Skip to content

Category: Web Links

Naghubaran na ng maskara

Ang panalo ng pito (walo kung hindi magtatagumpay ang operasyon ng Comelec laban kay Koko Pimentel) na kandidato ng Genuine Opposition para Senado ay mataginting na protesta laban kay Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon.

Ang gusto ng taumbayan ay ang Senado na naninindigan laban sa pagyurak ni Arroyo ng Saligang batas at mga institusyon ng bayan. Ayaw ng taumbayan na patuloy na paghari-harian ng mga kampon ni Arroyo.

Dahil may pito o walong bagong oposisyon sa Senado, akala natin maitutulak na ng mataas na kapulungan ang mga imbestigasyion tungkol sa pang-aabuso ni Arroyo at ng kanyang pamilya na hinarang o inupuuan noon ng kanyang mga alagad katulad ni Joker Arroyo.

Daya na Zubiri

Mukhang katawa-tawa itong si Juan Miguel Zubiri na ang tawag ngayon ay Daya na Zubiri.

Sabi ni Daya na Zubiri, gusto raw niya tulungan si Sen. Antonio Trillanes ng “parliamentary conduct.”. May sinasabi pa siyang “rules of engagement.”

Nagalit si Zubiri dahil sinabi ni Trillanes na nakinabang siya sa dayaan. “I believe Congressman Zubiri knows deep in his heart that he benefited from cheating. If he is decent enough, he wouldn’t accept it because that is not something you want your kids to emulate,” sabi niya sa panayam pagkatapos siya nanumpa sa harap ni Barangay captain Ruben Gatchalian sa Cloocan noong Biyernes.

Responsibilidad ni Gloria Arroyo

Ermita: Arroyo not liable for killings

Maganda itong sinabi ni Judge Silvino Pampilo Jr na pwedeng gamitin ang doktrina ng command responsibility sa mga extra-judicial killings na nangyayari dito sa bansa.

Sa prinsipyo ng command responsibility, responsibilidad ng nakakataas na opisyal ang ano mang palpak o kasalanan na gianwa ng kanyang mga nakakababang tauhan.

Paliwanag ni Judge Pampilo ng Manila Regional Trial Court (siya ang judge sa libel case naming na isinampa ni Mike Arroyo) sa criminal law, ang isang commander ay hindi maa-aring idawit sa isang krimen na ginawa ng kanyang tauhan kung hindi naman talaga siya kasamang mastermind o kasabwat.

Walang dapat ipatawad sa akin si Mike Arroyo

Noong isang araw, nagsumite si Mike Arroyo sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Ruy Rondain, sa korte ni Manila Judge Silvino Pampilo, Jr. na hindi na raw niya itutuloy ang kaso na libel laban sa amin nina dating Senador Francisco Tatad, Malaya Publisher Jake Macasaet at anim pang mga editor at reporter ng Malaya.

Ito ang sabi ni Mike Arroyo: “I have, of late, suffered a life-threatening condition. With the prayers and support of my family and friends, I have miraculously survived.

“Because I have been given a second lease on life, I have decided to forgive everyone who has caused me pain. Because of this I am no longer interested in pursuing the case.”
(Kailan lamang, ako ay nagkasakit at kamuntik mamatay. Sa panalangin at tulong ng aking pamilya at kaibigan, ako ay milagro na nabuhay.

Iproklama na si Koko Pimentel

Itong sina Benjamin Abalos, kasama ng lahat na commissioners ng Comelec at pilit pinapahirapan ang sarili, pati na rin ang taumbayan.

Ang pinakahuli nilang pakulo ay pupunta raw sila sa Maguindanao para hanapin ang nawawalang municipal certificates of canvass.Kalokohan. Katangahan.

Ang boto kasi sa Maguindanao ang magpapasiya kung sino ang magiging pang number 12 na nanalo sa pagka-senador na pinagaagawan ngayon nina Koko Pimentel ng Genuine Opposition at Migs Zubiri ng Team Unity.

Halatang panic sina Esperon

Pinipilit kong intindihin si AFP Chief Hermogenes Esperon sa kanyang pikon na pananaw sa pagkapanalo ni Lt(sg) Antonio Trillanes IV sa pagka-senador.

Napanood ko sa TV noong Biyernes ng gabin ang reaksyon niya sa pinakahihintay ng bayan na proklamasyon ni Trillanes bilang senador. Hindi maitago ni Esperon ang kanyang inis.

Sa halip na makinig sa boses ng 11 milyon na Pilipino na bumoto kay Trillanes, ang mga balakid pa rin ang kanyang pinagsasabi ni Esperon. Porke’t sinasabi raw ng Articles of War ito at ito.