Skip to content

Category: Web Links

Tuloy ang ligaya

Nang nagdesisyon sina Sen. Antonio Trillanes IV at Brig. Gen. Danny Lim na bumaba sa Manila Peninsula noong Huwebes, malungkot nilang sinabi na ginawa nila ang kanilang katungkulan para sa pagbabago at kaunlaran ng bayan.

Kung hindi man sila sinuporta ng karamihan, wala na silang magawa doon. Ang talo sa insidenteng ito, sabi ni Trillanes, ay ang mamamayang Pilipino dahil nanatili pa rin sila sa kapangyarihan si Gloria Arroyo.

Kaya habang nasa kapangyarihan si Arroyo, patuloy ang kurakutan sa kaban ng bayan para pambayad niya sa mga taong sumusuporta sa kanya para rin magpapatuloy ang kanilang karangyaan sa gitna ng kahirapan ng taumbayan.

Bibeth

Maganda ang sinabi ni Bibeth Orteza, scriptwriter, nang tanungin siya ni Ces Drilon ng ABS-CBN bakit siya nanatili doon sa Manila Peninsula, katabi nina Sen. Antonio Trillanes IV at Brig. Gen. Danilo Lim, noong Huwebes kahit nagsimula nang binabalya ng tangke ang hotel at pumapasok na ang tear gas.

Sabi ni Bibeth, bilang isang isang breast cancer survivor, gusto niyang maging makabuluhan ang bagong taning na buhay na binigay sa kanya ng Panginoon. Kaysa mamatay siya sa sakit, mas gusto na niyang makabuluhan ang kanyang kamatayan. At kung mangyayari yan sa oras na yun dahil sa kanyang pakikiramay sa mga uma-alay ng kanilang buhay para maibalik ang katotohanan at hustisya sa bansa, mas gusto niya yun.

Isa si Bibeth sa hindi tinalian ang kamay ng plastic.

Kailangan ang exorcist

May report and dalawang reporter ng Arab News na lumabas sa Malaya tungkol sa limang babaeng OFW na nasa shelter ng Philippine Consulate General sa Jeddah na sinasaniban daw ng demonyo. Nasaksihan ito ng dalawang reporter ng Arab News na sina Romy Tangbawan at Ronald Concha.

Ito ang report ni Tangbawan at Concha sa Malaya: “Five women, all runaways, were sporadically doing weird and scary things, such as crying or screaming in voices not theirs. One would plead for mercy, another would answer in a strange voice, and still another kept laughing like the crazy woman often portrayed in ghost movies.

“The apparently possessed women would start running helter-skelter and had to be restrained by welfare officers and other wards who were not affected.

Ed at Lani

Nang bumalik ako galing sa bakasyon, dalawa sa sulat sa aking email ay tungkol sa mga kaibigan na pumanaw na. Pareho dahil sa cancer.

Ang isa ay si Lani Nodado, isang kasamahan namin sa “I can Serve” ang grupo ng mga cancer survivor. Ang tapang-tapang ni Lani. Kahit na nagme-metastasize na ang kanyang breast cancer sa ibang parte ng katawan niya, hindi siya huminto gawing makabuluhan ang kanyang buhay.

Huli ko siya nakita noong Christmas 2006 ngunit palagi siya nag-si share kung paano niya nilalabanan ang kanyang sakit. Kahapon ang aming I Can Serve Christmas party. Miss namin si Lani.

Leksyon sa mga kongresista

Tensyunado ang buong Metro Manila lalo na ang mga pulitiko at ang pamahalaan dahil sa pagpasabog ng bomba sa Batasan Pambansa na ikinamatay ni Basilan Rep. Wahab Akbar at ng dalawa pang kawani sa House of Representatives.

Nangyari ang pagpasabog ilang minuto pasado 8 p.m. ng Martes ng gabi sa Southwing ng Batasan. Palabas ang mga kongresista, palapit sa kanilang mga kotse ng sumabog ang bomba.

Iba-iba ang theory tungkol sa pagsabog. Wala pang umaamin at wala pa ring siguradong findings ang Philippine National Police. Ang sigurado lang ay bomba ang pumutok, hindi methane gas na sinasabi nilang nangyari sa Glorietta.

Namanhid na tayo

Mabuti naman at bumalik si Joey de Venecia mula sa biyahe niya sa Amerika mga dalawang linggo na ang nakaraan at sabi niya patuloy siyang naninindigan sa kanyang mga pahayag.

Akala kasi ng marami umurong na siya dahil sa death threat na kanyang natanggap. Ayon sa impormasyon na binigay sa kanya ni Gen. (ret) Jimmy de los Santos, ang balak raw na pagligpit sa kanya ang nanggagaling sa tauhan ni Secretary Leandro Mendoza, secretary ng transportation and communication na sangkot rin sa NBN/ZTE.Sinabi doon sa impormasyon na nakuha ni De los Santos mga preso ang gagamitin.

Kahit itinanggi ni de los Santos na sa kanya galing ang impormasyon, siguro naman hindi maalis kay Joey at sa kanyang pamilya na mag-alala. Ngunit mabuti naman na nandito na siya ulit sa Pilipinas at patuloy siyang tutulong sa gustong maghanap ng katotohanan sa mga deal na pabigat sa mamamayang Pilipino.

Trahedya at komedya

Sa gitna ng maraming trahedya na nangyayari sa ating bansa katulad ng pagkakamatay ng 11-taong gulang na si Mariannet Amper, marami ring komedya ang nagaganap.

Ang pangunahing komedya ay ang hindi magkatugma-tugma na kwento ng mga kampon ni Gloria Arroyo tungkol sa bigayan ng mga bayong-bayong na pera sa Malacañang noong isang buwan.

Noong isang linggo, narinig ko sa radyo si Sergio Apostol, chief presidential legal counsel na sinasabihan si Deputy House Speaker Ma. Amelita Villarosa na tumigil na sa pagdadaldal tungkol sa pinamigay na pera, na nagkahalaga mula P200,000 hanggang P500,000 sa Malacañang. “Tumigil na siya sa pagdadaldal. Hindi ba niya alam na sinabi na ni Secretary Puno na kay JDV galing ang pera?”

Patalsikin na!

Pati ba naman ang Our Lady of Fatima, security threat na pala.

May block rosary kasi sa Fort Bonifacio at naka-schedule noong Nov. 4 ang Our Lady of Fatima sa Marine Brig kung saan nakakulong si Sen. Antonio Trillanes IV at ang 29 pa na mga junior officers na kasama sa tinatawag na “Oakwood mutiny” noong July 2003.

Alam naman siguro ng lahat kung ano ang block rosary ano? Bumibisita ang imahen ng Our Lady of Fatima sa isang bahay ng insang linggo. Sa kanyang pananatili sa bahay na yan, may rosaryo araw-araw.

Magkasama na naman ang mga tuso

Updates: Two impeachment complaints against GMA filed.

Third Arroyo impeachment complaint to be filed soon


A minor distraction – Bunye

Mukhang naisahan na naman ang madlang Pilipino. Nagsama-sama na naman ang manloloko.

Sa meeting ng Lakas-NUCD noong Sabado, ayun sa report, napagkasunduan ng tatlong mga tuso – si Gloria Arroyo, House Speaker Jose de Venecia at si dating Pangulong Fidel V. Ramos na magtulungan.