Skip to content

Category: Web Links

Lastikong court martial

Scenes from last Friday’s hearing in Tanay

frank-chavez.jpg more-lawyers.jpg trixie-plus2.jpg

miranda-and-de-leon.jpg caringal-and-banez.jpg parcon.jpg

segumalian-with-fortun.jpg querubin-and-caballes.jpg langkit-and-fontiveros.jpg

aquinocristedoctolero.jpg guinolbay-and-aurino.jpg almodovar.jpg

criste.jpg sababan-and-family.jpg querubins-relatives.jpg

Nang paiba-iba na ang desisyon ng court martial panel sa hearing noong Biyernes ng kaso nina Maj. Gen. Miranda at 27 pang mga magigiting na opisyal ng military na sangkot sa Feb.2006 withdrawal of support kuno kay Gloria Arroyo, sabi ni Ces Drilon ng ABS-CBN, “para palang lastiko ito.”

Yuyuko ba o manindigan si Villar?

Noong isang araw, nagmiting ang mga administrasyon na senador sa isang restaurant. Dumating si Gloria Arroyo at pinag-usapan nilang tungkol sa Blue Ribbon committee na napabalita na noon na mapunta kay Sen. Alan Peter Cayetano.

Siyam ang kaalyado ni Arroyo sa Senado. Sina Edgardo Angara, Joker Arroyo, Juan Ponce-Enrile, Gregorio Honasan Lito Lapid, Richard Gordon, Bong Revilla, at Miriam Santiago. Walo lang talaga kasi ang pangsiyam, si Juan Miguel Zubiri, ay pekeng senador. Hindi siya binoto ng taumbayan. Nandiyan siya sa senado dahil sa mga pekeng boto na mina-manufacture ni Lintang Bedol sa Maguindanao.

Utak pulbura talaga

May kasabihan tayo na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig. Ganoon nga ang nangyari kay Army Chief Romeo Tolentino.

Pagkatapos ng pasikot-sikot na denial na wala raw kinalaman ang military sa pagkawala ni Jonas Burgos, anak ng press freedom fighter na si Joe Burgos, Jr., sinabi niya noong isang linggo na ayon sa kanilang record, miyembro raw ng New People’s Army si Jonas.

O ano ngayon kung NPA si Jonas? . Yun ba rason para kidnapin at patayin?

Ang legacy kuno ni Gloria Arroyo

Naiisip kaya ni Gloria Arroyo na alam ng buong bayan na siya ay mandaraya at sinungaling ng kanyang sabihin sa harapan ng mga negosyante na gusto niya maala-ala ang kanyang administrasyon na nag iwan ng “mas mabuting edukasyon”?

Sa conference ng Corporate Social Responsibility Expo 2007, ipinagyabang ni Arroyo na ang kanyang administrasyon daw ay nagbuhos ng maraming pera sa edukasyon kalakip ng kanyang programa sa pagpalago ng “human capital”.

Ang sarap pakinggan ng mga salita ni Arroyo. Kaya lang kapag siya ang nagsasalita, nawawala ang halaga.

Three issues

Back from attending a family matter in our province in Antique, I find that the bulk of the contents of my mailbox can be divided into three main issues: the Basilan tragedy, the Human Security Act , and the proclamation of Juan Miguel Zubiri as the 12 th winning senator courtesy of the manufactured votes from Maguindanao.

Let’s leave Zubiri to his own karma. Like his principal, Gloria Arroyo, he will always be known as the product of cheating. Text messages refer to him as Daya na Zubiri.

A number of groups are up in arms against the inhuman Human Security Act. One such group is composed of law students of the University of the Philippines, yesterday filed a petition with the Quezon City Regional Trial Court seeking for declaratory relief on certain provisions of the Human Security Act. They are students of Atty. Harry Roque.

Kawawang mga sundalong Pilipino

Update: Two Marine commanders relieved over Basilan debacle.

Kasumpa-sumpa itong trahedya na nangyari sa Tipo-tipo noong Martes kung saan inambus ang mga Marines ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front ng pabalik na sila sa kampo galing sa paghahanap kay Fr.Giancarlo Bossi, ang nakidnap na Italyanong pari.

Labing-apat ang namatay na sundalo. Hindi lang yun. Sampo sa namatay ay pinugutan ng ulo. Mga hayop talaga.

Nag-order si Gloria Arroyo na lipulin raw ang may kagagawan ng karumal-dumal na trahedya. Sinabi ngayon ng military na magpapadala raw sila ng isa pang batallion (mga 500 hanggang 600 na sundalo).

Dapat lang.

Mga walang kunsyensya

(For so many hours yesterday up to late last night, this blog was not accessible. If the forces of evil think they can prevent us from being informed by denying us our place and time in cyberspace, we will prove them wrong.Thank you all for your patience.)

Sabi ni Gen. Delfin Bangit, hepe ng ISAFP (Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines) na kaya raw niyang tingnan sa mata si Edith Burgos at sabihin na wala silang kinalaman sa pagkawala ng kanyang anak na si Jonas Burgos.

Ganoon talaga ang taong manhid na. Kayang-kaya magsinungaling ng harap-harapan. Baka nga naniniwala na sila sa kasinungalingan na pinaggagawa nila.