Skip to content

Category: Web Links

Isang kahig-isang tuka na naka-Mercedez Benz

Update: Escudero asks: why GMA’s interest in pushing Cyber Ed project?

Sa “Strictly Politics” noong Martes ng gabi, sinabi ni Rep. Teddy Locsin, na may palagay siya ang “impeach me” na sinumite ni Atty. Roel Pulido sa Kongreso noong Biyernes ay para talaga mabakunahan si Gloria Arroyo sa totoong impeachment complaint sa taong ito.

Hindi lang yun, sabi ni Locsin. Ito ay para masigurado rin nila na hindi na sila maaaring isabit sa mas malaking deal na Cyber-Education project. Ito ay nagkakahalaga ng $400 million, China na naman ang partner, at walang bidding rin.

Toxic

Pumasok na sa pang-araw-araw na pananalita ng Pinoy ang salitang “toxic” na ang ibig sabihin ay nakakasama sa kalusugan ng isang tao.

Kapag inis ka sa isang tao o sa particular na isyu, ang sasabihin mo ay, “Huwag na natin pag-usapan yan. Toxic.” Ganyan ang usapang JPEPA (Japan-Philippines Economic Partnership Agreement) na tinatalakay ng Senado para ratipikahan, kung akala nila makakabuti sa bayan o ibasura kung akala naman nila ay toxic.

Maraming isyu ang nasa JPEPA. May mga ibibigay tayo sa Japan kapalit ng kanilang ibibigay na pabor sa atin. Ang ilan sa mga pabor na dinadawit ng Japan sa atin ay makapasok raw ang marami nating produkto sa Japan na tax free. Kapag tax free kasi, mura kaya makakapag-compete sa ibang produkto doon.

Boomerang kay Esperon ang panlalait

This is turning to be absurd. Navy Chief Admiral Rogelio Calunsag said they are studying filing of charges against the 28 officers detained in Tanay for issuing statements urging AFP Chief Hermogenes Esperon to tell the truth. Click here for Inquirer Online story.

Ang hirap talaga kapag ang isang taong makitid ang utak ang ilagay sa isang makapangyarihan na posisyon.

At delikado kung ang pakiramdam ng taong yan ay delikado ang kanyang kapit sa kapangyarihan. Kadalasan ay nagpa-panic at kung ano ang nasasabi at nagagawa.

Ano ngayon kung chickboy?

Noong hearing ng “Hello Garci” sa Senado na pinamumunuan ni Sen. Rodolfo Biazon, ang tanong ni Sen. Juan Ponce-Enrile kay dating T/sgt Vidal Doble ay naka-focus sa kanyang pagiging chick boy.

Hiwalay kasi si Doble sa kanyang asawang si Arlene, nagkaroon siya ng girlfriend na si Mayette at may bagong siyang kasama na ang pangalan ay si Jocelyn. Sabi ni Enrile kaya raw niya inu-urirat ang personal na buhay ni Doble para patunayan raw na hindi ma-aaring paniwalaan ang kanyang pinagsasabi tungkol sa kanilang pag-wiretap ng pag-uusap ni Gloria Arroyo at dating Comelec Commissioner Virgilio Garcillano kung saan pinag-usapan nila ang pandaraya noong 2004 eleksyon.

Tama ang ginagawa ng Senado

Sa pag-resign ni Comelec Chairman Benjamin Abalos, ibig ba sabihin doon libre na siya kasama ng lahat na sangkot sa manomalyang NBN ZTE deal lalo na si Gloria Arroyo at si Mike Arroyo, sa krimen ng plunder o malakihang pangungurakot ?

Hindi ako tumatalon sa tuwa sa pag-resign ni Abalos kasi pag-iwas yun sa kanyang kasalanan. Hindi naman siya umamin ng kasalanan kahit na buking na buking na siya.

Kung may ikinatuwa man ako, ang kanyang pagbibitiw ay nagpapakita ng mabigat na impact o dating ng televised na congressional investigation.

Utak barbed-wire

Madugo ang reaksyon ng mga lider ng Myanmar sa mga rally na palayain si Aung San Suu Kyi,ang lider ng grupo na gusto ang demokrasya sa bansa na ang dating pangalan ay Burma.
tdy_williams_myanmar_070927standard.jpg
Maraming patay, kasama na ang isang photographer na Hapon sa mga protest rally na pinangungunahan ng mga Buddhist na monghe, ng pinagbabaril sila ng mga sundalo. Ang pamahalaan ng Myanmar ay pinapalakad ng isang military junta na 45 na taon nang nasa kapangyarihan.

Sinabi sa report na kumunti na ang mga tao noong Biyernes. Binarikadahan ng mga sundalo at pinalibutan ng barbed wire and mga kumbento ng mga monghe. Ganoon din ang mga malaking kalsada sa Yangoon, ang kapital ng Myanmar.

Walang anomalya raw

(This column was written before the Senate hearing today where Romulo Neri revealed in open session that Abalos offered offered him P200 million and he told Gloria about it. Arroyo didn’t do anything about it.)

Hindi na talaga siguro alam ni Gloria Arroyo ang kanyang gagawin para lang matigil ang balita tungkol sa ma-anomalyang proyekto na ZTE National Broadband Network.

Ipinalabas noong Martes ng Malacañang ang resulta raw ng kanilang imvbestigasyon sa ZTE NBN at ang resulta, tararantaran……. Walang anomalya, walang suhulan.

Sisipot kaya si Neri sa Senado bukas?

Marami na ang nangyari mula nang isinumite ko itong kolumn hanggang ngayon. Unang-una, nagpasiya na si Neri na hindi na siya sasama kay Gloria Arroyo sa New York. Ang abangan natin ay, ikuwento ba niya ang buong katotohanan sa Miyerkoles?

Kinumpira ni Romy Neri, dating director ng National Economic Development Authority o NEDA na ngayon ay chair ng Commission on Higher Education, na sinasama siya ni Gloria Arroyo sa kanyang biyahe sa Amerika ngayong araw.

Sabi ni Neri, pinag-iisipan pa raw niya.

Bumenta na, tigilan na

Ay naku, nagkakalat na naman si AFP Chief Hermogenes Esperon ng kokorokoko.

Sabi ni Esperon noong Biyernes na may anim na junior officers raw na kanyang inire-assign at pinamanmanan dahil nagre-recruit raw para sa panibagong coup. Walang detalyeng binigay si Esperon.

Akala ni Esperon tanga tayo, ano? Akala niya bilhin natin ang bilasa na niyang tinitinda.

AB ZTE FG

Ang pinaka-hit ngayon na kanta ay ang AB ZTE FG na kinakanta sa tono ng ADCDEFG na ating kinakanta nang tayo ay mga bata pa.

Una ko natanggap ang text nito noong Martes katatapos lang pinasabog ni Joey de Venecia, presidente ng Amsterdam Holdings Inc at anak ni House Speaker Jose de Venecia, ang impormasyon na si Mike Arroyo, asawa ni Gloria Arroyo ang “mystery man” na kasama sa meeting nila ni Comelec Chair Benjamin Abalos sa Wack-Wack Golf clubhouse noong Marso.

Si Mike Arroyo, sabi ni Joey ang dumuro sa kanya at nagsabi na “back off” o umatras ka na pa” para matuloy na ang pagbigay ng kontrata ng National Broadband sa ZTE Corp, isang kumpanya na pag-aari ng pamahalaan ng China na nagkakahalaga ng P16 bilyon.

Ang unang text ay “GMA’s alphabet song: AB ZTE FG”.