Akala talaga ni Gloria Arroyo, tanga tayo.
Inamin niya noong Sabado sa kanyang interview sa DZRH na alam raw niyang may iregularidad ang $349 million NBN/ZTE deal na kanyang sinaksihan ang pirmahan sa Boao, China noong April 21, 2007 ngunit itinuloy raw niya dahil foreign government ang kasama sa deal.
Ngunit sabi niya, kinansela naman nya ang kontrata kalaunan.
Akala ni Arroyo, papatawarin siya ang sambayanang Pilipino dahil inamin niyang may irgularidad naman talaga ang kontrata na ilang buwan ring sinasabi ng mga opisyal niya na maayos at malinis. Akala niya katulad ni Rodolfo Noel “Jun” Lozada na lalong hinangaan siya ng sinabi niya na marami siyang nagawa na nakakawala ng respeto sa sarili ngunit gusto na niya ngayon bumawi at –isalbahin ang kanyang kaluluwa.