang military ni Gloria Arroyo sa pagpalaya ng Supreme Court kay Bayan Muna partylist Representative Satur Ocampo noong Martes.

Nagre-reklamo tuloy si Justice Secretary Raul Gonzalez na may special treatment raw si Satur.

Hindi kaya isipin ni Gonzales na ang ginawa ng Supreme Court ay pagwawasto lang ng malaking kasalanan na ginawa nila kay Ocampo at iyon ay ang pagtapak ng walang pakundangan ng kanyang karapatang pantao.

Semana Santa

Ang Semana Santa ay mahalagang linggo para sa mga kristiyano dahil yan ang panahon na ginugunita natin ang sakripisyo ni HesuKristo para sa sanlibutan.

Nagsimula ang Semana Santa noong Linggo, Palm Sunday, kung saan ginunita natin ang pagpasok ni Hesu Kristo sa Jerusalem at ito ay matatapost sa Easter Sunday o Linggo ng Pagkabuhay.

Walang pasok ang araw ng Huwebes at Biyernes (April 5 at 6). Dahil tumama ang Araw ng Kagitingan sa April 9, Lunes, dire-diretso na rin ang holidays hanggang April 9. Marami sa mga ustong magbakasyon ay ngayon pa lamang umaalis at babalik sa Lunes. Maganda mag-plano ng bakasyon dahil mahaba, sulit ang gastos.

Nasira ang pagpa-papel ni Singson

Naisahan ba tayo ni Jun Ducat at Chavit Singson?

Tinatanong ko ito kasi ng mapakinggan ko si Ducat sa radyo noong Miyerkoles, nakisimpatiya naman ako sa kanyang crusada laban sa corruption at sa kinabukasan ng kanyang mga pinapa-aral na mga bata kahit na hindi ako sang-ayon sa kanyang paraan upang maparating sa publiko at sa kinauukulang ang kanyang mga isyu.

Ngunit ng gabi na yun, medyo nagtataka na ako bakit nandoon si Chavit Singson, ang kandidato ng Team GMA. Lumalaban ka sa corruption, tapos magkasama kayo ni Singson.

Halata ang kamay ni Mike Arroyo

Napanood nyo ba noong Martes ng gabi ang Strictly Politics?

Nagwalk-out si Oliver Lozano, handler ni Joselito Cayetano, ang kandidato para senador para pampasira kay Alan Cayetano.

Ang guest ni Pia Hontiveros ay sina Alan Cayetano at Oliver Lozano at ang topic ay ang desisyon ng first division ng Comelec na i-deklara si Joselito na “nuisance candidate” o pampagulo lang.