Skip to content

Category: Web Links

Babala sa mga gusto pang magsalita

Grabe itong nangyari na pagpatay kay Musa Dimasidsing, ang schools district supervisor, na siyang nanguna na magbulgar na wala naman talagang eleksyon na naganap sa Maguindanao kung saan 12-0 ang score sa senatorial elections, pabor sa Team Unity ni Gloria Arroyo.

Noong Sabado ng gabi, kakatapos lang kumain ng hapunan si Dimasidsing at nakatayo siya sa labas ng Madrasah (Islamic School) sa Pikit, North Cotabato ng biglang may narinig na putok. Tapos, nag brown out.

Naghagilap sila ng kani-kanilang flashlight ag laking gulat nila nang makita nila si Dimasidsing na duguang nakabulagta sa lupa. Patay.

Senator Daya

Nagkita kami ni Gabby Claudio, presidential adviser on political affairs ni Gloria Arroyo, sa ABS-CBN noong isang gabi. Sinabi ko sa kanya na mahiya-hiya naman sila na pinipilit nilang bilangin ang boto ng Maguindanao samantalang alam naman nila na “manufactured” yung 12-0 na boto doon.

Sabi ko, nagre-reklamo kayo na sinasabihan kayong mandaraya. Tapos pinagpipilitan nyo bilangin ang mga daya na boto dahil yun lamang ang paraan na makapasok sa Magic 12 ang kandidato nyo na si Migs Zubiri.

Sabi ni Claudio, “Ang problema sa Maguindanao, ay na-proclaim na ang mga lok

Matuto dapat si Pacquiao

Sa laki raw ng perang winidraw ni Manny Pacquiao pagkatapos ng eleksyon, halos naubusan raw ng pera ang tatlong bangko sa General Santos City.

Kamuntik lang daw mag-bank run sa dalawang bangko ng malaman ng ibang depositor na inalis na ni Pacquiao ang pera niya sa mga bangko na yun.

Sa balita na lumabas sa Business Mirror at ABS-CBN online, sinabi na kinuwenta ni Pacquiao ang kanyang ginastos sa election at umambot raw sa P140 milyon.

Nanloloko pa rin

Sa kanyang pagbibida sa Australia ng magandang ekonomiya kuno ng Pilipinas sa kanyang administrasyon, sinabi ni Gloria Arroyo, “ I have three more years to go in my term and we will keep reform going in the remainder of this term.” (May tatlong taon pa ako at ipagpatuloy natin ang reporma sa natirang panahon sa aking termino.)

Ibig sabihin ba noon maniniwala tayong bababa siya sa 2010 kapag natapos na ang kanyang ninakaw na termino?

Ewan sa inyo ngunit ako hindi ako naniniwala. Hindi ko pa rin makalimutan ang kanyang sinabi sa anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal noong Dec. 30,2002 hindi siya tatakbo sa pagka-presidente sa 2004 elections dahil kung tatakbo raw siya magkakaroon ng walang katapusan na hidwaan sa pulitika.

Babala kay Gloria

Matindi itong manifesto na pinirmahan ng 11 na kandidato para senador ng Genuine Opposition.

Sama-sama nilang tinuligsa ang maraming kaso ng dayaan. Pinu-protesta nila ang pagsama ng mga manufactured na mga boto sa Maguindanao kung saan 12-0 ang score pabor sa mga kandidato ng Team Unity.

Nagpasalamat sila sa mga titser at mga election watchdogs katulad ng PPCRV, Namfrel, Lente, Kontra Daya, Bantay Boto at iba pa.

Mandaraya

Narinig ko noong Linggo si Miguel Zubiri, senatorial candiate sa Team Unity na nagre-reklamo bakit raw kung ang TU ang lamang ay sinasabi ng GO nandaya sila samantalang sila raw hindi nagre-reklamo kung lamang ang GO.

Noong Sabado kasi, nagulantang ang lahat nang nakapasok si Zubiri sa Magic 12 sa unang pagkakataon. Si Koko Pimentel ang nawala na napunta sa number 14. Si Ralph Recto ang umakyat sa number 13.

Nangyari yun dahil pumasok ang mga boto galing sa Cebu. Ngunit kahapon, bumalik na si Koko Pimentel sa Magic 12 dahil pumasok na rin ang mga boto galing sa Quezon City.

Kasumpa-sumpa

Kahapon, habang sinusulat ko itong kolumn, pinalabas sa ANC ang rambulang ng mga watchers ng political parties sa Lanao del Sur kung saan may special elections.

Ang special elections ay ginaganap kapag mayroon failure of elections sa isang lugar. Sa Lanao del Sur, maraming tanong sa voters list kaya hindi nagkaroon ng election noong May 14.

Sa ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao) ginagawa itong special elections na raket. Malaking pera ang sangkot dito kaya nagpapatayan ang mga tao. Sinasabi nga ng marami na sinadsadya ang fauilure of elections para magkaroon ng special elections.

Depende sa produkto

Itong nakaraan na eleksyon ay hindi lamang contest ng mga kandidato. Pati na rin ng mga endorser.

Sa nakaraang eleksyon kumita sina Sarah Geronimo, Boy Abunda at ang kanyang mga artista na sina Ai-ai de las Alas, Mariel Rodriquez at Eric Santos.

Ngunit mukha namang sulit ang ibinayad ni Sen. Edgardo Angara kay Sarah dahil yun, pasok siya sa Magic 12.

Binusalan na naman si Trillanes

Marami ngayon ang gustong marinig si Lt(sg) Antonio Trillanes IV, kandidato para senador ng Genuine Opposition, tungkol sa kanyang nakakagulat na pagpasok sa Magic 12 ngunit hindi siya mai-interview ng media dahil sinabi ng military at ng Makati Regional Trial Court na hanggang campaign period lang daw ang permiso na binigay sa kanya para makipag-usap sa media.

Hanggang ngayon hindi pa namumulat ang mata nitong military pati na ang korte na ang freedom of expression o kalayaan ng isang tao magpahiwatig ng kanyang saloobin ay ginagarantiya ng Constitution.

Nasaan na si Joselito?

Joselito Cayetano replies to Alan Cayetano.

Sa Halalan 2007 ng ABS-CBN, hinanap ni Julius Babao si Joselito Cayetano, ang paboritong kandidato ng Comelec, lalo pa ni Chairman Benjamin Abalos.

Sabi ni Julius, “Dapat pumunta rito si Joselito para malaman kung gusto ba niya mag-appeal sa Supreme Court.”

Dapat talaga magpakita si Joselito, isang trabahador sa pier sa Davao, para masiguro naman natin na walang nangyari sa kanyang masama. At para na rin mapanatag ang loob ng nanay niya kasi matagal na siyang hinahanap ng kanyang ina mula ng umalis siya doon sa kanilang bahay sa Davao para maghanap ng trabaho sa Manila.