Skip to content

Category: Web Links

Protesta at bakasyon sa Baguio

flowers-in-baguio.JPG petunias.JPG

Ang pinakagusto ko sa Baguio ay ang mga bulaklak. Ang gaganda.

Dahil siguro sa lamig kaya nagbu-bloom talaga ng mga bulaklak. Ang lalaki ng mga petals ng milflores. Parang giant repolyo. Ang gaganda ng mga petunia. Ganoon din ang trumpet and candle flowers. Nakaka-enjoy tingnan.

Kaya lang doon lang yun sa Baguio. Kapag tinamim mo ang ganoong tanim rin sa lugar na maiinit, hindi ganun kaganda ang mga bulaklak.

Duda sa krisis

Dahil sa kawalang kredibilidad ng administrasyong Arroyo, marami ang nagdududa kung meron talagang krisis sa bigas kahit na araw-araw maraming mahihirap ay anim na oras na pumipila para lamang makabili ng dalawang kilong bigas sa NFA.

Marami ang nagsu-suspetsa, kasama na si dating Pangulong Estrada at si Jun Lozada ang star witness sa imbestigasyon ng ZTE na gawa-gawa lang ni Gloria Arroyo ang kriris sa bigas para matabunan ang eskandalo ng NBN/ZTE kung saan maaring sabit si Arroyo.

Mas krisis sa Oktubre

Sabi ni Agriculture Secretary Arthur Yap, “Wala tayong krisis sa pagkain. Ang krisis ay sa presyo”

Kaya mahirap talaga kapag masyado marunong ang isang tao katulad ni Gloria Arroyo at ng kanyang mga kampon dahil ang daming naiisip na anggulo. Sa ordinaryong Pilipino kasi, lalo na sa mahihirap, ang mahalaga ay may makain. Kapag walang makain, krisis yan.

May sinira na naman si Gloria

Update: DOJ welcomes pardon for the 9

Halatang-halata naman itong mga opisyal ng military na puring-puri sa siyam na dating opisyal ng Magdalo sa kanilang pag-amin na guilty sila sa ginawa nila sa Oakwoong noong July 2003 nang nanindigan laban sa pamahalaan ni Gloria Arroyo.

Halatang-halata naman na may deal. Huwag na tayo magtaka kung sa susunod na linggo,
ipa-pardon ni Gloria Arroyo itong siyam.

Inspirasyon si Cory Aquino

Tinitingnan ko ang mga litrato ni dating Cory Aquino mula nang ibinalita na siya ay may kanser sa kolon at laki nga ang kanyang ipinayat.

Sa pahayag ng kanyang pamilya na binasa ni Kris, noon pang Enero nagsimula ang kanyang check-up. Ibig sabihin noon may alam na sila noong mga nakaraang buwan na kanser ang kanyang sakit.

Babuyan ni Gloria

Diretso ng idinawit ni Sen. Panfilo Lacson si Gloria Arroyo sa nawawalang P1.4 bilyon na nakalaan para sa programa ng pagbababoy.

Dapat naman. Lahat na pangungurakot dito sa bansa ay nangyayari dahil kurakot ang pinuno. At hindi naman ito mangyayari kung hindi niya inaprubahan.

Kumain ng binlid

broken-rice.jpgMay litrato sa Malaya noong Miyerkoles ng mga sakong bigas mula sa Estado Unidos na nire-repack sa National Food Authority. Ang nakalagay “U.S No. 2 quality long grain, 4% broken”.

Kapag sinabing “broken”, may halong binlid. Yung maliliit na bigas. “Broken” ang tawag kasi parang yun ang mga basag na bigas. Kapag four per cent, good quality pa yan. Ibebenta ng NFA ang 4 per cent broken ng P25 isang kilo.

Ngayong linggo, darating ang panibagong importasyon galing ng Amerika.Twenty-five per cent broken. One fourth ng isang sakong bigas ay binlid at ibebenta ito ng P18 bawat kilo.

Mensahe ng Easter

Ang Easter Sunday o Domingo ng Pagkabuhay ay mararating lamang kapag natapos na ang Biyernes Santo at Sabado de Gloria. ‘Yan ang magandang mensahe ng Easter Sunday: walang resurrection o pagkabuhay kung walang kamatayan.

Maganda itong mensahe ng Easter sa ating krisis pulitika sa bansa. Marami kasi ang nagtatanong kung bakit sa dami ng kasalanan ni Gloria Arroyo- pang-aagaw ng pwesto ng president noong 2001, pandaraya sa eleksyon noong 2004, garapalang pangungurakot hindi lamang siya pati na ang kanyang mga alagad, pambabastos ng Constitution, panunupil ng malayang pamamahayag at marami pa – nandiyan pa siya sa Malacañang samantalang karamihan sa mga Pilipino ay ayaw sa kanya.