Skip to content

Category: Web Links

Bumoto at magbantay

Bukas, maaga pa, pupunta na tayo sa presinto at magboto. Mabuti na yung maaga para kung may kunting confusion man, may panahon para gumawa ng solusyon.

Sabi ni Ping Lacson kahapon sa miting de avance noong Biyernes ng gabi sa Folk Arts Theatre (ang saya doon!), pagkatapos kayo makaboto, magpahinga. Manood kayo ng sine kung gusto nyo. Sa gabi, oras ng bilangan, bumalik sa presinto at magbantay.

Tutok tayo sa canvassing. Protektahan natin ang ating boto.

Mukhang nininerbyos itong mga “Hello Garci” generals ni Arroyo sa paglakas ng kandidatura ni Antonio Trillanes IV.

Desperado

Napaka-garapal ang nangyari sa Makati noong Biyernes. Marami tuloy ang nagtatanong kung sino ang conductor o nagkukumpas.

Noong Biyernes ng mga 8 ng gabi, dumating si Local Government Secretary Marius Corpuz sa Makati City Hall at nagdeliver ng 90-day suspension order kay Binay. Order daw Ni Ombudsman Merceditas Gutierrez, ang kaklase ni Mike Arroyo.

Ito pa rin ang kaso ng sinasabi nilang ghost employees daw ni Binay. Maala-ala natin na ito ang ginamit nila noong Oktubre para alisin si Binay sa Makati ngunit hindi umubra dahil nag-people power ang mga tao sa Makati. Nang malaman nilang hindi aatras si Binay at mukhang lalaki pa ang rally, umatras sila.

Duguan na ang kamay ni Arroyo

Makunsyensa dapat si Gloria Arroyo at ang kanyang mga utak pulbura na mga galamay na sina AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon at Gen (ret.). Jovito Palparan sa nangyari sa Bocaue Bulacan noong isang araw kung saan namatay ang isang sundalo.
Magkakaiba ang bersyon ng nangyari,depende kung sino ang pakinggan mo ngunit ang klaro may napatay na sundalo. Si Cpl. Leonardo Pataray, 34 taong gulang.

Si Pataray ay kasama sa grupo na nagdidikit daw ng posters ng Bantay party list ni Palparan. Nakasagupa nila ang grupo dating Bocaue Mayor Eduardo (Jon-jon) Villanueva, Jr., anak ni Bro. Eddie Villanueva ng Jesus is Lord Movement.

Malinis na dayaan

Nasa balita na may mga grupo raw ng mga election observers mula sa iba’ibang bansa ang drating para mag-obserba sa May 14 na halalan.

Sabi ni Leah Navarro, lider ng Compact for Peaceful Elections, dadalhin raw nila ang 17 na observers mula sa Europe, United States at ibang bansa dito sa Asia Pacific sa iba’t-ibang lugar sa bvansa kung saan mukhang mataas ang posibilidad na magkaroon ng dayaan.

Kasama raw sa mga election hotspots ay Caloocan City, Pampanga, Quezon City, Albay, Cmarines, Maguindanao at Cotabato City.

Anak ni Joe Burgos, nawawala

Kahapon, nag-apela si Edith Burgos, ang balo ni Joe Burgos, ang founder ng Malaya, sa mga dumukot ng kanyang anak na si Jonas na kung maari ay pakawalan nila dahil walang masamang ginawa ang kanyang anak.

edith-burgos.jpgSi Jonas Joseph (Jay-jay) Burgos, 36 taong gulang at may-asawa, ay huling nakita ng kanyang pamilya ng umalis sa kanilang bahay sa Tandang Sora Avenue sa Quezon City mga ika-lima ng hapon ng Sabado. Dapat may ka-miting siya.

Labing-apat na oras ang nakalipas bago nila nakontak sa text si Jayjay ngunit ang kanyang sagot ay hindi maintindihan. Nakausap rin siya ng kanyang pamilya sa cellphone ngunit parang siyang inaantok o bangag at hindi maintindihan ang sinasabi.

Nangangamba ang kanyang pamilya na may masamang ginawa ang nagkidnap sa kanya.

Si Jay-jay ay isang agriculturist at aktibo sa Alyansang Magbubukid sa Bulacan, ang provincial chapter ng Samahang Magbubukid ng Pilipinas.

Kailan ang pinal na desisyon kay Cayetano?

Noong isang linggo ibinasura ng Commission on Elections ang disqualification petition ni Pateros Mayor Jose Capco laban kay Alan Cayetano na tumatakbng senador sa ilalim ng partido ng Genuine Opposition.

cayetano.jpgSinabi kasi ni Capco na hindi raw Pilipino si Alan na siyam na taon ng nanunungkulan bilang kongresista ng Taguig-Pateros.

Siyempre sinabi ng Comelec na walang batayan ang reklamo ni Capco. Hindi naman nakakagulat ang ganung deisyon ng Comelec. Ang nakakapagtaka nga ay kung bakit ang tagal-tagal bago sila nagdesisyon.

Pera-pera lang

Palagi pinagyayabang ng mga political operators ni Gloria Arroyo ang kanilang makinarya na siyang magpapanalo raw ng kanilang mga senatorial candidates kahit karamihan sa kanila ay sinusuka ng taumbayan.

Noong isang araw, nag-usap kami ni Sen. Edgardo Angara sa ABS-CBN at pinakita niya ang listahan ng mga probinsiya kung saan walang kandidato ang oposisyon. Marami yun dahil kulang nga sa pera ang oposisyon.

Sabi ni Angara, sigurado sa mga lugar na yun, sweep sila, 12-0 dahil yun ang sasabihin ng mga lokal na opisyal sa mga tao. Yun ang tinatawag na “command” votes.

Bail kay Honasan, dapat ganun din kay Trillanes

Dahil sa pinayagan ng Makati Regional Trial Court si dating Sen. Gregorio Honasan na magpyansa, hinihingi ngayon ng Genuine Opposition na payagan rin si Ltsg Antonio Trillanes IV na magpyansa.

Oo nga naman. Dapat equal.

Sabi nga ni GO spokesman Adel Tamano na walang peligro na tatakas si Trillanes dahil kailangan siya makita ng mga tao. Mangangampanya siya.

Malagim na linggo

Noong Miyerkoles, natagpuang patay si Carmelo Palacios, reporter ng Radyo ng Bayan, sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Si Palacios ay pang labingpitumput- isa (51) na journalist mula nang umupo sa Malacañang si Gloria Arroyo kahit hindi binoto ng taumbayan.

Natagpuan ring patay ang sampung araw nang nawawalang si Julia Campbell, ang Amerikanang Peace Corp volunteer, sa ilalim ng bangin sa Batad, Banaue, Ifugao. Mukhang pinagnakawan at pinagsamantalahan si Campbell, sabi sa mga unang report ng Cordillera pulis.