Skip to content

Category: Web Links

Ang bugaw ni Nicole

Noong Lunes, sa interbyu kay Lorelei Fajardo, deputy presidential spokesperson tungkol sa tawag ni US President Barack Obama kay Gloria Arroyo, sinabi niya na hindi nila pinapabayaan si “Nicole” ang alias na binigay ng media kay Suzette Nicolas, ang nag-akusa ng rape kay US Marine Cpl Daniel Smith.

Sabi ni Fajardo, “We have not abandoned Nicole, we will be supporting her all the way. And I’m sure therewill be some kind of a compromise agreement between the two countries so that we can come into terms for the best, for what would be the best for Nicole. I think that should be clear enough.

Nang tanungin siya kung ano yung compromise agreement na yun, ang sagot ni Fajardo, “I think ang ibig ko lang sabihin about the compromise agreement is that we will fight for her and we will be supporting her. We have not abandoned her. Ongoing naman ang negotiation natin with the US on Nicole’s case. “

Namamayagpag ang mga kriminal

Ang mga kriminal napapalaya, ang lumalaban sa katiwalian ay nakakulong.

Ganyan ngayon ang sitwasyon sa Pilipinas sa administrasyon ni Gloria Arroyo.

Dismayado ang pamilyang Maguan sa balitang ang killer ni Eldon na si Rolito Go ay mukhang malapit nang mapalaya. Nasa diyaryo kahapon na nilipat na sa Go mula sa maximum security complex sa isang section sa New Bilibid prison na pwede silang maglalakad na walang guwardiya basta pagdating ng ika-lima ng hapon, balik siya doon sa kanyang selda . Ang tawag daw nila ng sitwasyon na yun ay “live out minimum security”.

Sa statement na pinalabas ng pamilyang Maguan na pirmado ng ina ni Eldon na si Rosario, sinabi nila na hindi pa nila nakuha ang detalya ng special status ni Go ngunit kung totoo, ipina-protesta nila itong pangyayari.

Mga huling baraha ni Arroyo

Please click on their names below for affidavits of former PNP officers Glenn G. Dumlao and Cesar Mancao in connection with the Michael Ray Aquino espionage case:
dumlao

mancao

Habang papalapit na ang 2010 na ang pagka-intindi ng marami ay hanggang doon lang ang termino ng nakaw na pagka-presidente ni Gloria Arroyo, nilalabas na ng mag-asawang Arroyo at ng kanilang mga alagad ang kanilang mga huling baraha.

Alam naman natin lahat na walang plano si Gloria Arroyo bumaba sa kanyang hawak na nakaw na kapangyarihan dahil sa dami ng kanyang nagawang krimen laban sa mamamayang Pilipino, takot siyang makasuhan at makulong kasama na ang pamilya.

Hindi na solusyon ang mangibang bansa ngayon dahil nakita natin sa kaso ni Augusto Pinochet ng Chile at ng iba pang international criminals na hindi kinukunsinti ng ibang bansa ang mga dating lider na nanloko ng sariling mamamayan.

Samahan ng mga kurakot

May kasabihan tayo na, “Sabihin mo sa akin kung sino mga kaibigan ko, at sasabihin ko kung sino ka.”

At sa English may popular na kasabihan, “Birds of the same feather, flock together.”

Oo nga naman, hindi ka naman magti-tiyaga makipag-dikitan sa isang taong hindi mo type ang pag-uugali. Ikaw ba, gusto mo makipag-ibigan sa magnanakaw, sinungaling at mandaraya?

Linisin ang listahan ng botante

Computerized na ang eleksyon sa 2010.

Handang-handa na raw ang Commission on Election na magiging computerized ang eleksyon sa buong bansa sa 2010 pagkatapos naipasa ng House of Representatives at ng Senado noong Huwebes ang P11.3 milyon na supplemental budget pambili ng mga kagamitan para dito.

Sabi ni Comelec Chair Jose Melo, sa computerized na eleksyon, malalaman raw and resulta sa loob ng dalawang araw. Galing!

Sa computerized na eleksyon, sa halip na susulatin ng botante ang pangalan ng mga kandidato, i-itimin lang ang espasyo na nakatala sa pangalan ng kandidato. Ipasok sa optical machine reader na siyang magbibilang ng boto.

Smoking submachinegun

Let’s pray for the two officials of Legacy Group of companies who have come out, despite threats to their lives, bringing with them documents that would prove the crime of Celso de los Angeles against the thousands of investors of the company.

Carol Hiñola, Legacy’s senior vice president and Namnama Santos, the chief finance officer, sought the help of Philip Piccio of the Parents Enabling Parents (PEP) Coalition that is helping victims of pre-need companies who have failed to meet their obligations to their members.

Piccio described the documents that Hiñola and Santos have as “smoking submachinegun.”

Magkakampi laban sa bayan

Nakakabahala ang hayagang pagdepensa ni MikeArroyo, asawa ni Gloria Arroyo, kay Ombudsman Merceditas Gutierrez na nahaharap ngayon sa isang impeachment complaint na isinampa sa House of Representatives ng mga dating opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni dating Senate President Jovito Salonga.

Parang instruksyon yun sa mga congressman na depensahansi Gutierrez.Pampalakas loob din kay Gutierrez. “Ang mensahe ay, huwag ka mag-alala. Prutektado ka namin.”

Hindi na tinatago ng Malacañang na kaalyado nila ang Ombudsman. Na hindi dapat ganun. Ang Ombudsman ay para ma-check sa mga katiwalian na nangyayari sa pamahalaan. Independent siya dapat.

Sa ginawang pagdepensa ng hayagan ni Mike, buking na buking na hawak nila si Gutierrez. Anong klaseng Ombudsman siya?

Macau- mundo ng pantasya

the-venetian-gondola

Macau- Nakakatuwa pala dito sa Macau. Parang hindi ka umalis sa Pilipinas.Kahit saan ka mapunta may Filipino.

Bumili kami ng ice cream sa food court ng The Venetian nina Jullie Yap-Daza ng Manila Bulletin at Mandy Navasero ng Philippine Daily Inquirer. Filipina ang sales girls.

Sumilip kami sa Four Seasons, isang first class hotel katabi ng The Venetian, at ang doorgirl o tagabukas ng pinto ay Filipina. Maganda siya at magaling ang kanyang English diction. Dati raw siyang nagtatrabaho sa Legenda Hotel sa Subic bago siya nakuha rito sa Macau.

Sagot ng Meralco sa kaso ni Arman Eusebio

Noong Pebrero 16, inilathala ko rito ang reklamo ni Arman Eusebio, taga Pasay, tungkol sa sinasabi niyang pangi-ngikil ng mga tauhan ng Meralco sa kanila pagkatapos nadiskubre ang jumper sa kanilang katabing bahay noong Oktubre 2008.

Sabi ni Arman, sinisingil siya ng Meralco ng Php237,670.80.

Sabi ni Arman, “Ano bang klaseng trabaho ba ito? Parang isang malaking ‘extortion practice’ itong ginagawa nila eh. Pati ba naman sa Meralco wala na ding hustisya ang mga imbestigasyon?

Usapang “new media” sa Baguio

Tuwang-tuwa ako tuwing makapunta ako sa Baguio City dahil sa malamig na klima at mga bulaklak.

more-flowers Umakyat kami sa Baguio noong Huwebes kasama sina Yvonne Chua at Luz Rimban, mga kapwa ko awardee ng Marshall McLuhan fellowship para sa forum na ginanap sa University of the Philippines,Baguio City na inurganisa ng Canadian Embassy.

Umulan ng Huwebes ng hapon kaya hindi kami nakapaglakad-lakad sa Philippine Military Academy na busy sa paghahanda para sa PMA alumni homecoming ngayong araw. Ang daming streamers ng mga iba’t-ibang mga klase mula Pampanga. Lalo na sa gilid ng daan bago pumasok sa PMA.