Skip to content

Category: Web Links

OPS: GMA parang magnanakaw sa gabi

Kung ang ang sariling mong tauhan, ang tawag sa yo sa official documents ay “magnanakaw”, ano pa ang natirang dangal sa yo?

Tingnan nyo ang website ng Office of the Press Secretary noong April 21, 2007 (http://www.news.ops.gov.ph/archives2007/apr21.htm). Ang mga istorya doon ay tungkol sa 12-oras na bisita ni Gloria Arroyo sa Boao, China kung saan nag-witness siya sa pirmahan ng ma-anomalyang National Broadband Deal (NBN) sa ZTE Corporation.

(Salamat kay Jarius Bondoc ng Philippine Star na siyang nakapansin nitong press release. Si Jarius din ang unang nag-expose nitong ZTE broadband deal.)

Galing kay Gng Icasiano

Itong sulat ni Gng Diana C. Icasiano ay sagot sa nilabas kong sulat ng isa tatay ng estudyante sa San pedro Central School:

“In the interest of justice and fair play, I would like to give you my reactions on the varied allegations published in your column of September 6, 2007 issue of your Abante Newspaper, on the request of your “kakilala”.

“I could perhaps just fold my arms and ignore the whole thing, as long as I believe in conscience that my credibility with my colleagues in the profession, as well in the community where I belong is intact. On second thought, however, I realized I should not let anybody cast aspersion on my person, much more destroy my name and reputation which I consider my priceless possessions.

Magkakabit

Sabay-sabay ngayon pumuputok ang re-opening ng “Hello Garci” at ang anomalya sa P16 bilyon na ZTE broadband project.

Bilyon yan ha, siyam na zero.

Sa “Hello Garci” natutumbok na si Gloria Arroyo sa cover-up ng eskandalo. Sa ZTE broadband project, hanggang kay Comelec Chairman Benjamin Abalos pa lang.

At medyo mayroong mga tao na ang gusto ay hanggang kay Abalos lang. Ayaw nilang umakyat pa sa mas mataas, Di ba ang impeachment na i-file sa House of Representatives ay kay Abalos lang?

Sabit si Gloria

Sa pagkasangkot ni Medy Poblador sa Hello Garci scandal, tumitibay ang papel ni Gloria Arroyo hindi lamang sa pandaraya sa 2004 elections kung di na rin sa obstruction of justice o pagharang ng katotohanan at hustisya.

Sinabi ni T/sgt Vidal Doble nang dinala siya ni Bishop Socrates Villegas sa bahay mula sa San Carlos seminary sa bahay ni Chief of Staff Afren Abu, nakita niya doon kasama ng kanyang pamilya si Medy Poblador.

Sinabi rin ni Villegas sa kanyang pinadalang sulat sa Senado na ang tuamwag sa kanya para alisin sina Doble sa San Carlos seminary ay si Poblador.

May bayad na CR sa public school

May paki-usap ang isa kong kakilala tungkol sa kanilang problema sa principal ng San Pedro Central School, San Pedro, Laguna na si Ginang Diana C. Casiano.

Ito ang kanyang hinaing:

“Dahil public school po ito, siyempre 99% sa mga mag-aaral ay mahirap. Yung mga bata po ay halos walang makaing almusal, makapasok lang. Ito po’y dinadalhan ng pagkain sa tanghali na halos sang kamay bg Dios mo pa hahanapin ang pambili ng pagkain.

Hindi makataong mga hospital

Nananakot itong asosasyon ng mga private hospital ng “hospital holiday” bilang protesta sa implementasyon ng Republic Act 9439 o Hospital Detention Law.

Ang R.A. 9439 ay nagbabawal ng mga hospital na mag-detain ng mga pasyente na hindi makakabayad.

Sa “hospital holiday”, hindi tatanggap ng mga pasyente na na hindi emergency simula itong buwan hanggang mapalitan ang batas.

Lalong na-praning

Tanggap na yata ng Malacañang na mahirap nila maharang ang pagbubukas ng imbestigasyon ng Hello Garci sa Senado.

Anim na senador na na sumama sa mga bata ni Gloria Arroyo para maluluko si Manny Villar bilagn Senate president ay boboto para itutuloy ang pagbubukas ulit ng Hello Garci. Kasama pa si Villar.

Sa botohan mamayang hapon, inaasahan na magkakasama sina Ping Lacson, Nene Pimentel, Mar Roxas, Pong Biazon, Loren Legarda, Jamby Madrigal, Noynoy Aquino, Villar, Chiz Escudero, Allan Cayetano, Pia Cayetano, Jinggoy Estrada, Kiko Pangilinan.

Mana sa magulang

Like father, like son talaga itong mag-amang Mike at Mikey Arroyo.

Sabi ni Mikey Arroyo, congressman ng Pampanga, “Who, me? A smuggler?”

Sinabi ito ni Mikey noong isang araw dahil sa usap-usapan na kaya laganap ang smuggling ngayon dahil siya ang padrino ng mga smuggler. Kaya tuloy hirap na hirap ang Bureau of Customs makapag –meet ng kanilang target collection. Paano sagan ang smuggled goods.