Skip to content

Category: Web Links

Mga Pinoy sa Lahore

Lahore –Gusto nyo bang maging chef sa Chinese at Japanese restaurant sa Pakistan?

Magbubukas bago matapos ang taong ito ang Avari hotel sa Islamabad at tumatanggap sila ng applicants para sa posisyon na yan. Tingnan nyo sa www.avari.com.

Itong impormasyon ay sinabi sa amin ng chef ng Avari Lahore na si Bonifacio Chew. Si Boni ay Filipino. Siya ang mag-iinterview ng applicants at magrekomenda sa may-ari ng hotel na isang Iranian.

Global talaga ang Pinoy

Karachi – Sa unang araw namin dito, natuwa kami nang may nakilala kaming dalawang Filipino seaman na naghihintay ng kanilang barko. Sina Buddy Acub at Jessie Yongco.

buddy-n-jessie.JPG

Kababayan ko pa si Buddy na galing Antique at si Jessie naman ay galing Tanjay, Negros Oriental.

Naghihintay sina Buddy at Jessie ng kanilang barko na galing Germany. Matagal na silang seaman at naikot na nila ang mundo.

Pangalawang araw, nakilala naman naming si Aristotle Baricuatro, tiga Cebu at Gerry Alas na galing Surigao. Pareho silang engineer at nagta-trabaho sa Ericson Electronics, isang Swedish telecommunication company.

Talakayan lang ha

Marami ang nagtataka ng nabuhay na naman ang usapang charter change noong isang linggo at hindi Malacañang ang may pakana. Si Sen. Aquilino “Nene” Pimentel.

Allergic na kasi ang mga tao sa cha-cha dahil malakas ang suspetsa na hindi bababa si Gloria Arroyo sa 2010 at ang paraan lamang na manatili siya sa Malacañang ay martial law o charter change.

Dati si dating House Speaker Jose de Venecia ang promotor nitong cha-cha para mapalitan ang ating presidential system ng parliamentary system. Hindi talaga mabenta sa taumbayan.

Kodakan na lang

Wala na rin lang naman magawa, di daan na lang sa kodakan.

Nahalata nyo rin ba ang mga litrato ni Arroyo nitong mga nakaraang araw. Pose sa gitna ng palayan, pose sa harap ng tambak na sakong bigas. Pangsuporta sa kanyang sinasabi na walang krisis raw ng bigas.

Ang yabang pa niya. Nang sinabi ng Thailand na hindi sila sasali sa bidding sa pagbenta ng bigas sa Pilipinas na gagawin bukas, sabi ni Arroyo, pwede naman raw hindi mag-import. “Take it or leave it,” sabi niya.

Bulag ba ang mga senador?

Hindi ko yata matanggap ang sinasabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang conclusion ng Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan sa NBN/ZTE scandal ay “and mga ebidensya ay tumutukoy sa Malacañang ngunit walang direktang link kay Gloria Arroyo.”

Bulag lang ang hindi makakita ng kamay ni Arroyo sa eskandalo na ito sana ay nagpahirap pa lalo sa mamamayang Pilipino ng bilyon-bilyon kung hindi naibulgar ng imbestigasyon ng Senado.

Dagdag na pahirap

Kakatanggap ko lang ng aming Meralco bill at talaga namang nakaka-high blood.

Bumaba na nga ang aming electrical consumption kumpara sa nakaraang buwan dail talaga naman tipid kami ng husto. Kahit mainit tinitiis naming habang kayang tiisin na hindi mag-aircon. Ngunit tumaas pa rin ang aming babayaran.

Ito ay dahil sa pagtaas ng Meralco ng kanilang billing. Ang sinabing dahilan ay ang pagtaas raw ng Wholesale Electricity Spot Market.

Pumapalag si Teodoro

Sabi ni AFP Chief Hermogenes Esperon, na dapat ay hanggang May 9, 2008, lamang ang serbisyo, ay “honored” siya kung i-appoint siya ni Gloria na secretary of national defense.

Ngunit mukhang malabo maging defense secretary si Esperon ngayon dahil ang balita namin, pumapalag si Defense Secretary Gilbert Teodoro.

Sabi ni Teodoro na bilang presidential appointee, siya ay nasa gobierno lamang hanggang gusto ng presidente. Siyempre naman. Ngunit halata sa kanyang tono na inis siya sa pagtrato ni Arroyo ng mga posisyon sa pamahalaan na kanyang personal na regalo sa kung sino ang magagamit niya sa kanyang ambisyon na manatili sa kapangyarihan.

Paniningil ng mga magsasaka sa mga Arroyo

Nagkandarapa ang mga guwardiya sa Malacañang noong Martes nang biglang nagprotesta ang mga magsasaka sa harap ng gate ng Malacañang sa pamamagitan ng mga nakasulat na mensahe sa kanilang katawan.

Mahigpit kasi ang security sa paligid ng Malacañang. Parang pier na nga ang Malacañang sa dami ng cargo vans na nakaharang doon. Takot sa taumbayan si Gloria. Bigla tuloy nag- red alert sa paligid ng Malacañang.

Takot sa imbestigasyon

Bakit ba kailangan pumila ang mahihirap ng anim na oras para makabili ng dalawa o tatlong kilong bigas?

Hindi ito makatarungan at gusto alamin ng Senado ang ugat ng krisis sa bigas. Ngunit ayaw ng Malacañang. Hindi lang ‘yun. Ang mga senador pa ngayon ang may kasalanan sa krisis ng bigas. Sabi ni Presidential Legal Counsel Sergio Apostol, “”Tigilan na nila. Tumulong naman sila. Stop investigating, start helping…Namemerwisyo na ang Senado.
“Pag tumulong sila, wala nang price crisis… Kaso ginugulo nila… Wala na ba silang pagtingin sa bayan?”

Dahil utos ng simbahan

Sobra na sa 88 milyon ang mga Filipino ngayon.

Sa sensus ng National Staistics Office noong isang taon, umabot na sa 88.57 milyon ang ating populasyon. Ikumpara sa sensus nong 2000 na 76.50 milyon, tumaas tayo ng 2.04 percent. Ibig sabihin, nadagdagan tayo ng 12.07 million sa loob ng pitong taon.

Merong iba na natutuwa dahil ibig sabihin noon, mas maraming Filipino. Ngunit mas marami ang nababahala kasi, saan kukuha ng ipapakain para sa lahat na yun? Saan kukuha ng pagpa-aral sa lahat na yun?