Skip to content

Category: Web Links

Hamon kay Sarmiento

Tingnan nga natin kung ano ang gagawin ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento sa panibagong paglitaw ni Master Sergeant Vidal Doble, ang sundalo na kasama sa pag-tape ng usapan ni Gloria Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano.

Noong nabuking siya doon sa Iligan nang nakaraang eleksyon na kinakampihan ang mga election operators ni Garcillano na gumagawa na naman ng milagro, sabi niya paimbistigahan raw niya ulit ang Hello Garci scandal para raw malinis ang Comelec.

Wala namang nangyari. Kasama pa siya doon sa pag-protekta kay Lintang Bedol, ang nagbigay kay Migz Zubiri ng pagka-senador, na prominenteng nabanggit sa Hello Garci tapes.

Ang Baywalk at ang Boracay

Dumaan ako noong nakaraang linggo sa Baywalk sa Roxas Boulevard at maaliwalas na. Makikita na ang Manila Bay.

Mabuti naman at ginawa kaagad ni Mayor Alfredo Lim ang pagpatanggal ng mga pangit na structures doon. Ngayon talagang Baywalk. Pwedeng lumakad at mamasyal ng maayos. Hindi madumi at magulo.

Kaya malaki talaga ang pasalamat ko na nanalo si Lim. Kasi kung si Ali Atienza ang nanalo, baka hahaba pa ang linya ng mga pangit na restaurant at bar sa Roxas Boulevard. Ang tsipipay tingnan!

Walang katapusang parada ng mga bangkay

Habang sinusulat ko ito patuloy ang bakbakan sa Basilan. Labin-limang Marines na naman ang patay.

Lima ay mga opisyal at sampu ay enlisted men. Ang babata ng mga namatay na Marine officers. Ang isa ay 22 taong gulang. Ang isa sa mga namatay, si si Lt. Salvador, ay number 7 sa PMA Class 2005. Number one sa Philippine Navy.

Kailan pa hihinto itong walang kabuluhang kamatayan ng ating mga magigiting na sundalo?

Para talaga kay GMA

Ang dami ng sinabi si House Speaker Jose de Venecia tungkol sa kanyang planong “Amnesty for all” ngunit hindi sinasabi ang totoong pakay nitong kanyang hindi pa napa-file na bill.

Ang hindi sinasabi ni JDV ay para talaga kay Gloria Arroyo at sa kanyang mga kampon ang amnesty para kapag wala na sila sa Malacañang hindi nila sasapitin ang sinapit ni dating Pangulong Estrada.

Sabit na lang o collateral beneficiaries sina Estrada, Trillanes, Gen.Renato Miranda, Gen. Danny Lim, Col. Ariel Querubin, at ang iba pa nilang kasamahan. Isinama pa nga niya ang MNLF, MILF at NPA.

Showbiz at pulitika

Magkakabit talaga ang showbiz at pulitika sa maraming paraan.

Noong isang linggo nasa balita na pinagsabihan ni Senator Francis Pangilinan si Sen. Alan Peter Cayetano na huwag ituloy ang kanyang balak na kunin ang abogadong si Adel Tamano, spokesman ng Genuine Opposition noong kampanya, bilang general counsel ng Blue Ribbon Committee.

May isang naiinis kay Pangilinan na sumulat sa aking blog. Sabi niya, takot lang ni Pangilinan na awayin si Alan Cayetano. Kasi daw, kung mainis si Alan kay Kiko, susumbung siya sa kanyang kapatid na si Lino, na boyfriend ni KC Concepcion. Sasabihin ni Lino ang reklamo ng kapatid kay KC. Iiyakan naman ni KC ang kanyang mommy. Ay, kung batukan ni Sharon si Kiko, papapalag pa ba ‘yan? Hindi naman yan nanalo kung hindi siya asawa ni Shawie.

Hinagpis sa likod ng mga numero

Nakabalandra ngayon sa ating mga pahayagan ang mga numero ng mga namamatay sa Sulu kung saan nag-oopensiba ang military laban sa Abu Sayyaf: “57 patay”. “25 patay sa isang araw.”

Nangyari itong opensiba isang buwan mangyari ang trahedya sa Basilan kung saan 14 na Marines ang namatay, 10 sa kanila ang napugutan ng ulo sa encounter sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front noong July 10.

Ngunit sa likod nitong mga numero ay mga taong tumatangis dahil sa mga nawala sa kanilang buhay. Mga taong ngayon ay hindi malaman kung papaano mabuhay sa gitna ng putukan at barilan.

Penitensya sa Iraq

May mga sumulat sa akin tungkol sa kolum ko noong Martes, “Aliping Filipino” tungkol sa mga Pinoy na ni-smuggle sa Iraq para mag-trabaho sa konstruksyon ng U.S. Embassy.

Ang isa ay galing kay Joel Pineda ng Pampanga. Sabi ni Joel:

“Sa tingin ko po ang agency na dapat po ninyong ipatutok ay ang GFI Manpower International Specialist Inc sa FSE Bldg, 3671-3676 Bautista Avenue, Palanan, Makati City. Tel.(63 2)7293342; (63 2) 7572477 at (63 2) 5511860 sa kadahilanan na sila po ang nagpalagay ng advertisement sa Manila Bulletin sa trabaho papuntang Kuwait.

Aliping Filipino

Pinapunta na naman ni Gloria Arroyo si dating AFP Chief of Staff, Roy Cimatu na ngayon ay special envoy to the Middle East, sa Iraq para imbestigahan ang report na 51 na Filipino ang parang alipin na nagta-trabaho sa construction ng U.S. Embassy sa Iraq.

Ito at nagsasayang na naman ng pera para lang lalong lokohin ang madlang Pilipino.
Magkano na naman ang gagastusin ni Cimatu sa biyaheng ito? Ano naman kaya ang makukuhang impormasyon doon sa Baghdad na hindi na nabigay ng ating embassy doon? Wala namang pagkukuhaan ng impormasyon si Cimatu kungdi sa embassy.

Ang pagpadala ni Arroyo kay Cimatu sa Midde East ay para lang masabi niya na may ginagawa siya kahit na wala naman.

Sadya kaya?

Dumadami lalo ang mga katanungan sa paglabas paunti-unti ng mga detalya ng encounter sa Tipo-tipo noong July 10 kung saan 14 ang namatay na Marines. Sampo doon sa namatay at pinugutan.

Sinabi ni Lt. Col. Bartolome Bacarro na inorder raw ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon na imbestigahan palpak na pagbigay ng radio frequency sa mga pilot na siyang dahilan kung bakit hindi nabigyan ng air support ang mga Marines.

Ayon sa report ng mga sundalo at ni Jun Veneracion ng GMA-7 na nasabak sa encounter, mga alas-10 ng umaga nangyari ang pananambang sa mga Marines ng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front sa Al-barka, Tipo-tipo sa Basilan.

Magtiyong garapal

Mukhang naghahanda na itong mga Arroyo ng kanilang exit, kung saka-sakaling hindi maipilit ni Gloria Arroyo ang kanyang sarili sa sambayanang Pilipino habambuhay.

Kaya naman kinurner nila ang mahalagang kumite sa House of Representatives na may kinalaman sa enerhiya at kapaligiran. Nakuha ni Mikey Arroyo, congressman ng Pampanga, ang chairmanship ng energy committee at ang kanyang tiyo, si Ignacio “Iggy” Arroyo ay nakuha ang chairmanship ng committee on natural resources.

Tama lang ang pagbatikos ni Bayan Muna Teddy Casiño ng ganitong garapalan. Unang-una ano ba ang qualifications nitong dalawang Arroyo mamuno ng napaka-mahalaga na mga kumite na ito. Maliban sa magaling sa mga bagay na maaring mapagkwartahan.