Skip to content

Category: Web Links

Patong-patong na paglabag ng karapatang pantao ng mga sundalo

Biruin mo hanggang ngayon, magdadalawang taon na, naghahagilap pa lang ang mga bata ni AFP Chief of Staff Hermogenes Esperon ng ebidensya laban sa 28 na opisyal at 40 na enlisted personnel o sundalo na kanyang ipinakulong dahil sa plano raw na magwithdraw ng support kay Gloria Arroyo noong February 2006.

Kaya ngayon, pinipiga nila ang siyam na sundalo sa Intelligence Security Group para makakuha sila ng impormasyon na maa-aring gamitin laban mismo sa kanila at sa ibang mga opisyal na nakakulong.

Ang siyam ay ibinaba noong Miyerkoles mula Camp Capinpin sa Tanay. Sila ay kasama sa 40 na sundalo na halos magdadalawang taon nakakulong kahit walang kasong isinampa.

Multo

Nang inikuwento ni Fr. Ed Panlilio, Pampanga governor, ang tungkol sa white lady sa Malacanang na nagbigay ng kalahating milyon pera na nakalagay sa paper bag, naisip ko ang maraming kwento tungkol sa white lady diyan sa palasyo.

Flashback muna tayo sa kuwento ni Fr. Ed. Sabi niya ang umabot sa kanya ng paper bag na may P500,000 ay ang kanyang assistant. Sabi naman ng kanyang assistant, yun ay galing kay Bulacan Governor Jon-jon Mendoza. Sabi naman ni Mendoza ay galing yun sa isang babaeng nakasuot ng puti. Lady in white sa English. Sa ating carabao English naging white lady. Parang gamot ng Intsik na white flower.

Nang nagku-cover ako sa Malacanang marami akong kwento naririnig tungkol sa lumalabas na babaeng nakaputi kapag hatinggabi. Minsan ang pinakitaan ay si Assistant press secretary Mallari (nakalimutan ko ang first name).

Alaala

Ngayong araw ng mga kaluluwa, maganda gunitain ang mga magagandang leksyon na atin natutunan sa ating mga yumaong mahal sa buhay.

Mahalaga ang mga alaala lalo na sa ngayong panahon na nagkakahiwa-hiwalay tayo sa ating mga pamilya at hindi na natin magagawa ang ating mga kinaugalian na pumunta sa puntod tuwing All Souls Day at All Saints Day.

Ang aking nanay at tiyo ay sa probinsiya nakalibing kaya ipagdasal ko na lamang sila. Ang aking ina ay namayapa noong 2003 habang ako ay inihahanda para sa operasyon sa aking ovarian cancer. Sa payo ng aking doctor, hinintay ng aking mga kapatid ang ilang araw, hanggang lumakas-lakas ako ng kaunti bago nila sinasabi sa akin ang pagpanaw ng aking ina.

Bilang na ang araw ni Gloria Arroyo

Ito ang sinabi ni dating Pangulong Fidel Ramos sa kanyang pag-analisa kung bakit binigyan ni Gloria Arroyo ng pardon si dating Pangulong Estrada.

Sinabi ni Ramos na napakahina na ni Arroyo kaya gagawin niya ang kung ano lang para lang siya hindi matumba.

Yan din ang sinabi ni Sen. Richard Gordon. Sabi niya, “Pinili niya (GMA) ang mag-survive rather than be right, rather than be just. It’s not even a question of mercy. It’s a question of survival sa kanya. It is a transactional leadership at its purest form.”

Mga sinungaling

Kahapon, sa sobrang inis ko sa naririnig ko sa radyo sa mga kasinungalingan na pinagsasabi ni Eastern Samar Governor Ben Evardone, tinext ko siya,”Mahiya-hiya ka naman. Kinurakot nyo na ang kaban ng bayan, ginagagago nyo pa ang taumbayan.”

Si Evardone ang secretary general ng League of the Provinces of the Philippines na siya ngayon ang umaako ng pinanggalingan ng supot-supot na milyones na pinamudmud sa Malacañang noong Oct. 11. Sinabi ni Evardone na may programa daw sila para sa mga baguhan na gubernador katulad ni Pampanga Gov. Ed Panlilio na siyang nagbulgar ng bigayan sa Malacañang.

Panahon na para mag snap election

Ang sitwasyon ni Gloria ngayon ay para siyang nahulog sa kumunoy (quicksand). Hindi siya maa-aring kumilos. Bawat kilos niya ay lalong nagpapalubog sa kanya.

Apat na araw na ang nakalipas at wala pang kongkretong hawak ang mga imbestigador kung sino ang may kagagagawan ng karumal-dumal na krimen kung saan 11 ang namatay at sobra 120 ang nasugatan.

Ngunit sa mga pahayag ni Arroyo at ng kanyang mga opisyal, hindi naa-alis ang suspetsa ng mga tao na kagagawan nila ito para matabunan ang maraming kontrobersiya na kanyang nakakasangkutan.

Mas credible ang Abu kaysa kay GMA

Wala pa talagang sigurado kung sino ang gumawa ng karumal-dumal na krimen na pambu-bomba sa Grlietta 2 noong Biyernes ng hapon.

Ngunit ito ang interesante. Sa mga opinion na aking nakuha, malakas ang suspetsa na may kinalaman ang pamahalaang Arroyo para malihis ang atensyon ng taumbayan sa mga kontrobersya na kanyang hinaharap.

Ito ang sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV at marami ang naniniwala sa kanya.

Ipahayag ang galit

(Itong aking column sa Abante ay para bukas (Huwebes, Oct. 18 ngunit pinost ko na ngayon para malaman ng marami at baka may gustong sumama sa car rally.)

Ngayong araw, magkakaroon ng car rally sa Makati para ipahayag ang galit ng sambayanan sa nangyayari ngayon na kurakutan, kasinungalingan at corruption sa pamahalaan.

Magkikita-kita sa UCC Café sa Fort Bonifacio ng 1:45 p.m. at magsimula ang caravan ng 2:45 p.m. Hindi ko alam ang ruta ngunit siguradong dadaan sa Ayala Avenue sa Makati. Ang nag-oorganisa nito ang “Concerned Citizens Group”, mga mamamayang nagmamalasakit sa nangyayari ngayon sa bayan.

Ang ugat ng bigayan

Noong panahon ni Marcos, may isang Amerikanong manunulat na nagsabi na ang Pilipinas ay bayan ng ng mag-asawang diktador at 50 milyon na mga duwag.

Naiba ang mga yun ng mapatalsik si Marcos sa isang “People Power” na akala naman natin ang magbabago ng palakad dito. Akala natin mawawala ang panghuhuthut sa kaban ng bayan at ang pagmamalabis ng military.

Dalawang dekada ang nakalipas, parang walang pinagbago. Lalo nga nagiging garapal ang nasa kapangyarihan. At iyon ay nangyayari dahil hinahayaan ng taumbayan.

Hanggang kailan tatagal si JDV?

Umamin na si Rep. Antonio Cuenco na nabigyan siya ng P200,000 (Ano yan, Tony may P200 ka dito?) noong Huwebes sa Malacañang ngunit itong si Press Secretary Ignacio Bunye ay nasa-alapaap pa rin. Tsismis raw.

Ito naman si House Majority Arthur Defensor, “standard” o pangkaraniwan raw yung bigayan kapag may nagawa silang nagustuhan ni Madam.

Kaya pala kung anong pangungurakot ang ginagawa ni Gloria Arroyo. Kailangan niyang bususgin itong mga buwaya niyang alagad. Kung sabagay siya ang Inang buwaya.