Skip to content

Category: Web Links

Hindi magandang ideya ni Erap

Ano ba naman ito si Erap at iniimbitahan si Noli de Castro sumali sa oposisyon at maari raw siya ang magiging kandidato ng oposisyon sa pagkapresident sa 2010.

Sana panakot lang ni Estrada ito sa mga taga oposisyon na gustong kumandidato sa 2010 para sila ay magkasundo na isa lang ang kakandito.

Kung nagbibiro si Estrada, hindi magandang biro yun. At nakakasama sa kanya. Ibig sabihin noon siya mismo walang pagpahalaga sa katotohanan at hustisya. Paano mo naman tatanggapin ang isang taong kumapi kay Gloria kahit nabulgar na ang kanyang pandaraya noong 2004 na eleksyon ay panggigipit sa taumbayan.

Kawalang hustisya at destabilization

Update: Esperon makes a pitch for extension.

Minsan, nagreklamo ako sa sobrang higpit ng coverage sa court martial hearings, wala na kaming magawang matinong reporting.

Pina-alala ko sa isang opisyal na noong trial ni Gen. Carlos Garcia, ang opisyal na nag dispalko ng milyon, umabot pa yata ng bilyon, na pera ng military, pinayagan ang TV sa loob ng courtroom.

Sa court martial hearings ng 28 na opisyal na sangkot daw sa planong mag-withdraw ng support kay Gloria Arroyo noong Pebrero 2006, ang TV cameras ay pinapayagan lamang ilang minuto sa simula. Yun lang. Hindi kami pinapayagan maki-pagusap sa mga akusado kahit tapos na ang hearing.

ChaCha na naman

Heto na naman tayo.

Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita na sang-ayon siya sa mungkahi ni Jesus Dureza, presidential adviser on the peace process, na pa­litan ang Constitution para raw maisulong ang negosasyon sa Moro Islamic Liberation Front.

Sabi ni Dureza napagkasunduan ng mga negosyador ng pamahalaan at ng MILF na magtatag ng Bangsamoro region ngunit kailangang dumaan sa “constitutional process” o proseso na naaayon sa Constitution. Ang pro­seso na ‘yan ay kailangan ang referendum at ayaw ng MILF dahil sigurado hindi papayag ang marami sa mga taumbayan sa probinsiya na gusto nilang masama sa Bangsamoro region.

Ang paglapastangan ni GMA kay Jose Rizal

Ang Dec. 30 ay araw na ginugunita ng bayang Pilipino ang kagitingan ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal.

Ito ang araw na binaril si Rizal sa Luneta dahil sa kanyang mga sinulat na gumigising sa mamamayang Pilipino sa pang-aapi na ginagawa ng mga kastila. Ipinaglaban ni Rizal hanggang sa kamatayan ang katotohanan

Ngunit noong Dec. 30, 2003 sa Baguio City, sinabi ni Arroyo sa harap ng monumento ni Rizal na hindi siya tatakbo sa 2004 na eleksyon dahil nakita nyang yun ang sanhi ng pagkawatak-watak ng bayan.

Ganyan talaga ang buhay

Kausap ko ang isang foreign diplomat ay sabi niya, nahihirapan siyang intindihin ang mga Pinoy.

Sabi niya bilib siya sa sipag at galing ng mga Pinoy ngunit hindi niya maintindihan kung bakit parang madali natin natatanggap ang katiwalian, pagnanakaw at panloloko ng mga taong nasa kapangyarihan.

At sabi pa niya, tanggap rin ng marami sa mga Pinoy ang kahirapan. At ito, ayun sa kanyang obserbasyon ay naipapahayag sa paboritong ekspresyon ng Pinoy, “Ganyan talaga ang buhay.”

May nakakita

Dapat malaman ng pamahalaan ng España, lalo pa ng Universidad de Alcala na nagbigay kay Gloria Arroyo ng award bilang champion ng human rights ang salaysay ni Raymond manalo, isang magsasaka na kinidnap ng mga ahente ng military noong nakaraang taon.

Si Raymond at ang kanyang kapatid ay kinuha ng mga miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (Cafgu) sa San Ildefonso, Bulacan noong Pebrero 2006 sa hinala na sila daw ay miyembro ng New People’s Army.

Dinala sila sa iba’t ibang kampo at nakatakas sila.

Martial Law na rin yun

Ngayon tuliro na rin pati si Press Secretary Ignacio “I have two discs” Bunye kung paano umatras dahil pinuputakte sila ng batikos. Umubra na naman denial king. Inquirer update: Arroyo backpedals on anti-subversion law.

Ito talaga si Gloria Arroyo hindi na alam kung ano ang gagawin para ma-protektahan ang inagaw na kapangyarihan. Ngayon binubuhay ang matagal nang nailibing na anti-subversion law.

Ang anti-subversion law ay ginawa noong 1957 (Republic Act 1700) ng panahon ni Pangulong carlos P. Garcia at pinalitan ni Ferdinand Marcos ng Presidential Decree 7636 para panlaban nya sa Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa batas na yun, ilegal ang CPP at kapag miyembro ka, ibig sabihin noon nilabag mo ang batas. Kulong ka. Noong panahon ni Fidel Ramos, inalis na niya ang anti-subversion law at legal na ang CPP. Ang bawal ay ang gumamit ng dahas para itumba ang lehitimong pamahalaan. (Emphasis sa “lehitimo”. Si Gloria Arroyo ay hindi lehitimo na presidente.)

Ramdam na ramdam

Ramdam na ramdam ko and pahirap na pahirap na buhay.

Ang pan de sal na nagkakahala ng dalawampiso ay halos hangin ang laman. Sa susunod na mga araw ay magiging P2.50 na ang bawat piraso.

Ang Shellane cooking gas ay P627 na. Noong isang buwan P500 lang yun.. Mga tatlong linggo lang yan sa amin.

Ang laban ng Sumilao farmers

Dapat tutukan natin itong kaso ng mga magsasaka ng Sumilao, Bukidnon na ngayon ay nasa labas ng opisina ng Department of Agrarian Reform.

Dalawang buwan naglakad ang 55 na Higaonon na magsasaka (1,700 kilomenters) mula Bukidnon hanggang Manila para lamang maipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa na dapat nasa kanila at ngayon ay nasa San Miguel Foods Inc.

Ang kuwento ng mga Sumilao farmers ay nangyayari sa maraming bahagi ng Pilipinas. Hindi lang ito nangyayari sa Bukidnon. Ito ang kuwento ng pagkaganid ng tao. Ito ang kuwento ng mga sakim na gusto pang dagdagan ang kanilang yaman.

Medalla de berdugo

Sa English, may expression na “adding insult to injury”. Sinaktan na, ininsulto pa.

Yan ang dating ng Medalla de oro na binigay ng Universidad de Alcala kay Gloria Arroyo noong isang linggo sa kanyang pagiging champion raw ng human rights o karapatang pantao.

Mukhang naloko ng Philippine Ambassador to Spain na si Lani Bernardo itong Universidad de Alcala. At mukhang kulang itong universidad sa international research. Nakakapagtataka dahil madali lang naman malaman ang nakakabahalang record ni Gloria Arroyo pagdating sa karapatang pantao. Pumunta ka lang sa internet, makukuha mo na doon ang mga pangalan ng mga taong walang pakundangang pinatay, kasama na doon ang mga journalists, sa rehimen ni Gloria Arroyo.