Skip to content

Category: Web Links

Para sa malayang pamamahayag

Sa mga reporter na gustong sumali sa dalawang demanda na isinampa noong isang araw para maprotektahan ang malayang pamamahayag, maari pa kayong sumali. Pwede pang ihabol ang inyong pangalan.

Dalawa ang isinampang kaso noong Lunes. Isa sa Supreme Court at isa sa Makati Regional Trial Court. Magkakaibang mga petitioners pero pareho ang pakay: pangangalagaan ang press freedom na nakasaad sa Constitution.

Isa lang ang pwedeng salian. Hindi pwedeng pumirma sa dalawa kung hindi mababale wala ang kaso dahil sa forum shopping.

Huwag talian ang kamay ng mga doktor

Naintindihan ko ang posisyon ng Philippine Medical Association, ang organisasyon ng mga doctor sa Pilipinas, sa kanilang protesta sa probisyon sa House Bill 2844 , ang bersyon ng mababang kapulungan sa Cheaper Medicines bill kung saan hindi lamang na required ang mga doctor sulatin ang generic name ng gamot kung di pinagbabawal ang pagreseta ng mga doctor ng brand ng gamot.

Ang bersyon ng Senado na sinusulong ni Sen. Mar Roxas ay walang ganoong probisyon.

Sinusuportahan ng Head Alliance for Democracy and posisyon ng mga doctor.

Akala nila tanga ang taumbayan

Extended na and serbisyo ni AFP Chief Hermogenes Esperon hanggang May 9 daw.

Sa report ng Philippine Star at ABS-CBN, sabi ni Esperon na gusto raw ni Gloria Arroyo isang taon ang kanyang extension ngunit mas maigsi ang gusto niya para naman raw hindi maantala ang promotion ng ibang opisyal.

Ganun pala, e. Hindi pala kapit- tuko itong si Esperon.. Tingnan nyo, alalang-alala siya sa promosyon ng ibang opisyal kahit na siya lamang ang maaring maglipol ng mga komunista. Wala ng iba. Kung hindi siya i-extend, masisira ang takbo ng “Bantay-Laya”, ang programa laban sa mga New People’s Army.

Sinabi sa report na kailangan raw i–extend si Esperon para ra hindi masira ang “momentum” ng Bantay Laya. Ibig sabihin noon masisira kapag si Lt. Gen. Alexander Yano ang chief of staff sa susunod na buwan kapag nag-retire na si Esperon.

Ilabas ang video tape

Mukha talagang kasinungalingan ang sinasabi ng Philippine National Police na may video tape sila na pruweba raw na tinulungan ng isang babaeng reporter si Capt. Nicanor Faeldon tumakas,

Mukhang namimingwit lang ang mga pulis at ang nakakalungkot nito ang ibang miyembro ng media ay kumagat at sa gusto lang magka-scoop kahit mali, tinutulungan ang mga pulis na ikakalat sa madla ang kasinungalingan.

Dapat ang media, hamunin si Justice Secretary Raul Gonzalez at si PNP Chief Avelino Razon na ilabas ang viedo tape na yun, kung meron talaga. Kung wala naman, pwede ba tigilin na itong pagsasabog nila ng lagim.

Arrested media seeks “amparo” protection

Abante column:

Resbak ng taga-media

Nagsampa kahapon sa Supreme Court ang labin-isang personnel ng ABS-CBN ng kaso laban sa mga opisyal ng pamahalaan na sangkot sa pag-aresto at pagposas sa mga mamamahayag noong Nov. 29 na insidente sa Manila Peninsula.

Humingi sila ng writ of amparo or pagbabawal sa mga kapulisan at sino mang opisyal ng pamahalaan na kasuhan sila tungkol sa nangyari noong Nov. 29 at ulitin ang kanilang ginawa na panggigipit sa media sa mga coverages na mangyari balang-araw.

Mapayapang protesta

Related story in Inquirer: Ermita: Forget Edsa II

Mapayapang idinaos kahapon ng iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa, estudyante, mga miyembro ng simbahan at ng tinatawag nating “civil society” ang protest rally sa paggunita ng Edsa Dos na naglukluk kay Gloria Arroyo sa Malacañang kahit hindi binoto ng taumbayan pitong taon na ang nakaraan.

Nagsimula ang protest rally sa talakayan sa canteen ng De la Salle University sa Greenhills mga ika-apat ng hapon, tapos nag martsa patungong Edsa Shrine mga 6:30 ng gabi. Plano sana nila ay magtirik ng kandila sa Edsa Shrine mismo bilang simbolo ng pagdadalamhati ng bayan sa mapanupil na rehimen ni Arroyo ngunit hindi sila pinayagan ng mga anti-riot police na nakapaligid sa Shrine.

Mga kawawang sangkalan

click below for:

Malaya story

Inquirer story

Kung hindi lang buhay ng mga mahihirap na tao ang apektado, maari nang pagtawanan itong mga pakulo ng mga alagad ni Gloria Arroyo.

Kaya lang hindi nakakatawa itong ginagawa nilang kung ano-anong pakulo para lang magkaroon ng rason para magawa nila ang gusto nilang mag-emergency rule o martial law at isantabi ang batas para sila ay manatili sa kapangyarihan habambuhay.

Kanina may ipineresenta silang limang mga sundalo, mga enlisted men at sinabi nila na na kasama raw sa nagbabanta mag-coup. Susmaryosep. Isang sarhento sa active service apat na kaka-discharge lang na enlisted men.

Pekeng senador

Buking na si Juan Miguel Zubiri, ang pekeng senador.

Binuksan noong Biyernes ang 198 na ballot boxes mula sa Sultran Kudarat sa probinsya ng Shariff Kabunsuan at nabulagta ang lahat. Walang laman!

Wala ang 32,000 na boto ni Zubiri na siyang naglagay sa kanya sa Senado.

May maitim bang balak?

Di ba dapat, kapag ang isang tao ay nanggaling sa isang bingit sa kamatayan na karanasan, parang nagbabagong buhay.

Kung dati ay mapang-api, nagiging mabait at matulungin sa kapwa tao. Kung mahilig manloko, hindi na ginagawa yun. Hindi na pagpayaman ang inaasikaso dahil alam niya na kahit anong oras maari kang mawala sa mundo kaya ang ginagawa mo ay ang mga bagay na nakakabuti sa kapwa tao at ayun mga turo ng Panginoon.

Ngunit, bakit ba hindi ito ang nangyari kay Justice Secretary Raul Gonzalez . Kung ano siya noon, parang ganun pa rin ngayon.