Skip to content

Category: Web Links

Penitensya sa kakulangan ng bigas

Update: Sen. Mar Roxas tells GMA on rice issue: “Magpakatotoo ka.”

Ang galing nitong si Agriculture Secretary Arthur Yap.

May napipintong pagkukulang sa bigas at ang kanyang solusyon ay magkaroon ng kalahati na order ng kanin sa mga fast food. Galing , no?

Nangangailangan ang Pilipinas ng 1.8 milyon na tonelada ng bigas at hirap na hirap makahanap ng mabilhan ang pamahalaang Arroyo. Nasa balita kahapon na nakabili na raw sila ng 335,000 na toneladang bigas galing sa Thailand, Vietnam at Pakistan. Kulang pa rin yun.

Mga paring bingi at bulag

Breaking News:

Two priests defied the order of Cardinal Vidal and said officiated “Mass for Truth” in Cebu. The two priests who followed their conscience were Fr. Christopher Exsala, OCARM or Carmelite, and Fr. Jessie Dumaluay,Missionaries of the Sacred Heart.

Sr Estrelle said, “We defied everything and God is with us.”

Archbishop of Nueva Caceres also does a Vidal- GMANews

Itong Semana Santa, ang malaking hamon sa mga Katoliko sa Pilipinas ay kung paano mapanatili ang paggalang sa mga namumuno sa simbahan kung sila mismo ay lumalabag sa kanilang tinuturo na pahalagaan ang katotohanan at ang mga utos ng Panginoon.

Patuloy ang paghanap ng katotohanan

march-15-rally.jpg
Malaya photo by Rolly Salvador

Sa rally na inorganisa ng mga estudyante noong Biyernes sa Liwasang Bonifacio, marami sa mga speakers ang nanawagan na sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang probinsya ngayong bakasyon, ipagpatuloy nila ang paghanap ng katotohanan at hustisya na siyang pakay ng mga kilos protesta nitong mga nakaraang linggo at buwan laban kay Gloria Arroyo.

Sinabi rin ng mga batang mga speakers na huwag masyadong magkampante si Arroyo at ang kanyang mga opisyal na libre na sila sa kanilang krimen laban sa sambayanang Pilipino. Sa kanilang bakasyon, ipapaliwanag nila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan ang pinaglalaban dito sa Maynila.

Tongpats

GMANewsTV: Madriaga: Tongpats prove San Miguel hand in ZTE

‘Yan ang bagong term sa lumalawak na bokabularyo ng kalakaran sa gobyerno ni Gloria Arroyo.

Itong salita, na lumabas sa e-mail ni Leo San Miguel, consultant ng ZTE, ang Chinese corporation na nakakuha ng kontrata mag-lagay na national broadband network (NBN), isang proyekto na telecommunications.

Ang ‘tongpats” ay baligtad ng “patong” at kasama na siya sa mga salitang “Bubukol ho yan”, “Moderate their greed”, “Sec, may 200 ka dito”, “Greedy group”, na nagpapahiwatig ng gawain ng mga kampon ni Gloria Arroyo.

Bentahang ukay-ukay ng Pilipinas

Hindi naman yata tama ang sinabi ng dating presidente ng Philippine National Oil Corporation na si Eduardo Mañalac na wala raw legal na boundary and Pilipinas kaya hindi raw masabi kung talagang may nakasama sa Joint Marine Seismic Undertaking na teritoryo ng Pilipinas na hindi naman kasama sa pinag-awayan sa Spratly islands.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng marunong magbasa ng mapa, na ang kontratang pinasukan ng pamahalaang Arroyo sa pamamagitan ng PNOC sa China at Vietnam noong 2004 at 2005 ay nagsasakop ng 24,000 square kilometers sa loob ng teritoryo ng Pilipinas.

Kawawa naman pala si Mike Arroyo

Anak ng Diyos pala ito si Mike Arroyo.

Sinabi niya sa Ombudsman na hindi siya pwede kasuhan dahil hindi naman siya public official. “”I do not meddle in governmental affairs. I do not know all the antecedent, contemporaneous and subsequent events surrounding the NBN project. I cannot be indicted for bribery simply because I am not a public officer. I can neither be indicted for corruption because there is not even an allegation, much less proof, that I ever offered any public officer any gift by reason of his or her office.”

Hindi raw siya nakiki-alam sa mga transaksyon sa gobierno. Hindi raw siya pwedeng kasuhan dahil wala raw pruweba ang mga paratang sa kanya.

Hindi nakakasiguro si Arroyo sa military

Tama si Jun Lozada. Huwag na tayong umasang mapilit natin si Gloria Arroyo mag-resign. Kailangan talaga tanggalin siya.

Sinabi sa amin ni Jun Lozada sa aming interview noong linggo sa La Salle Greenhills na kahit anong sigaw natin na “Gloria Resign”, hindi magre-resign yan. Nang pinag-uusapan raw ang mga protesta ng nagsisimula ang imbestigasyon ng NBN/ZTE, may isang cabinet member na nagsabi, “Hindi natin ibibigay ito ng walang patayan.”

Patibong ni Arroyo

gma-resign-banner.jpg

Ang ganda ng rally noong Biyernes. Katulad ng sa lahat na pagtitipon, madamdamin ang pagkanta ng “Bayan Ko” sa katapusan kasi nandiyan pa sa Malacañang ang reyna ng kasinungalingan at katiwalian na sumisira sa ating demokrasya.

Sabi ng ni Renato Reyes ng Bayan, ibig sabihin lang noon, kulang pa ang ating pagsisigaw. Kaya dapat, sa susunod, mas marami at mas malakas ang ating sigaw.

Kahit pagod, masaya kaming umuwi. Ngunit nang nasa-sasakyan na ako, may tumawag kaming kaibigan at ipina-alam sa kin na apat sa mga staff members sa opisina ni Sen. Antonio Trillanes IV ay hinuli at dinala sa Southern Police District. Sila ay sina Dominador Rull, Romel Solis, Chito Cariño at Jerry Delfin.

Huwag umasa sa mga obispo

Dahil sa hindi nanawagan ang mga obispo sa pag-resign ni Gloria Arroyo, lalong titindi na ang pagpatalsik sa kanya dahil alam na ng taumbayan na wala silang maa-asahan kungdi sarili nila.

Dahil sa mabait sa kanya ang mga obispo, siguradong lalakas ang loob ni Arroyo na kumapit sa kanyang ninakaw na pwesto at lalong magiging mayabang ang kanyang mga tauhan. Siyempre may kakampi silang CBCP (Catholic Bishops Conference of the Philippines) kahit sabihin pang hati sila.

Hindi na ngayon maiwasan ang dahas sa pagpatalsik kay Arroyo. At iyon ay dahat dalhin ng kunsyensya ng mga obispo.